1

10 3 0
                                        

Paula's POV

Pumikit ako nang mariin at huminga ng malalim dahil sa sakit na aking natamo sa sikmura.

"Paula!" sigaw ni Jessa at siyang pigil sa kanya ni Dave.

"Sorry Poleng. Grades ko ang nakasalalay dito," bulong ni Agueda nang makalapit siya sa'kin.

Bahagya akong natawa sa kanyang sinabi. Muli akong tumayo, kasabay ng pagtaas ng aking mga kamay sa ere.

"Anong-Jusmiyo Paula! Ms. Alcantaraza! Bakit ka ba sumali kung palagi ka na lang susuko?! Ano ba ang tingin mo sa fencing? Ano ba para sa iyo ang larangang ito?! Pampalipas oras?! If that is so, then you better just leave the team! Sinasayang mo ang oras ko!" bulyaw ng aming guro slash coach.

Umirap ako sa kawalan lalo na nang nagwalk-out siya. Sumunod sa kanya ang iba naming kasama sa team. May ibang nagtanong sa lagay ko at mayroon din namang sang-ayon sa aming guro.

"Ikaw naman kasi. Bakit ba ayaw mong lumaban? Samantalang noong mga bata pa tayo ay palagi mo naman akong natatalo," ani Agueda na inilingan ko naman.

Sa gilid ko ay tumatakbong lumapit sina Jessa at Dave.

"Napakaduwag mo talaga Paula!" natatawang bungad ni Dave. Pinalo siya ni Jessa.

"Bakit ba ayaw mong lumaban, you bitch!" sigaw ni Jessa pagkatapos ay hinarap si Agueda, pabirong hinampas ito sa braso na ikinatawa lang namin. "Ikaw din! Bakit napakaseryoso mo?! Magkaibigan kayo pero kanina parang papatayin mo talaga siya!"

"Huy! Chill! I was just fencing for grades. Siya ang sisihin niyo. Gusto yatang matanggal sa team," sagot ni Agueda.

Inosente akong napatango na ikinairap lang ni Jessa.

Sa totoo lang ay hindi ko naman talaga gustong sumali rito. Napilitan lang ako dahil sa tito ko. My uncle taught me this sport when I was a kid because he wanted me to play this path. At dahil na rin siguro naghahanap nga ako ng pampalipas oras.

It's been two years since I've been on this team at ngayon ko lamang napagtanto na talagang wala sa hilig ko ang fencing.

"Hay nako! Kayo talaga, huwag na kayong mag-away pa. Primo texted me just a while ago. Makipagkita raw tayo sa kanya mamaya. May offer ang loko," ani Dave.

Tila nagpantig ang tainga ko sa narinig. Napansin yata ni Agueda ang bigla kong pagkabalisa kaya ngumuso siya. Sumimangot ako dahilan nang bigla niyang paghalakhak.

"Huy! Nababaliw ka na ba?" tawag pansin sa kanya ni Jessa.

Suminghap ako at hinatak na lamang si Agueda. "Magbibihis lang kami! Mauna na kayo sa labas!"

Habang nagbibihis ay hindi pa rin matigil ang panunukso sa'kin ni Agueda. Siya lang kasi ang may alam na gusto ko si Primo. Matagal na.

"Tigilan mo nga ako Ague! Pinapataas ko ang grades mo, huwag mong kalimutan!"

Ngumisi siya. "Ha. Ha. Ha. Funny! Bakit hindi ka lumaban minsan at nang magkaalaman na tayo!"

Sinara ko ang locker ko at inabot sa kanya ang nakahanda na niyang gamit sa bench. Sinara rin niya ang locker niya.

"Just so you know, kayang kaya pa rin kitang talunin kaya tara na! Tama na ang pang-aasar mo at baka nakakalimutan mong may utang ka pa sa'kin," bara ko sa kanya sabay labas nang locker room.

Hapon na at tapos na ang lahat ng klase naming magkakaibigan. Mula sa gym ay nagawa pa naming magpaunahan ni Ague papunta sa tagpuan naming magkakaibigan. Halos madulas kami ni Ague papaakyat ng hagdan nang masulyapan ang nag-iikot na guard palapit sa clinic.

PulaWhere stories live. Discover now