Pagkadating na pagkadating ko sa condo ay inayos ko muna yung kalat sa kwarto ko, halos kakalipat kolang kasi rito noong isang linggo dahil sa hotel muna ako nagstay nung umuwi ako galing Canada. Si daddy ang nagrecommend sa akin ng condo na ito para daw malapit lang sa kanila, pati sa clinic ko rito sa Pampanga. Ako na ang nagpresintang magbayad para sa down payment dahil may naipon naman ako sa pagiging resident doctor ko sa ibang bansa.

Pagkalinis ng kwarto at ng kaunting kalat sa sala ay dumiretso na ako sa banyo para maligo. I wore a comfortable, pink sleeveless silk nightdress as my sleepwear tutal si Jazlyn lang naman ang pupunta. Magkekwento ako sa kaniya ng bongga might as well feel comfortable while doing it diba?

I put my perfume on and combed my hair right after my bath, it's just part of my routine to put perfume on my body right after showering kasi para fresh lagi ganern!

Pagkatapos maligo ay nagluto na ako ng pwedeng lutuin sa ref na mabilis lang ihanda dahil malamang malapit na yung babaeng 'yon.

It's about twenty minutes at luto na yung pinirito kong manok, pero di parin dumadating si Jaz.

"Nasaan na ba 'tong babaitang 'to?" Tanong ko sa sarili saka tumingin sa orasan. Mag-aalas nuwebe na.

Nagpasiya na akong tawagan siya at kinuha na ang phone ko sa bag. Ilang segundo lang ay sumagot na siya.

"Jaz, nasaan kana ba? Ang tagal mo naman." Reklamo ko agad nang sagutin niya ang tawag.

"What?" Takang tanong niya. "Anong nasaan? Nasa bahay malamang." Walang kamuwang-muwang niyang sagot.

"Diba tinawagan kita kanina pang seven... Sabi ko, pumunta ka sa condo ko kasi may ikekwento ako." Pagsagot ko sa kaniya, naguguluhan narin.

"Gaga! Kakabigay lang ni kuya sakin ng phone ko eh, naiwan ko kasi sa sasakyan niya kanina." Sagot niya na ikinalaki ng mata ko.

What the actual freak?!

"Nasaan ang kuya mo?" Parang may kusang nag-utos sa utak ko na tanungin 'yon sa kaniya.

"Umalis e, sabi may pupuntahan daw, hindi ko alam kung saan. Bakit?"

Nalintikan na! Anak ng tinapang binalot naman oh!

Ilang segundo lang ang lumipas may narinig akong kumakatok sa pintuan ng condo ko. May unang pumasok sa utak ko pero inalis ko agad iyon, baka kapitbahay kolang.... Tinignan ko agad ang itsura ko sa salamin, buti nag bra ako!

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan expecting na sana kapitbahay kolang but no....

A man in a white polo shirt, dark pants, and white rubber shoes showed up. His brown-strapped minimalist watch and his fresh manly scent cast his manliness.

It's him. Our eyes met again,he is wearing his eyeglasses but i know now his eyes are much more darker. Yes it has emotions but not the warm and welcoming gaze that I always wanted to see. His jaw clenched as I see his dark pitch eyes twinkle in anger. He fisted his hand as if he is trying to control his temper. Hindi ko alam kung matatakot ako o maluluha dahil sa nakikita kong emosyon niya ngayon.

Nakatitig lang ako sa kaniya ng halos limang minuto, walang nagsasalita... Binabalikan ko lahat ng naaalala ko sa kaniya noon, his pointed nose, his lightly visible facial hair which makes him more manly to see, his soft eyes, his smile, his well tamed hair and everything about him. I can see all of that right now at this very moment aside from his soft eyes which turned to be dark and bold . His smile is not showing, halatang galit ang namamayani sa kaniya. But aside from his venting emotions shown in his eyes, maturity and his well-defined handsomeness is very evident. I know he is handsome before, but now, he aged yes but his handsomeness casted. Gustong gusto kitang hawakan at yakapin mahal ko, pero hindi ko alam kung paano.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, para kong naestatwa, kung kanina napipigilan kopa ang sarili ko at hindi ako nanghihina, ngayon parang nalulusaw ang tuhod ko.

"Lawrence...." Finally, nakapagsalita na rin ako. Hindi parin inaalis ang titig sa kaniya.

"Hindi mo man lang ba papapasukin ang fiance mo?" Malamig na sambit niya.

Napalunok ako, hindi ko alam anong gagawin ko.... Gusto kong umalis, pero hindi ako makagalaw. Gusto ko siyang yakapin at humingi ng tawad pero hindi ko alam kung papakinggan niya ako.

"Anong sasabihin mo sa kapatid ko, Doctora De Silva? Bakit mo siya pinapapunta rito?" Tanong niya sa isang malamyos na paraan.

Natigil ako. Alam at naraamdaman ko na alam niya... Alam niya na tungkol sa kaniya ang pag-uusapan namin ng kapatid niya.

Humahanap ako ng mga salita na pwedeng bitawan pero wala, para akong napipi.

Valerie, ano ba? Diba gusto mo siyang makita? Bakit ngayong nakita mo na wala kang masabi?

It's real, he is really here. After eight years, my fiancé is here....

My Only ExceptionWhere stories live. Discover now