Chapter 4

18 1 0
                                    

Chapter 4

AVRIA's POV

KASALUKUYAN na kaming nakaupo dito sa canteen area, nakaorder na rin kami ng makakain namin. At may natirang 10 minutes para sa susunod na klase. Music naman ang next namin na subject.

Nakikinig lang ako sa kanilang usapan habang nakatingin sa pagkain ko, malapit na rin naman na akong matapos at si Monica naman ay hindi pa ginagalaw ang kanyang pagkain, busy kausap ang dalawa.

"Ikaw Harry, ano ang dahilan kung bakit nagtransfer ka rito?" tanong nya habang nakapalumbabang nakatingin kay Harry. Nagpapacute lang? Tsk.

Ngumiti naman si Harry. "Well isa lang naman ang dahilan, pangit ang school ko dun." bahagya pang natawa.

"Pangit?" patanong na sabi ni Monica. "At bakit naman?"

"Is just that, i don't like the students dun, unlike here.." ngiting sinulyapan nya ang paligid.

"Ah okay...uhm...may girlfriend kana ba?" biglaang tanong ni Monica. Malapit na akong mabilaukan sa kinakain kong burger, dali-dali akong uminom ng tubig.

"Are you okay?" tanong ni Brayden, sinulyapan ko naman sya at tumango.

Hinagod naman ni Monica yung likod ko, saka binalingan ulit si Harry. "What now Harry? Do you have a girlfriend?" sabay ngiti ng napakatamis.

"Why do you ask?"

"Nothing, just wanted to know if I have-" Hindi na natapos ni Monica ang kanyang sasabihin, at alam ko kung ano yung kasunod kaya naman tumayo ako at kinuha ang kanyang braso. "Hey, what are you doing? A-Aalis na tayo? Hindi pa nga nagbell d' ba?"

Kailangan na kitang ibalik dahil alam kong hindi kana titigil. "Tapos na kasi ako at five minutes na lang, kaya tara na."

Pinigilan nya ako, "Wait, hindi ko pa nga nagagalaw yung pagkain ko."

"No, kung gusto mo, dalhin mo na lang yan sa room at dun muna kainin dahil may time pa naman. At Monica...naiihi na ako...please, let's go?" pagsisinungaling ko.

"Oh, okay?" kinuha nya yung snacks nya saka binitbit. Fries and burger lang naman yun. "Uhm guys, mauna na kami...?"

"Yeah okay, susunod na lang kami. Mukhang kailangan na ring pumunta ng cr si Avy." ani Brayden sabay sulyap sa 'kin.

Joke lang naman yun!

"Yeah, you too can go ahead, susunod kami."

"Okay, bye." paalam ni Monica, ngumiti naman ako sa dalawa bilang paalam.

Kinuha ko ulit yung braso ni Monica at nag-umpisang umalis ng canteen. Hindi na rin karamihan ang mga estudyanteng nandito.

"Ang gwapo nya..." gulat naman akong sumulyap kay Monica na kilig na kilig sa tabi ko.

"Eyh?" aniya ko na nakataas pa ang kilay. "Teka wait, kailan ka pa naging interesado dyan?"

"Saan? Kay Harry?" tumango naman ako. "Well, nung nakita ko siya kanina. Di ko mapigilan ang kiligin," aniya habang hinawig pa ang buhok.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 26, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In You I Found The Love (ONGOING)Where stories live. Discover now