Part 34

616 65 8
                                    

NANG mabasa ni Reese ang text message ni Juvel ay agad siyang nag-reply.

Wait 4 me. May aayusin lng ako. Sndali lng 2. Isinilid niya ang smart phone sa bulsa ng jacket at pumasok sa cafe kung saan siya makikipagkita kay Roanne. Lumapit siya sa table kung nasaan ito. Tumayo ito nang makita siya. Agad na yumakap sa kanya.

"Thanks for coming. Alam 'kong darating ka dahil hindi mo ako matitiis."

"Roanne, let's talk."

Humiwalay ito sa kanya. "Bakit ang seryoso ng tono mo?" Hinila siya nito sa mesa kung saan ito nakaupo. "Umorder na 'ko ng kape. Hintayin na lang natin. Can you take me to the beach after this? Dala mo ang motor mo, di ba? Mag-stroll tayo."

Bahagyang nginitian niya ito. "Hindi ka pa rin nagbabago. You're so self-centered and fickle. Madali kang umiyak pero madali ka ring patawanin."

"Iyon naman ang nagustuhan mo sa akin, di ba?"

"Yes. You're so lovely back then. Even when you complained and threw a tantrum, you were pretty and vibrant. Kahit ngayon, maganda ka pa rin."

Namula ang magkabilang pisngi nito. "Thank you." Ginagap nito ang kamay niya sa ibabaw ng mesa. "Everything will be okay between us, right? Gusto 'kong bumalik ka sa akin, Reese. Gusto 'kong bumalik tayo sa dati."

Bumuntong-hininga siya para kumuha ng buwelo. "Roanne... we can't go back. I'm not the right guy for you. Forget me."

Agad na bumakas sa mukha nito ang hinanakit. "Kailangan kita Reese."

"Ganyan din ang iniisip ko sa'yo noon. Kailangan kita."

"Then what's wrong? Hindi mo na ako kailangan ngayon?" Pumiyok ang boses nito at sunud-sunod na nagsitulo ang mga luha.

"It's not like that. I was attracted to you the same as I was attracted to the other girls I had dated. Na-realize ko na hindi 'yon pagmamahal. Dala 'yon ng kabataan ko at kapusukan ko bilang lalaki. If I was in the mood, I'd do it with any other pretty girls. I'm just a scum, Roanne. That's the kind of guy I am. Pero iba na ngayon. May isang babaeng nagturo sa akin kung ano ang pagmamahal. It's not about holding onto someone or needing someone. It's about doing things that makes her happy and not doing things that makes her uneasy. Ayokong saktan si Juvel dahil mahal ko siya." Nang subukan niyang bawiin ang kamay ay hinila pa rin iyon ni Roanne.

"No! Hindi mo siya mahal! Nakikita mo lang si Ulysses sa babaeng 'yon! Naaawa ka lang sa kanya."

Umiling siya. "I admit that it was sympathy at first. Then unti-unti habang nakikilala 'ko si Juvel, hindi 'ko na makita ang mukha ng ibang mga babae. All I can see is her. Akala 'ko noon, walang sino man ang may kakayahang kumontrol sa akin. Even Dad gave up on me. But with Juvel, I'm doing things that were not familiar to me. Juvel can stop the beast inside me because I don't want to be the bad guy in her eyes. I don't want her to hate me."

Humagulgol ng iyak si Roanne. "Reese... paano ako?"

Tinitigan niya ang dalaga. "Noon, kapag umiiyak kayong dalawa ni Ulysses, gumagawa ako ng paraan para iganti kayo sa mga nagpapaiyak sa inyo. Pero ngayon kapag si Juvel ang umiiyak, hindi ko alam ang gagawin ko. Sobrang natataranta ako at hindi 'ko alam kung paano siya patatahanin. Parang gusto ko ring umiyak kapag nakikita ko siyang nasasaktan. I have the urge to cry even though I am someone who can't even cry."

Doon nito nabitawan ang kamay niya. Sa kislap ng mga mata nito gawa ng luha ay naaaninag niya ang pagsuko. "Do I really need to let you go? Will you really be happy with her?"

"Yes," siguradong sagot niya.

"Then umalis ka na." Iniiwas nito ang mukha. Matigas ang ekspresyon nito na tila nagpipigil na isambulat ang rumaragasang emosyon. "Umalis ka na!"

"Roanne, I hope you find that someone too. Hindi 'yong taong magpapasaya sa'yo kundi 'yong taong gusto mong pasayahin." Iyon lang ang tumalikod na siya. Paglabas niya ng cafe ay tumakbo siya kung saan nakaparada ang kanyang motor.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

PINUNASAN ni Juvel ang umalpas na luha sa kanyang mga mata. Nasa isang pampublikong parke siya at nakaupo sa isang bench. Katatapos lang niyang basahin ang journal ni Ulysses. Hinihintay niya ngayon doon ang pagdating ni Reese. Nang marinig niya ang angil ng pamilyar na motor ay napatayo siya.

"Reese!"

Huminto sa tapat niya ang motor ng lalaki. Pagkababa ng kickstand ay bumaba ito at tinanggal ang helmet. "Juvel!" Nakangiting kinuha nito ang kamay niya pagkalapit nito. "Sorry, did you wait that long?"

Umiling siya. "Pero Reese, may kailangan kang malaman." Dahan-dahan niyang iniumang dito ang hawak na notebook. "May naiwang suicide note sa journal niya si Ulysses."

Kitang-kita niya kung paano natulala ang binata. "Paanong..."

"I'm sorry for being nosy. Pinuntahan ko sa mismong bahay nila ang kapatid ni Ulysses. Kinailangan 'kong gawin 'to para tulungan ka. Para tuluyan ka nang makabangon, Reese. Kailangan mong basahin ang huling pahina diyan. Kailangan mong malaman ang tunay na nararamdaman ng bestfriend mo bago siya nagdesisyong tapusin ang lahat."

Lumunok ito at pinakatitigan ang tinanggap na notebook. "Ulysses..." emosyonal na sambit nito sa pangalan ng kaibigan. Sinapo nito ang noo. "Can I read this on my apartment? At puwede bang samahan mo ako, Juvel?"

"Of course, Reese." Inabot niya ang kamay nito. Sumakay sila sa motor ng binata. Nang makarating sila sa apartment ni Reese, tahimik itong umupo sa kama hawak ang journal ni Ulysses. Di na sinubukang gamabalain ni Juvel ang lalaki at naupo na lang siya sa isang tabi. She already knew what was written on the last page of that notebook. Nakatala doon ang saloobin ni Ulysses.

Dec. 11—I'm going to die today. Sa totoo lang, wala akong takot na maramdaman. Naubos na siguro ang takot 'ko sa mga panahong dumidikit ako sa gulo. Nasa kapalaran ko na yata ang pagkaisahan ng lahat. This life is like heaven and hell. Langit kapag masaya ka at impiyerno kapag nahihirapan ka. I never have the courage to face such difficulties. Mahina ako at parating dumedepende sa bestfriend 'kong si Reese. I admire him so much because he's the exact opposite of me. Kahit ang lapit niya, parang milya-milya ang layo 'ko sa kanya. Pero kahit na magkaibang-magkaiba kami, isa siya sa mga taong tumanggap sa akin ng buo. Walang kasinungalingan. Walang motibo. At walang halong pagkukunwari. I am a very reserved person but when I'm with him, I don't need to be one. Nasasabi 'ko ang mga gusto 'kong sabihin kahit pa minsan ay hindi niya gusto ang mga lumalabas sa bibig ko. Reese hates hypocrites. And I am one. I keep on talking about my own ideology of justice but honestly, it's all trash to me. Di ko kayang magpakatotoo tulad ni Reese. Hindi ko kayang manindigan tulad niya. Hangga't nabubuhay ako sa mundong ito, pakiramdam 'ko sisirain siya ng mismong kahinaan 'ko. At kamumuhian namin ang isa't-isa. If I die, Reese will surely blame himself so I hope he read this journal once I'm gone. Hindi ako namatay ng dahil sa'yo o para sa'yo. Wala akong galit sa inyo ni Roanne. I suffered but I was satisfied to meet someone like you, Reese. That's my ending. I'll just be taking off earlier than you. I just have to do this while I can still treasure this feeling. I know you'll say that I'm pathetic to escape like this, Reese. Pero ito ang pinili 'ko. Ang kauna-unahang desisyong ginawa ko para sa sarili ko. Sayonara... boku wa daisetsuna tomodachi... 

****

- Amethyst -

Love Me Not, Leave Me Not [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon