"Sus. Hindi ko naman ikakayaman 'yang pera mo. Itago mo na lang. Ayokong pinagbabayad ka," he answered me. Nandoon pa rin iyong halo ng pagtawa sa boses niya.

"I invited you here kaya dapat na ako lang ang magbayad. Wala naman akong pakialam kung hindi 'to makakadagdag sa yaman mo." I stood up and then bid my goodbye to the waiter who assisted us.

Pagkalabas ng restau ay mabilis akong nakapasok sa sasakyan niya. I turned on the aircon immediately into high cool.

Mula sa kinauupuan ay tanaw na tanaw ko ang mga food stalls na kakabukas lang. Gusto ko pang kumain pero busog na ako.

"Galit ka?" he asked. Nakapasok na rin ito sa sasakyan saka ako inintriga.

Minsan lang ako kung makagastos kapag kasama siya. Siya lagi ang nagbabayad tapos hindi ako hinahayaang naglalabas ng kahit anong halaga ng pera. He's that concern to me.

Rason ko palagi, babayaran ko siya sa bank account niya. But then, when it comes to him, he's not allowing me anymore. Napakahirap librehin nitong taong 'to.

"No. Busog ako kaya huwag mo muna akong kausapin," sagot ko sa kanya. I crossed my arms and then listened to the music being played.

Sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan saka marahang umalis. He also jammed to the music while driving. Habang ako ay nanatiling nasa labas ang paningin at pinanindigan na hindi siya kausapin.

"Punta na lang tayong Galleria. Baka gusto mong makilala isa sa mga pinsan ko." He talked like I'm really listening to him. Hinayaan kong magsalita siya pero hindi pa rin ako umiimik.

Hindi ako galit. Hindi ako nagtatampo. Gusto ko lang naman na ako iyong gumastos ngayon pero pinairal niya iyong pagiging mabait niya.

Sa ibang babae siguro, mafa-flatter sila sa ganoong kilos. But since he is my friend, I want to at least treat him on my own. Kaso iyon nga ang nangyari.

Too generous. Gusto ko man lang maranasang makalibre kahit kaunting beses lang ang katulad niyang mayaman.

"Sseb..." I know he called me. Pero hindi ako humarap sa kanya. I just continued listening to the music while my attention's on the outside.

Bahala siya dyan. Bukod sa busog ako, gusto ko ring huwag na munang magsalita. Okay naman na sa akin iyong plano niyang pumunta ng Galleria.

Ni minsan, hindi ako nagkaroon ng pagkakataong ma-meet iyong kanyang mga pinsan. Weird. Sa tagal naming magkakilala, hindi ko nga sila nakilala. Meeting one of them is a good idea. Okay lang naman sa akin.

Besides, mukhang masaya namang ma-meet sila. Just like my cousins also.

Sa sitwasyon nila Jacob, halos lahat naman sila ay may kaya. They have their own properties. Marami silang pagmamay-ari at halos hindi nga namin abot ang kalahati ng mga iyon.

Masyado siyang mayaman para sa akin. There is a big difference to the both of us. Basta pagdating sa estado ng buhay, mas lamang na lamang iyong sa kanila.

And that difference became not the reason for us to not be friends. Hindi naman sa ganoong rason na dapat maging magkaibigan ang dalawang tao.

I am not after his money. We've just met and then we became friends. Masyadong mahaba ang kwento kapag iisa-isahin ko ang mga nangyari noon.

"Sseb. Pansinin mo ako," pangungulit niya pa sa akin pero hindi ako nagpatinag. I remained looking outside. Kahit na naroon na ang kagustuhan kong tumawa, hindi ko magawa.

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Место, где живут истории. Откройте их для себя