Chapter 1

496 15 0
                                    

Snow POV

"Anak gising na tanghali na magtitinda pa tayo ng isda sa palengke" gising ni nanay flor

"Nay sandali lang po" sabi ko

Ako nga pala si Snow-- yun lang ang natatandaan kong pangalan

Nagkamnesia kasi ako nabagok ung ulo ko at buti na lang tinulungan ako ni nanay flor

Si nanay flor siya ang kumupkop saakin, naawa nga lang siya saakin dahil nagkaamnesia ako at puro pasa daw ang buong katawan ko.

"Nay ako na po maghahawak niyan" sabi ko kay nanay flor at binagay niya naman saakin ung maliit na drum puno ng isda

"Salamat anak at tinutulungan mo ako sa pagtitinda sa palengke" sabi ni nanay flor

"Nay dapat ako ung magpasalamat sayo kung di mo ko tinulungan at kinupkop dito kung saan na ako pupulutin ngayon, kaya sobra sobra pa po tong ginagawa kong tulong sayo" sabi ko kay nanay flor

"Naku anak buti ka pa natutulungan mo ako etong si Donna di ako matulungan sa palengke puro pagpapaganda lang ang inaatupag" sabi ni nanay flor kaya ngumiti na lang ako

Si Donna siya ang nagiisang anak ni nanay flor, galit nga saakin yun ehh kesyo sipsip daw ako, nagbabait-baitan, malandi.

Ehh ang totoo niyan matulunging tao lang naman ako, pati ung mga lalaki di ko alam kung bakit ako palagi akong nilalapitan.

------------------

Andito na kami sa labas ng palengke, bale nasa kabila pa ung palengke kaya tatawid pa kami

Hatak ng isang balde

Lapag sa gilid

Hatak ulit

Lagay sa gilid

Woohoo hirap magbaba ng mga balde

"Oh anak kaya mo pa ba?" Tanong ni nanay flor

"Opo nay kaya ko pa" sabi ko kaya binuhat ko ang isang balde at tumawid

Pagkatawid ko may isang kotseng nakasalubong saakin at nagbusina saakin

*beep* *beep*

O.O malapit na.

*beep* *beep*

Na bitawan ung isang balde

*spppllllaaaasssshhhh*

Waaahh!! Ung isda namin!!

Biglang bumaba ung driver ng sasakyang bumubusina saakin kanina pa! =_=

"Miss tignan mo nangyari natapunan ng isa ung kotse ko!" Galit na sabi ng lalaki

"Excuse me! Nakita mo na ngang tumatawid ako tapos magbubusina ka?!" Pagtararay ko psh akala niya ah ung paninda namin Natapon akala niya madali lang kitain un!

"Nagmamadali ako miss bat di ka na lang umurong para makadaan ako?!" Sabi ng lalaki

Aba aba aba?! Siya ba mayari ng kalsadang to?!

"Excuse me mr. Kung sino ka man!! ikaw ba may ari ng kalsadang to?!" Sigaw ko

Psh akala niya uurungan ko siya!

"Hindi nga ako pero dapat umurong ka!" Sigaw niya

"Aba aba aba! Namumuro ka nang lalaki ka! Bayaran mo tong natapon mo!" Sabi ko

"Bat ko yan babayaran ako ba nakatapon niyan, nakita mo na nga natapunan mo ung kotse ko mangangamoy isa na ang pinakamamahal kong kotse!" Sabi ng lalaki

Snow White in the CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon