[1] Lionhearts: Chrome Asks Lionel

114 6 0
                                    

[1] Lionhearts: Chrome Asks Lionel

"Lionel, what do you want to be when you grow up? Do you want to be like me?"

The seven year old boy, the son of my older brother—Raziel, looked up at me after putting the chess piece on the board. Sinamahan ko siyang maglaro ng chess dito sa garden. Sa totoo lang ay hindi pa siya gaanong marunong pero pwede na siyang pagtiyagaang kalaban. Pampalipas ng oras.

Si Kuya Raziel dapat ang kasama nito pero may biglaang meeting kasama si Kuya Byron. The next person who always play with this kid is Kuya Raji, but he's nowhere to be found.

Now, I'm stuck with him.

"So? Do you want to be like me?" I asked him again, smiling widely.

He just stared at me for a couple of minutes before nodding. Mas lalong lumaki ang ngiti ko kahit parang napipilitan lang siya.

"Idol mo na ako, kung ganoon?" tatawa-tawa kong tanong.

Kumibot ang labi niya, parang hindi nagustuhan iyong sinabi ko. Kung tutuusin ay kamukhang-kamukha siya ni Kuya Raz. He's the little version of him. Napakasungit at tahimik din kagaya niya.

Ang butil ng pawis sa kanyang sentido ay dumulas pababa sa kanyang leeg. Tanghaling tapat kaso wala namang araw sa kalangitan pero bakit namamawis ang batang ito?

I leaned forward, trying to wipe away his sweat using my hand. Habang ginagawa ko iyon ay napatingin siya sa gilid nang may dumaan.

Si Kuya Heaven, naglalakad, nakasimangot, at sa itsura niya ay parang mananapak na ano mang oras. Mukhang kulang na naman sa tulog ang mahal na prinsipe kaya ganyan ang itsura.

Nakita kong galing siyang green house at papasok na sa mansion. Nagkatinginan kami. He scowled at me as he rolled his eyes in annoyance.

Isa pa itong ubod ng sungit.

I smirked at him just to irk him more. His heated eyes fell on Lionel and his expression abruptly softened. Tingnan mo ang isang ito!

"Hi, Lionel," masuyong bati niya sa bata, patuloy pa rin sa paglalakad.

Tiningnan ko si Lionel na halos mabali na ang leeg kasusunod ng tingin sa papasok niyang Tito sa mansion.

"Huwag mong gayahin ang isang iyon. Ubod ng sungit. Palaging nang-iirap kapag kulang sa tulog. Dapat sa akin ka gumaya, ha?" sabi ko para makuha ang atensyon niya.

Lionel cocked his head to look at me, his lips formed into a grim line. Umawang ang labi ko. Parang si Kuya Raz talaga, ah?

"Honestly, I want to be like Tito Heaven. He's like my Daddy. He's super cool and mysterious," he told me.

Ang liit liit ng boses niya pero may bahid iyon ng kasungitan. Tumaas ang kilay ko.

"Akala ko ba ako ang idol mo? You want to be like me, right?"

Nagulat ako noong umismid siya. Aba.

"No. I've changed my mind. You have a blaring mouth, Tito Chrome. I don't want to be like you."

My mouth formed into a big O. Mariin akong tumingin sa pintuang pinasukan ni Kuya Heaven.

"I hate you! I hate you, Kuya Heaven! I hate you—"

Muntik ko na makagat ang aking dila nang may biglang sumapak sa ulo ko. Dumaing ako at hinawakan ang ulong nasaktan. Masama kong tiningnan ang taong nanakit sa akin pero agad nanliit nang makita kung sino iyon.

Kuya Raz was glaring at me. He smacked my head again.

"What are you doing, shouting hateful words like that in front of my son?" he spat.

Ngumuso na lang ako at humingi ng tawad.

Nagpapaawa akong tumingin kay Lionel. Kaso ay nagsimula na lang ulit siyang maglaro ng chess, hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"Dad, let's play chess," he just said.

"Okay, baby."

Pinaalis ako ni Kuya Raz sa upuan at siya ang pumalit doon. Nakanguso akong pinagmamasdan ang mag-ama.

Lionel grimaced. "Don't call me that, please. I'm already big."

Kuya Raz grinned. "Alright, big boy." He suddenly glanced at me. He frowned. "Pumasok ka na sa loob, Chrome," matigas niyang utos.

I clicked my tongue. Noong nakatalikod na ako sa kanila ay umirap ako nang husto.

"Hindi ko na aalagaan 'yang anak mo kahit kailan. Kahit bigyan mo pa ako ng sports car," bulong ko. "Mag-ama nga kayo. Sungit."

Pero narinig ni Kuya ang bulong ko kaya napasigaw ako noong may tumamang matigas sa ulo ko.

Binato niya ako ng chess piece!

"Don't talk to me like that," pahabol na sabi pa ni Kuya.

Binilisan ko na lang ang paglalakad. Ang sama sama ng loob ko habang papasok ng mansion. 

01-16-2021

From Me, To You (Snippets)Where stories live. Discover now