CHAPTER 25

6.8K 183 41
                                    

Kahit anong pikit ng mata pa ako aking gawin hindi parin mawala sa isipan ko ang lahat nang nangyari sakin. Hindi ko magawang isarado ang mata ko dahil sa labis na takot. 


"Mas mabuting mag pahinga ka muna." lumapit sakin ang asawa ni Sir Jacobi. 


Hanggang nag lalakad ako ay pakiramdam ko nakatingin sakin ang lahat nang mga tao, tila isa akong kriminal na nag tatago sa sa kanila. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari kay Mike maliban nalang sa umalis ako at duguan siya. 


Wala akong ibang maisip na mapuntahan kagabi at kusa nalang akong dinala nang mga paa ko sa kanila. Kahit sila ay gulat nang makita ako, hindi sila makapaniwala sa mga sugat at dugo sa katawan ko. Hindi ako nakapag-salita kahit pa tinanong nila ako nang paulit-ulit dahil walang ibang laman ang isip ko kundi ang pag-hawak ko sa patalim at saktan si Mike. 


"Ance are you okay?" lumuhod si Sir Jacobi para mapantayan ako. "I don't have any idea what is happening to you but please say something, we need your words." 


Hindi ako nakatulog buong gabi, Nag-yukom ang dalawang kamao ko at hindi napigilan ang pag-agos nang aking luha. Hindi ko kayang mag salita at hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Kapag nalaman nila ang ginawa ko, ano ang iisipin nila? saan ako mapupunta? ang daming tumatakbo sa isipan ko. 


"Hindi biro ang sugat sa mga katawan mo, at saan nanggaling ang dugo sa damit mo? walang mangyayari kung hindi ka magsasabi nang totoo." hinawakan niya ang braso ko. 


"H-hindi ko po sinasadya..." napatakip ako nang mukha at umiyak. 


"What do you mean?" tanong niya. "Ance please, speak, I beg you to talk, saan nanggaling ang mga sugat mo?" 


Para akong mawawala sa sarili ko, para akong nakapalibot sa dilim at walang makitang liwanag. Wala akong nakikitang tao maliban sa dilim. Para akong sinasakal at hindi makahinga. 


"Hon, may bukas pa naman pwede naman natin hintayin na maging ayos siya saka natin siya maaring kausapin." 


" Isang lalaki sa Sitio Andres ang natagpuang walang buhay sa isang silid sa likod nang mismo niyang tirahan, nakilalan ang lalaki na nag ngangalang Mike Lopez, ang mga kapitbahay nang biktima ang siyang nakakita sa walang buhay niyang katawan"


Mas lalong nanginig ang buong katawan ko nang marinig ang balita, parang nabingi ang magkabila akong tainga at mabilis ko iyong tinakpan at saka pigil na umiyak. 


"Oh my god!" 


"Ance?" naramdaman ko ang pag-hawak sakin. 


Takot na takot akong iangat ang tingin ko, natatakot ako sa pwede nilang gawin sakin kapag nalaman nila na ako ang may-gawa non. Ipapakulong ba nila ako? papalayasin? sisisihin?


"Are you..the one who did that?" 


Cover me, Detective (McMaster Series  #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon