Chapter 2

17 1 0
                                    

BRAYDEN POV

NAGISING ako sa maingay na boses na nagmula sa labas ng pintuan, hindi ko pa makuha kung kanino nanggaling ang boses na yun.

"Brayden baby!"

Mommy?

Nakakulob pa rin ako sa kama at kinusot-kusot ang mata. Hindi ko namalayan na umaga na pala. Tuminghaya ako at napangiwing napapikit ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko.

"Gising kana ba? Bumaba ka na riyan at baka malate ka pa!" sigaw ulit ni Mommy.

Anong oras na nga pala?

Bumaling ako sa kanan para tingnan ang oras. 6:10 AM , naalala kong araw ng lunes pala ngayon at may pasok sa school.

"Yea Mom, just a moment!" sigaw ko kay Mommy, seguro namang andyan pa sha sa labas dahil hindi ko pa narinig ang tunog ng sandals nya.

"We're done preparing your breakfast. Bilisan mo, okay?"

"Yea comin' up!" hindi na ako nakatanggap pa ng sagot mula sa labas kaya naman bumangon na ako at dumerecho sa banyo.

Kailangan kong magmadali ngayun dahil kailangan ko pang hanapin kung san ang room ko. At aaminin kung nakaramdam ako ng kaba lalo pa't first day ko.

Kagagaling lang kasi namin sa Amerika nung nakaraang linggo, at napag-isipan ng parents ko na lumipad ng Pilipinas para asikasuhin ang bago nilang trabaho. At nung pagkabukas ay sabay kaming nagenrol ng kaibigan kung si Henry, 4th year din sha katulad ko kaya naman laking pasalamat ko't kaklase ko sya.

Same day kami nakarating dito sa Pilipinas.

Yung Mommy nya at Mommy ko ay matagal ng magkaibigan, kaya ganun na lang din kami kaclose ni Henry na 4 na taon na ding magkakaibigan.

Pagkatapos kung maligo ay nagbihis kaagad ako at nag-ayos. Naka-jeans, leather jacket at plain white shirt lang dahil wala pa akong uniform. May isang linggo pa naman para maka-civillian kaming mga transferees sabi ng principal nung nag-orientation kami.

Pagkatapos kong maglagay ng pabango, kinuha ko ang bag at sinabit sa kabilang braso. Bumaba na kaagad ako at nakita ko sila Mommy na nanonood ng tv sa sala. Dun na nila ako napansin nung papalit na ako sa kanila.

"Goodmorning Mom," nakangiting humalik ako sa kanya. "Morning Dad," tango kung bati at ganun na din sya.

Tumayo si Mommy, "Halika kumain ka na," aya nya. Naunang maglakad si Mommy. Ngumiting sumunod ako sa kanya.

Pagdating namin sa dining area ay agad akong umupo at nagsimulang kumain. Nasa tabi lang si Mommy at pinagmasdang kumain ako, ngingiti kapag tumingin ako sa kanya. At nang makalipas ang ilang minuto, natapos na din ako sa pagkain kaya tumayo ako at ininom ang tubig.

"I need to go, Mom" anya ko pagkatapos uminom ng tubig.

"Magpapahatid ka ba ng Daddy o yung motor mo na lang ang gagamitin mo?"

"No Mom, magmomotor na lang ako." sabay halik ng pisngi nya. "Alis na 'ko,"

Hinawakan nya ang balikat ko. "Take care, okay? And enjoy your first day." ngiti nyang sabi.

"I will Mom, bye." humalik ako ulit sa pisngi nya. Lumingon ako kay daddy. "Dad, I have to go!"

Tumingin sya, "Take care!" saka ngumiti.

In You I Found The Love (ONGOING)Where stories live. Discover now