7. . .Stays in the Island

Start from the beginning
                                    

Wala akong kaalam - alam sa buhay. Papa sheltered me from the cruelty of the world, and somehow, it backfired.

Pasimple akong ngumiti. Masungit si Zak, hindi ko rin maarok ang iniisip niya madalas. He's still a mystery to be solved. But his gestures, they are making me so happy and giddy.

After eating and a closer inspection of my baby wounds, I decided to take a bath in the sapa. It was small with running clear water on rocks. Dinala ko ang ibang kagamitan mula sa bag, mayroong soap, toothpaste at toothbrush naming dalawa sa duffle bag na nadala niya nang tumakas kami sa burning yacht. Ewan ko kung bakit iyon ang nahablot niya kasama ni Momo, parang magpi-picnic lang kami pero hindi naman. I pouted.

Hinanap ko si Zak sa palibot ng tree house, pero mukhang wala naman siya roon. Tumuloy ako sa sapa upang maligo. Hinubad ko ang roba bago lumublob sa malamig na tubig at ipinatong sa bato. Lalabhan ko ang robe at ibibilad ko mamaya sa araw.

I let out a soft mumble. The water is so good, it relaxed my whole being. Malinaw ang tubig kaya naaaninag ko ang aking kabuuan.

This is the time of the day I spent thinking about my family in the city. Madalas akong umiiyak kapag mag-isa. When Zak is around, I don't usually feel the longing for my loved ones. Pero kapag mag-isa ako, doon bumubuhos ang lahat ng emosyon.

Oh, how I miss Papa and Manang. Baka nag-aalala na sila sa akin. Si Reign din kahit sinusungitan niya ako at hindi ako gusto, I miss her. I am supposed to help Aramis in her wedding. Gusto kong makita ang gown niya sa pagsukat nito. I just want to be there for her, I know, nobody else would.

Gusto ko nang umuwi para makita sila. Pero may parte sa aking kumikirot, alam kong kapag bumalik na kaming dalawa sa siyudad, he would no longer want my existence. I am nothing but a company in the island. And I feel so bad about that.

Alam kong tatanawin kong malaking utang na loob ang lahat ng ginawa niya para sa akin habang nasa isla kami. I would always think of him, his roughness and goodness and... his lips.

Huh?!

Pinahid ko ang luha ko. Nang mag-angat ako ng paningin, Zak was staring at me intently. Bahagyang nakaawang ang kanyang labi. Just like most times, I couldn't fathom the emotion in his eyes. I thought, he wouldn't break the eye contact, but he did. Siya ang unang nag-iwas ng tingin. Nilisan niya ang lugar pasan ang ilang malalaking biyak ng kahoy.

Muli kong tinuyo ang luha sa aking pisngi. That's when I realized I am naked under the clear water. My mouth parted. Did he see me naked? Oh, no! Nasapo ko ang noo ko.

Hindi ka talaga nag-iisip, Rainbow. May utak ba ako?

***

"Anong g-ginagawa mo?" tanong ko kay Mr. Petrovich--- Zak pala, sa tinitipon niyang twigs ng puno. Yakap - yakap ko sa dibdib si Momo habang inuusisa ang kanyang ginagawa.

Hindi niya ako pinansin kaya napakamot ako sa ulo. "D-do you w-want my help?"

Napanguso ako. Hindi pa rin ako nito pinapansin. Bahagyang inilayo ko si Momo. "M-momo, do you w-want to help, Mr. P-petrovich?" pagkausap ko sa baby monkey ko.

Just like that, his eyes were on me. Iba magpakaba ang green eyes ng isang Khromov Zakhar Petrovich. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Naasiwa ako sa titig niya kaya muli kong niyakap si Momo at gumawa ng safe distance mula sa kanya. Baka mangagat iyong labi niya.

I was wearing the night gown I wore the night before the incident happened. Wala iyong robang nilabhan ko. Medyo manipis iyong tela, pero wala naman akong ibang choice. At may suot naman akong panty. I wasn't just sure if my beads were delicately covered by the night gown.

Kryptonited ✔ (Alpha Sigma Omicron #3)Where stories live. Discover now