"S-sama ako." Nanginginig kong sabi.

"Trust me, Isabela, it will be better kung hindi ka na sumama." Sabi nito.

"P-pero si Theo!"

"Trust me." Iyon lamang at wala na akong nagawa kundi panoorin ang kotse nitong papaalis habang naiwan akong nakatulala sa labas ng bahay ko.

Nilinis ko ang buong kalat. Umabot pa ito sa backdoor na nasa bandang kusina. Ang pintuan din doon ay bahagyang sira at madaming dugo. Ibig sabihin ay doon ito dumaan. Ngunit paano?

Naghalo halong katanungan ang pumasok sa isip ko. Sino ang dalawang taong nahuli kong naguusap? Bakit nila kinuha si Maxine? Sinundan ba sila ni Theo? Pero bakit? Sila ba ang may gawa kay Theo nito? At paano nalaman ni Theo kung saan ako nakatira?

Linggo kinabukasan, wala akong ginawa kundi ang manood ng news at magsearch sa internet ng latest updates tungkol sa pangyayari. Umasa akong may balita tungkol kay Theo ngunit nabigo ako. Bagaman ikinabahala ko kahit papaano ang balitang nawawala si Maxine.

Lunes nang muli akong pumasok sa trabaho, kinailangan ko pang dumaan sa likod dahil lang sa punong puno ng media ang harapan. Noong isang araw lang naganap ang lahat kaya dinudumog pa ng reporters ang kumpanya. Malamang ay tatagal din ito ng ilang linggo bago humupa.

Ang lugar namin ay nagmistulang headquarters ng mga pulis. Lahat sila nag iimbestiga at nag iinterview. Lahat ng dumalo sa party ay iniisa isa nila. Ako man ay hindi rin nga nakaligtas. Pero pinili kong itago ang mga nalalaman ko sa hindi malamang dahilan. It's the safest way, I think. Ayaw kong maging involved sa mga pangyayari.

Hapon na nang dumating si Miss Vianca dahil daw baka sakaling kakaunti na ang media sa labas. Pag dating na pagdating niya, ininterview na sya ng imbestigador na kaninang umaga pa naghihintay. Matapos ng mahigit isang oras, natapos din sila at agad nya akong pinatawag.

"I cannot take this, Isabela." Pagod na pagod nitong sabi. "Masyadong nakakastress ang lahat!" Aniya. "Could you book me a flight?" Pakiusap nya na ikinabigla ko.

"Aalis kayo, Miss Vianca?" Tanong ko dito.

"Yes. No doubt, I need to relax right after what happened. Book me a flight to Bali the day after tomorrow." She said with finality.

"Pero paano po yung imbestigasyon?" Nagtatakang tanong ko dito.

"Oh, they could do their work even without us here." Aniya.

"Us?"

"Yes, Isabela. Ano pa ang gagawin mo dito sa opisna kung wala ang boss mo? You could have your short vacation at your place as I take my very own pleasure in Bali." Sabi nito.

"Pero, Miss Vianca, hindi kaya mamaya ay magtaka ang mga pulis? Baka tayo ang maging suspect." Sabi ko dito.

"Oh, walang problema yan, Isabela. We are innocent at tayo ang biktima. Besides, you know what my money can do." Nakangisi nyang sabi.

"Ticket for one lang, Miss Vianca?"

Napangiti sya bigla sa tanong ko. "Yes!" Masaya nitong sabi. "And don't worry about  work, my people know they could reach me through you. And I expect you'll just relay them to me." Aniya.

"Of course, miss Vianca." Nakangiti kong sagot din dito.

"By the way, did you see Mr. LeFevre before things happened?" Tanong nito bigla.

Saglit akong nanigas at natigilan sa tanong nya. "P-po? Si Mr. Theodore po?" Tanong kong muli.

"Yep, the one and only."

"Ah, opo." Pagsisinungaling ko.

"Oh? Is that so? I was trying to find him before the filthy old man forced me to dance with him." Maarteng sabi nito nang naalala nya ang matandang business man kagabi. "But I didn't see him. Not even after that scene." Dagdag pa nito.

"He was there, miss Vianca." I answered, trying to sound convincing.

"Well then. I'm just bothered, baka gawin syang suspect because nobody might have seen him. At least you could testify if ever." Tila ba may pag aalalang sabi nito. Nakadama ako ng kung ano. "Hindi na talaga nagbago. Everytime he's around, laging may nangyayaring eksena. May balat ata yun sa pwet."

Sa narinig ko, parang gusto kong umangil bigla na wala syang balat sa pwet, buti na lamang at nagawa ko itong pigilan.

"Habulin siguro sya ng gulo. Or kamatayan. Or kamalasan." Dagdag nya na nakaagaw sa atensyon ko.

"Ano pong ibig nyong sabihin?" TAnong ko.

"I've known him for ages. We dated, I liked him but he liked me more." Tila ba may pagyayabang na sabi nito. Napalunok na lamang ako. "Pero siguro mga 6 months lang yun and I could clearly remember na laging may mga eksena or kaya kaguluhan na nangyayari and when that happens, lagi syang nawawala o di kaya nakikisali." Umiiling nyang sabi. Napataas ang kilay ko.

Naalala ko iyong mga pinakita nya sakin noong nagaaral pa lamang ako, yung ginawa nya sa isang estudyanteng humalik sakin. Ibig sabihin ba noon ay talagang basagulero na si Theo?

"But you know what, Isabela, I could sense that there is something more behind that man." May halong interes nitong sabi. "I was actually hoping we could make us happen again but then bigla na lang may isang Maxine Buenavista." She said as she rolled her eyes.

Sasagot na sana ako sakanyang sinabi nang biglang nag ring ang telepono nito. Nagpaalam na lang ako na lumabas. Pagkalabas na pagkalabas ko, agad kong sinapo ang dibdib ko at naramdaman ang mabilis na pagtakbo ng puso ko. What was that all about? Bakit ganoon ako makareact? Hindi pwede ito.

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossWhere stories live. Discover now