27

128K 2.9K 228
                                    

CHAPTER 27

Ginawa ko ang iniutos ni Miss Vianca. Hindi na rin ako nagdalawang isip na magbalik sa hacienda. Kinakailangan kong lumayo lalo na at alam kong nasa syudad si Theo. Oo nga at lugar din naman nila ang pupuntahan ko pero at least alam kong wala sya doon. Tiyak nasa hospital iyon at nagpapagaling. Gusto ko sanang huwag mabahala pero ako ang huli nyang nakasama at kitang kita ko kung gaano kalala ang natamo nya.

"Kailangan mo na ba talagang bumalik doon ng ganito kaaga, Isa?" Umaasang tanong ni Miko. Tinignan ko lamang ito bago sinipat ang aking orasan. "Hindi ka na ba talaga makakapaghintay? Nailipat sa susunod na dalawang buwan pa ang uwi ko. Hindi ako pinayagan magleave ng maaga ngayon dahil tatlong artists na ang nagbabakasyon." Aniya.

Napabuntong hininga na lamang ako nang mapagtanto ko kung gaano sya kabigo. "Miko, kailangan ko munang alisin sa isip ko ang mga pangyayari. Kailangan kong magrelax." Pagdadahilan ko dito.

"Pwede ka naman magbakasyon na muna dito? Dun ka lang sa bahay mo. Araw araw kitang bibisitahin." Suhestyon pa nito.

Umiling ako dito. "Gusto kong makasama sila tatay at nanay, Miko." Pagpupumilit ko.

Labag man sa loob nito, wala na syang nagawa kundi ang isakay ako sa isang bus na nakaparada sa terminal. Hindi nya rin kasi ako magagawang ihatid dahil nga may mga kailangan pa syang tapusin.

Habang nasa byahe, napagtanto ko kung gaano nasira ng gabing iyon ang mga plano ko. Napakamalas talaga ng gabing iyon. Nakita ko si Theo, may nangyaring gulo, nabaril si Theo at sa di malamang kadahilanan, sa bahay ko pa sya napadpad at ngayon naman, ang vacation leave na binabalak ni Miko ay nadeny pa. Sasagutin ko na dapat sya kung hindi lang nagulo ang lahat. 

"Tay, nay!" Excited kong tawag sakanila nang narating ko ang bahay namin.

Lahat sila ay halos kumaripas na sa takbo nang makita nila ako. Gulat na gulat pa nga ang bunso kong kapatid na si Aya. "Ate Isa!" Tawag nito sakin at mabilis akong hinalikan sa pisngi at niyakap.

"Isabela! Naku, ikaw bata ka! Uuwi ka na pala ngayon, bakit hindi ka man lang nagsabi?" Si tatay. Binalingan ko sila ng tingin ni nanay at tsaka nagmano at ngumiti ng malawak sakanila.

"Surprise?" Tumatawa kong sabi.

"Hay naku, nabalitaan namin iyong mga nangyari. Mabuti pa nga at andito ka anak upang makapagpahinga ka naman kahit papaano." Sabi ni nanay habang kinukuha ni tatay at ng dalawa ko pang kapatid na lalaki ang mga dala ko.

"Ate, hanggang kailan ka dito?" Tanong ni Aya.

"Ay, mali. Hanggang kailan tayo dito?" Pagbabalik ko ng tanong sakanila. At talagang inemphasize ko pa ang salitang 'tayo'.

"Isasama mo na kami, ate?!" Umaasang tanong sakin ng nakababata ko pang kapatid na si Peter.

"Secret." Nakangiti kong sagot.

"Yehey!" Sabay sabay na sabi ng apat kong kapatid habang sila nanay at tatay naman ay umiiling iling pa. "Tay, nay, kailangan na ho natin lumipat doon."

"Anak, maganda rin naman kasi ang buhay dito sa hacienda." Si tatay ang sumagot.

"Eh para saan pa po at pinag aral nyo ako at pinayagang magtrabaho sa Maynila? Para saan pa po yung pinundar kong bahay doon kung ayaw nyo rin pala lumipat?"

"Anak, ang amin lang naman ay sana bigyan mo pa kami ng panahon. Magpapaalam kami ng maayos." Sabi naman ni nanay.

"Osige, ganito po. Habang nandito pa tayo, umpisahan na natin ang unti unting pamamaalam sakanila upang sa gayon, pag balik ko ng Maynila, kasama ko na kayo." Suhestiyon ko na sinangayunan ng lahat.

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossWhere stories live. Discover now