- P R O L O G U E -

Start from the beginning
                                    

Pakingsheet! Pumiyok pa talaga ako sa last! Giatay ra!

Binilisan ko nalang maligo dahil nakakahiya sa silinganers ( kapit-bahay ), pati pagbihis binilisan ko din. Nagpabango din ako kahit sa computer shop lang naman ang punta ko hehe!


Agad akong lumabas ng bahay at dali-daling binuksan ang gate at isinarado ko agad baka lumabas yung cute na cute naming aso.


Habang naglalakad dun ko palang sinuot yung mask hehe ang bad bad ko no? Don't worry di ako nag-iisa charrot lang!


Natanaw ko na sa labas yung mga barkada ko, kahit kailan talaga ang titigas ng ulo! Ang iba kasi di naka mask yung iba naka mask nga pero isinabit lang sa may baba nila! Tapos nagsisiksikan pa!

"Charr! Andito na si Praya oh! Bagong ligo hehe!" Isa sa mga barkada ko si Kulot.

"Saba Lot! Duklon tika ron! Mask mask din pag may time uyy! Baka hulihin ka ng pulis buanga ka!" sabi ko.

"Ahaayy! Hayaan mo siya Pray! Pag nahuli siya 'di na namin kukunin hahaha!" si ate Dorina ----o kaya ate Dors ------ Habang nagpapaypay ng barbecue.



"Mao man! Ahahahaha dun ka na titira Kulot!" si Joy-joy naman ang nagsabi.

"'Di yan! Kukunin ako ni ate Milay uyy! Tiwala lang!" sagot ni Kulot.

"Nah! Ambot lang Kulot! Hahahaha" sagot ni Tita Emily/Milay, habang binibigay ang sukli kay dodong 1. ( andami kasing dodong dito hehe )


Ang computer shop dito ay tago, kasi bawal pa mag bukas eh, kaso matigas ang ulo hehe kaya ayun! Binuksan ng tita ko pero 'di halata na may computer shop dito, kasi bago mo pa makita ang compshop, ang una mong makikita sa labas ay tindahan! Sa gilid ng tindahan sa may kaliwa ay ang barbecuehan sa kanan naman ay prutasan, sa likod ng nagtitinda ng prutas ay ang daan papunta sa compshop. 


"Freja! Kuha ka ng tag-15 na Hotdog diyan ako na ang magbabayad." sabi bigla ng mommy ko ----- bale tita ko talaga siya pero mommy tawag namin sa kanya.

"Yeheey! Salamat 'my!" masaya kong sabi kay mommy at namili ng mas malaking hotdog bago ko binigay kay ate Dors.

"Aytss! Sanaoowl! Libree!" si Joy-joy.

"Punta ka kay Intoot! Baka i-libre ka nun!" si Kulot.

"Eh!? Ayaw ko nga!" si Joy-joy.

"Bakit naman?" si Kulot ulit.

"Kung gusto mo 'Lot, ikaw nalang!" si Joy-joy.

"Kaya ayaw niya kay Intoot kasi gusto niya kay Dodoy!" sabat ko sa kanila.

Si Dodoy yung ex nilang dalawa hahaha wengyaa!

"Oh My God! Parayaaaa!" sigaw bigla ni Inday best friend ko, kahit kailan O.A talagaaaa!

"Oh My Goood! Indaaaaayyy! Huhuhuhu long time no see!" syempre sinabayan ko trip niya hahaha! Kaya ayun nakatanggap kami ng batok galing kay Joy-joy.

"Pestee! Ang O.A haaa! Parang antagal niyong di nagkita! Eh nagkita kayo kahapon!" Joy-joy.

"Matagal naman talaga kami hindi nagkita! Ilang oras din yun uyy!" sagot ko, pero di na nila kami pinansin mga buang talaga!

Pumasok nalang kami ni Inday sa internetan para.............. mag-internet malamang! Hahaha.


Nag y-youtube lang naman ako eh, di na kasi ako mahilig mag Facebook kaya tamang YouTube lang hehe . Makalipas ang ilang minuto hinatid ni Kulot ang hotdog ko, big size ata to? Big bite? Ay ewan nakalimutan ko na basta malaki siya tapos lumalaki pag niluluto na.


"Parayaaa! Look at this!" sigaw bigla ni Inday at tinuro ang screen ng computer at may pinakitang memes. Syempre sabay kaming tumawa hahaha antanga lang! Relate na relate sa memes eh! Hahaha napatingin ako bigla sa orasan nanlaki bigla ang mata ko!


"Hala yawaaa! Ala-sais singkwentay'singko na! Curfeww na animal!" sigaw ko at sabay kaming tumakbo ni Inday pati yung ibang naglaro dun, paglabas namin halos magmukhang ghost town yung lugar namin! WALA NG TAOOO! Ang bilis kong tumakbo pauwi! Grabee kinabahan ako dun! Exact 6:00 kasi yung curfew namin dito.

Pagdating ko sa bahay pinagalitan na naman ako ni mama, nakalimutan ko namang hugasan ang pinggan hehe. Kumain narin ako tapos hinugasan ang pinggan tapos nagpunas narin ng katawan tapos nagbihis ng may napansin ako..........




".......  Maaaaaa! Si Cyheeer walaa ditoo!" sabi ko habang hinahanap ang aso ko.


"Puntahan mo sa labas baka nakatakas!" sabi ni mama habang nasa banyo nagpunas din.

Dali-dali kong kinuha ang mask ko at lumabas ng gate ng makita ko yung aso ko!

HAWAK NA NG PULIIISSSS!

_________________
🐇

Pandemic Love (A Covid-19 Series)Where stories live. Discover now