[3] Lionhearts: Heaven's Favorite Brother

56 4 0
                                    

[3] Lionhearts: Heaven's Favorite Brother

"Kuya Raz, here."

Raji and I both looked up at Heaven. He placed a cup of tea and brownies on the table. Tumaas ang kilay ko nang mapansing sa banda ko nakalapag ang pagkain.

"Thanks," I said as I glanced up at him once again.

Ha gave me a grin and just walked out after. Tuloy-tuloy siyang umaakyat ng hagdanan. Nagkatinginan kami ni Raji. Bahagya siyang ngumuso.

"Bakit ikaw lang ang binigyan niya? Ikaw lang ba ang kapatid niya rito?" sabi niya saka bumuntong hininga.

I licked my lips and shook my head. Tiningnan ko ang ibinigay na pagkain sa akin ni Heaven bago kinuha ang bishop at inilagay ito sa gusto kong pwesto sa board. Raji shot his piece after me. Ilang minuto kaming tahimik na naglalaro sa living room bago ulit siya bumuntong-hininga at sumandal sa sofa. Napatingin ako sa kanya nang humalukipkip siya, parang badtrip.

"Why is he like that?" he asked me.

I raised my brow. "Who?"

"Heaven," he breathed out.

"What about him?"

I moved my queen and devoured Raji's knight. Lumagatak ang ingay nang nilapag ko ang queen sa board pagkatapos kunin ang knight niya at itinabi sa gilid. Medyo maingay ang paglalaro namin dahil gawa sa clear glass ang chess pieces at board.

Nang hindi siya tumira ay napasandal na rin ako sa sofa at masungit siyang pinagmasdan. He looked upset.

No. More like, he was sulking.

"Ang lakas ng topak ni Heaven pagdating sa akin. I'm also his big brother, you know."

"Masama naman ang timpla no'n palagi. Kulang sa tulog dahil maraming inaaral. Hayaan mo na."

"Hindi, Kuya. Pakiramdam ko ay ang laki ng galit niya sa akin."

"Malaki rin ang galit no'n kay Chrome," sabi ko na lang.

"There's a reason why he's mad at Chrome. Pero sa akin? Ano bang ginawa ko?"

Kumunot nang husto ang noo niya. Para bang isang malaking palaisipan kung bakit malamig ang trato sa kanya ni Heaven.

"Seriously, you're asking that?" I spat.

"Of course. I'm clueless. Sa lahat, ikaw ang pinakagusto ni Heaven. Anong pinakain mo ro'n?"

Umirap ako nang husto. "You can't blame him. You bully him too much that's why you're not his favorite brother."

His dark eyes darted on mine. "Mas malala naman sina Kuya Irvine at Kuya Lohan. Inaasar ko lang nang kaunti si Heaven. Kaso sobrang init talaga ng ulo niya sa akin? Seriously? Ganyan ba ang epekto ng medical school sa kanya?"

Tumaas ang kilay ko. "You like his girl. Seraphina, right?"

Unti-unti ay parang naliwanagan siya kung bakit nga ganoon ang turing sa kanya ni Heaven.

"Oh?" He laughed softly. I rolled my eyes again. "Selos na selos sa akin?"

He was laughing but his eyes were glinting viciously. I stared at my brother for a while.

"Seraphina is beautiful. What's not to like, right? Heaven is so lucky," he added.

I clicked my tongue. Umiiling ako habang pinagmamasdan si Raji. Tumatawa pa rin siya pero halata namang hindi siya natutuwa. His expression was dim and twisted.

"Raji, you look kind and gentle. But you're a two-faced bastard," I said, hissing.

Nagkibit lang siya ng balikat, tumigil sa pagtawa, at ngumisi sa akin.

"Let's just continue playing, you bastard," sabi ko na lang at umayos ng upo.

Good luck na lang sa babaeng mamahalin niya. What a fucking clown.

01-16-2021

From Me, To You (Snippets)Where stories live. Discover now