11

141 11 1
                                    

Nighttime Plea: Saida part 11

Napatitig siya sa piraso ng papel na binigay sa kanya ni Dahyun. This can’t be happening..mapupuno na naman ng kaplastikan ang gabi niya..

“After Ms. Im’s speech, invite her too.” sabi nito at saka nagmadaling umalis. Huli na para magreklamo pa siya. Tsk. With that, she still smiled and walk towards Nayeon. Napag alaman niya kahapon na asawa pala ni Nayeon ang lalaking nagwelcome sa kanila noong nagsimula silang magtraining.

Nakangiti lang siya the entire speech ni Nayeon. “Masyado na yatang mahaba ang mensahe ko..so, I just want to thank you all for coming tonight to celebrate the golden anniversary of our partnership. Once again, have a blast evening! Enjoy the party!” magiliw niyang sabi at nakangiting ibinigay kay Sana ang mic.

Nang makababa na sa entablado si Nayeon ay kinakabahang tumingin sa madla. Kaya mo ‘to Sana…your mother won’t harm you in front of crowd..

With that, she smiled again and read the script Dahyun hand her. “For the next message for tonight, we would like to call the admirable woman behind the success of MNTZK Gallery, Ms. Sasha Minatozaki! Let’s give her a round of applause.!” she cheerfully call and saw her mother with charming smile.

Gumilid siya nang makitang papalapit ang ina niya. Kunwaring nginitian pa siya. “A pleasant evening to all…” panimula nito. Nakatingin lang si Sana sa audience habang nakangiti.

But the moment that her mom suddenly held her waist, her smile vanished. “I am not just a proud investor of Saida hotel and a gallery owner, but also a mom. Everyone, this is my third lovely daughter, Sana.” sabi nito.

Nakakuha naman ito ng paghanga galing sa mga tao at nagpalakpakan sila. “Umayos ka.” sabi ng ina niya ng may pagbabanta. Walang nagawa si Sana kung hindi ngumiti. The entire time of her mom’s bragging clenched her heart.

Hindi kumikirot ang puso niya dahil nasasaktan siya sa sinasabi ng ina kundi dahil sa kawalan ng katotohanan sa sinasabi nito. Alam niya kahit kailan hindi magiging totoo ang mga ibinabahagi nito.

“Once again, thank you for the success of Saida hotel and our partnership! Good evening” she finally said. Hinalikan siya sa pisnge nito bago umalis sa entablado. Napansin ni Dahyun kung paano muntik na matumba si Sana.

Gusto na niya itong puntahan pero bigla itong nagsalita at tinapos ang unang parte ng programa. She exited as she called the staff for delivering the food to the investors. Pagkalapit ni Sana ay agad siyang lumapit rito.
“ Ms. Sana…okay ka lang?” nag aalalang tanong niya. Ngitnitian lang si nito at tumango. Inalalayan niya si Sana na umupo sa gilid at pinainom ng tubig. “A-anak ka pala ni Ms. Minatozaki…” panimula nito.

“Unfortunately….yes..” she whispered. Napakunot naman angnoo ni Dahyun sa sinabi niya at tumabi sa kanya. “Okay ka na ba? Kaya mo pang maghost pa?” tanong niya. Narinig niya ang malalim na paghinga ni Sana bago siya harapin.

“Nasimulan ko…kaya tatapusin ko. Okay lang po ako, Sir.” sabi niya, with assurance. Ilang sandali silang nagsama sa likod bago muling sinenyasan si Sana ng isang staff.

“Good luck” tipid niyang sabi bago umakyat si Sana sa stage. Napatakip ng bibig si Dahyun nang marealize niya kung anong nagawa niya. “Pinapahamak ko lang ang sarili ko.” bulong niya.

Napakagat siya ng labi nang titigan si Sana. Ano bang meron ang babaeng ito?

Pinanood nalang niya ito habang magiliw na pinapasaya ang gabi ng mga tao. Hanggang sa magbukas na ng champagne si Ms Nayeon, saka lang nakaalis muli si Sana sa stage.

Tutal naman ay hindi hahanapin si Dahyun, nagpunta siya sa likod ng hotel kung saan tanaw ang dagat. Nakapamulsa siyang umupo sa isang batong upuan at pinagmasdan ang maingay na katubigan.

“Kumusta na kaya siya?” bulong niya. The sound of waves reminds Dahyun of his ex-girlfriend. Minahal niya ito ng sobra, pinahalagan pero binigo siya at muntik nasira ang pangarap niya dahil dito.

They’ve dated for almost 5 years, but they were still too young to reached maturity. Lalo na ang naging nobya niya…he’s in 4th year college while she’s in 3rd year high school.

Napatigil siya sa pag-iisip sa ex niya nang makita niya si Sana na nakapaang naglalakad sa damuhan malapit sa dulo ng hotel property. Bitbit nito ang kanyang heels at pouch habang parang wala sa sariling umupo sa damuhan.

Ilang metro lang ang layo nila sa isa’t isa ngunit sapat na ang distansya para magkausap sila. Hindi lang niya alam kung nakita siya ni Sana sa kinauupuan niya. Tumingin si Sana sa kalangitan at kitang kita ni Dahyun kung paano kuminang ang luha niyang dumaloy sa pisnge niya.

The moon is too bright to notice her heartbreaking moment. Every night, Sana feels inferior. She feels like everyone is against her. She pleads to moon and stars to let her feel confident not just in day but also on nighttime.

Normal lang sa tao ang makaramdam ng lungkot sa pagsapit ng gabi. Pero hindi na yata normal ang kaso ni Sana dahil gabi gabi na ang paglamon ng kalungkutan sa kanya.

“Hayyyyy life……why are you so unfair with me….bakit malungkot na naman ako? Bakit nasasaktan na naman ako? Bakit pakiramdam ko….hindi lang ang ex ko ang nanloko sakin? Bakit ganito….” bulong niya.

Biglang pumasok sa isip ni Sana ang ex niya…ngunit hindi ang masasakit na pinagdaanan nila sa relasyon kundi ang puro saya. She can imagine her and Mark(Got7) running and playing in the seaside… their night dates…their treats… their pasttime…their love…

Mas lalong napahagulgol si Sana sa inisip niya. Not all happy memories will make you just happy, sometimes….it will break your heart because that memory that supposed to be just a happy one will never happen again…

Nang mawala si Mark sa kanya, pakiramdam niya’y nawalan na siya ng kakampi. Kahit pa nariyan ang kaibigan niyang sina Mina at Momo…iba pa din yung naging karelasyon mo..

Her family is against her, and now…her boyfriend just got married few days ago. Yumuko siya’t itinago ang mukha sa tuhod niya. Sometimes, crying is the best way to ease the pain.

Tears is a percent of water and 99% of emotions. And now, she’s crying a river to freed her emotion. Pinanood lang siya ni Dahyun at tahimik na nakikinig sa hagulgol ni Sana. Pinipigilan niya ang sariling makialam sa problema ni Sana.

He can’t be be friends with her…she’s the daughter of the investor of the hotel. Kapag napahamak siya, trabaho niya ang mawawala. Mas mabuti ng hindi na lang siya makialam.

Tumayo si Dahyun at napagpasyahan na umalis ngunit nakakailang hakbang palang siya ay nagsalita si Sana. “Alam mo ba kung bakit SANA ang pangalan ko?”

Napahinto siya ng hakbang dahil sa tanong nito. Bakit nga ba Sana ang pangalan niya? Lumingon si Dahyun para kumpirmahin kung siya ba ang kausap nito o ang sarili niya lang.

The moment he looked back, their eyes locked. Siya nga ang kausap nito. “Kanina pa kita napansin,Sir.” sabi niya. Napalunok naman si Dahyun at napakamot ng noo. “Ganun ba…pasensya ka na, di ako nagsalita kanina.” sabi ni Dahyun.

“Sir..” tawag nito. “B-bakit?” tanong nya. “Pwede po bang…makinig kayo sa sasabihin ko?” tanong nito. Parang automatic na tahimik na umupo si Dahyun at inihanda ang tainga sa kanya.

“Okay lang po ba?” tanong muli nito. “Uhm…oo naman.” tumikhim na sabi niya. Ngumiti si Sana sa kanya bago tumalikod sa kanya. “Mas mabuti na po yung hindi ko kayo nakikita…pero alam kong nakikinig lang kayo..” mahinang sabi niya.

Tumahimik naman si Dahyun nakikinig. “B-bakit…..bakit Sana ang pangalan mo?”

To be continued…

Nighttime Plea (SaiDa) जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें