CHAPTER 10

3.3K 99 8
                                    

KAYLA POINT OF VIEW

Ang daming libro dito sa library hindi ko naman kase alam na ganito pala kalaki to kahit mula first year ako nandito hindi ko naman nilibot ang buong library

Nang mahanap ko yung libro na kailangan para sa report namin ay kinuha ko agad eto at bumalik sa table naming dalawa

Wala pa pala sya siguro nag hahanap pa

Yumuko muna ako sa desk habang inaantay sya hays pasalamat sya report iniisip ko wala akong panahon makipag away sakanya ngayon

Habang nakayuko ako ay bigla akong nagulat sa bagsak ng libro sa desk kaya tumingin ako agad kung sino may gawa nun at yung kapartner ko na nakakainis

"Bawal matulog dito kung gusto mo matulog don ka sa bahay nyo" Ang sabi nya habang seryoso na inayus ung mga libro na dala nya

"Hindi ako natutulog tsk" Ang sagot ko
Pagkatapos nya ayusin yung mga libro ay umupo na sya

"Let's start ako na mismo gagawa ng power point sa bahay basta sabihin mo sakin mga ideas and mga gusto mo ilagay" Ang sabi nya at tumango nalang ako sabay binasa ko na yung mga libro na kinuha nya at nag bigay ng idea

Mukhang mahaba haba tong gagawin namin

"Argh!" Ang sabi ko habang ang uunat unat

"Iemail mo sakin mamaya ang mga ideas mo pa yun lng muna ngayon mag lunch kana" Ang sabi nya at dinila nya yung mga libro pala ibalik kung san nya kinuha

"Ok" Angsabi ko at kinuha ko agad yung bag ko and nag lakad palabas ng library

Buti naman tapos nadin ang oras nakasama ko sya nakita ko naman agad si Jade na kinawayan ako

"Bakla!" Ang sabi ni Jade sabay tumakbo papunta sakin

"Tapos na kayo sa Report nyo?" Ang tanong ni jade sakin at hinawakan braso ko habang nag lalakad

"Hindi pa pero nakagawa na kami ng idea para sa report and mamaya nya aayusin at sa email ko nalang mga idea ko buti naman ganon naisipan nya ayaw ko sya kasama nakakainis" Ang sabi ko at natawa naman si Jade

"Lagi kayo nag aaway noh?" Ang tawang sabi ni Jade

"Nakakainis kase yung babaeng yun" Ang sabi ko

"Tara na nga bakla kumain na tayo  baka mas lalo ka pang mainis" Ang sabi ni jade at natawa pa umiling nalang ako

"Ano gusto mo kainin bakla?" Ang tanong ni Jade bakla

"Mag kanin tayo ngayon" Ang sabi ko sakanya and tumango sya sabay bumili na kami ng kanin and ulam at inoman sabay pumunta sa empty Table and don kumain

"Kamusta naman report nyo ng kapartner mo?" Ang tanong ko

"Ayus lng naman nag kasundo kami" Ang ngiting sagot ni Jade sabay bumuntong hininga ako

"Nakakainis kase sya pa yung kapartner ko eh" Ang irita kong sabi sabay sumubo ng pagkain

"Ok lng yan bakla mukha naman matino ka partner si Kris" Ang sabi ni Jade habang kumakain

"Matino nga pero ayaw ko sakanya dibale nang sabihan na marte basta wag lng sya nakakainis sya eh" Ang sabi ko

"Bakit mabait naman si kris" Ang sabi ni Jade

"Yun mabait? Noway hindi sya mabait noh tsk" Ang sabi ko at natawa si Jade

"Ano sabi mo?" Ang biglang rinig kong boses ni kris sabay tumingin ako sakanya nasa likod ko pala tong tukmol na to

"Bakit?" Ang tanong ko sakanya sabay tinaasan ko sya ng kilay

"Ano nga ulit sabi mo?" Ang seryoso nyang sabi

"Ahh yun ba? Sabi ko hindi ka mabait" Ang sabi ko at ngumisi

"Ahh ganon ba? Tsk pasalamat ka nga tinulungan kita sa nambastos sayo" Ang sabi nya at ngumisi at tumayo ako sa harap nya

"Oh hindi ka pa naman nag sosorry sakin nung nabangga mo ko saka na ako mag papasalamat" Ang sabi ko sakanya

"Pasalamat ka pa nga hindi ka nabastos dahil sakin" Ang sabi nya

"Edi salamat ok na? Happy kana? Tsk hindi ka pa nga nag sosorry sakin" Ang inis kong sabi

"Tsk ikaw tong hindi tumitingin nun sa dinadaanan mo" Ang sabi nya at ngumisi bago mag lakad at binangga pa talaga ako ang lakas ng trip nitong tukmol na to

Sa subrang inis ko binato ko sakanya yung kutsara sabay natamaan sya sa ulo

"Aray" Ang sabi nya sabay tumigil sa paglalakad at hinawakan ang ulo nya na natamaan ng kutsara at tumingin sya sakin

"Tsk" Ang sabi ko

"Lakas ng trip mo ah" Ang sabi nya

"Buti nga sayo" Ang sabi ko at ngumisi

Tumingin naman agad aa kutsara na pinangbato ko sakanya pasalamat sya plastic na kutsara yun

Agad naman nya kinuha yung kutsara and lumapit sakin at agad nya pinalo sa noo ko yung kutsara

"Aray!!" Ang sabi ko sabay hinawakan ko yung noo at sinaaman ko sya ng tingin at tumawa lng sya

"Argh!nakakainis ka talga!!"ang sabi ko sakanya

"Ikaw din naman ah" Ang ngisi nyang sabi

"Arghhhh!!!!" Ang galit kong sabi

"Nakakainis ka talaga kris!" Ang inis kong sabi

"Mas lalo ka naman" Ang ngisi nyang sabi sa subrang inis ko ay umalis nalang ako nakakainis kase yung babaeng yun! Argh sya na yung pinaka nakakainis na babae na nakilala ko!

"Arrghh!!" Ang inis kong sabi habang nag lalakad ako nakakainis talaga yung babaeng yun nakakainiss!

Naisipan ko nalang pumunta sa Field  para peaceful nakakainis kase talaga yung babaeng yun

Umupo naman ako sa may bench dito sa field at maraming nag papractice dito na mga players ok nadin dito dahil peaceful kaisa naman samakita ko ung babaeng yun

"Ehem" Ang biglang rinig ko kaya napatingin ako and nakita ko yung babae na kasama ng babaeng yun yung 'Rein' yung name

"Ano?" Ang tanong ko at umupo sya sa tabi ko

"Ok kalang?" Ang tanong nya sakin

"Hindi" Ang sagot ko

"Dahil bayan kay kris?" Ang tanong nya

"Obvious naman diba" Ang inis kong sagot dahil narinig ko nanaman name non

"Bakit ba lagi kayong nag aaway non?" Ang tanong nya sakin

"Eh nakakainis kase yung kaibigan mo sarap ngudngudin" Ang sabi ko at natawa sya

"Ok lng yan anyways oh" Ang sabi nya sabay abot nya ng isang Sandwich

"Para san to?" Ang tanong ko

"Sayo na yan alam ko hindi natuloy yung pagkain mo dahil sa away nun ni kris" Ang sabi nya

"Hindi na ok lng bibili nalang ako mamaya" Ang sagot ko at bigla nyang kinuha yung kamay ko at don nya inilagay yung sandwich

"Sayo na yan ok? Kumain ka eto para din sayo" Ang ngiti nyang sabi at inabot nya din yung isang bote na Delight

No choice tinanggap ko nalang

"Thank you" Ang sabi ko sakanya at ngumiti sya sakin

--------------------
THANKS FOR READING

ONCEPH

Best Friend Where stories live. Discover now