Nag-sorry silang dalawa sa'kin, siguro dahil na rin nailabas ko na lahat ng hinanakit na pilit kong itinago ng ilang taon ay mas naintindihan at mas madali para sa'kin na tanggapin ang nangyari sa'min ni Lilith.

But I called them manipulative and bitch first before telling them that they're forgiven.

I hugged them then I come home happy and feeling fresh that night.

Siguro nga minsan mas nakakabuti na magpatawad kaysa magtanim ng galit. Para bang ang gaan-gaan sa pakiramdam.

Kami naman ni Cat ay may bagong improvement. Hinahayaan na niya akong ipagluto siya ng breakfast at nagsasabay na rin kaming pumasok saka umuwi pero sinusungitan niya pa rin ako kapag kinakausap ko siya. Kilig na kilig pa nga ako dahil noong pangatlong araw ng kalayaan niya mula sa'kin ay pinuntahan ako ni Rin at ibinalitang pinagalitan siya ni Cat dahil kinukunsinti niya raw ako. Nalaman kasi nito na sa'kin galing ang coffee na binibigay ni Rin.

Akala ko ay magagalit siya sa'kin pagkauwi ko sa apartment namin pero sinabihan niya lang ako na kung gusto ko siyang bigyan ng kape ay ako mismo ang magbigay, hindi 'yong ibang tao ang pinapagawa ko ng bagay na 'yon. Huwag daw akong tamad.

Iyon na ang pinaka mahaba niyang sinabi sa'kin magmula nang umuwi kami galing sa luma naming bahay kaya naman kahit ang sungit ng pagkakasabi niya no'n ay masayang tumango-tango lang ako sa kaniya.

Apat na araw ko na siyang kasabay kumain at pumasok sa trabaho. Pakiramdam ko'y ang bless-bless ko dahil unti-unti na kaming nagiging okay.

Sa t'wing gabi naman ay nakikipagkita ako kay Lilith dahil nagpapatulong siya sa'kin sa proposal na gagawin niya para kay Percy.

Gusto nitong mag-propose somewhere in the middle of the forest. Para kapag hindi raw pumayag si Percy, hindi na siya makakatakas sa kaniya.

Sus, kung hindi ko pa alam. Percy is a simp for a forest, she loves being lost to its breathtaking beauty. She loves its earthy smell and the noises it makes. She even wanted to live in the middle of the forest someday. Taong gubat talaga ang babaitang iyon.

Dalawang araw bago mag-propose si Lilith kay Percy ay nagkita kami sa isang park para mag-practice ulit kung paano siya mag-pro-propose.

"Can I change your surname with mine?" Madamdaming tanong nito habang nakaluhod ang isang tuhod at may hawak na singsing.

"Medyo corny pero yes!" Medyo natatawang sagot ko. Nakasimangot na tumayo naman siya. "Iniko naman e'! Umayos na kasi, lalo mo 'kong pinapakaba." Nakasimangot pa ring reklamo niya. "Seryoso na kasi Iniko, stop playing."

Gusto ko man siyang tawanan ay hindi ko na lang tinuloy dahil kawawa naman. Kailangan ko ring maging supportive na kaibigan paminsan-minsan.

"Sorry na... I'll be serious now." Sabi ko at pilit nang nagseryoso. "Just a little tip, medyo mag-relax ka naman d'yan. Mukha kang constipated, baka 'yan pa maging dahilan kung bakit hindi pumayag si Percy na magpakasal sa'yo." Natatawang payo ko.

Tumango naman siya at tumalon-talon pa para pakalmahin ang sarili.

Napangiti naman ako sa isiping seryoso talaga siya kay Percy at palagay ang loob kong hindi niya basta iiwan ang makulit kong kaibigan na iyon.

"Game!" Sabi niya at lumuhod ulit.

"Persephone, would you spend the rest of your life with me?" Seryosong tanong niya.

"Yes!" I exclaimed habang dramatic na tinakpan ko pa ng isang kamay ang bibig ko habang isinusuot niya sa ring finger ko ang singsing ko na binigay niya kanina, ito kasi ang sinabi kong kapalit ng paggamit niya sa'kin bilang proxy ni Percy. Tumayo naman siya pagkatapos at niyakap ako.

No Strings AttachedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt