Now I'm totally confused....

"Okay, okay dada will buy you fries okay?"

"You're his parents...." That's not a question, statement yon mula sa akin.

"Dada is my ninong." Ang bata ang sumagot.

Oh.... Hindi ko alam bakit parang may mas umaliwalas ang pakiramdam ko at ang dahilan bakit ganoon o kung ano man 'yon, I can't explain it.

"Mommy Ayi is my mommy." Dugtong ng bata. Ayi?

"He calls me Ayi, anyways, kamusta ang anak ko?" Tanong niya.

"Ako nalang ang magsasabi sa'yo sa kotse...." Napatingin na naman ako sa lalaking nagsalita.

So, iisang kotse huh?

"Okay, fine." Sabi ni Ate.

"J-just give her the prescription...." Sambit ko sa lalaking kaharap ko at iniabot ang resetang hawak ko. Napansin kong ang mga mata niya'y di na nagbago. Malamig, at walang emosyon na para bang kahit anong gawin ko dito wala nang ipapabatid na emosyon ang mga mata niya. Blangko lang, blangko lahat.

Tumango lang siya at umalis na sila. Akala ko makakahinga na ako ng maayos pero hindi... Bakit ganon parin? Walong taon.... Walong taon tayong hindi nagkita pero bakit hindi nagbago yung nararamdaman ko? Akala ko tapos na, akala ko wala na pero bakit parang kahapon lang nangyari lahat?

Fck these feelings. Fck this heart.

"Doc, may isa pa pong pasyente sa labas." Secretary ko ulit na nagpabalik sa akin sa tamang huwisyo.

Shuta.

"Let them in...." Utos ko at saka isinantabi muna ang nararamdaman ko dahil kailangan kong magtrabaho.

Ilang minuto lang ang lumipas ay natapos narin ang check up ng last patient ko.

I'm fixing my things and my mind is still stuck on the situation earlier... Hindi mawala sa utak ko yung nangyari kanina. Everything, almost everything is so new... Ngayon lang nag sink in sa akin na walong taon nga pala akong nawala, umalis nang walang nakakaalam ni isa sa mga tao rito maliban sa mga magulang ko at ang isang taong sobrang halaga sa akin. Now, I'm coming back like nothing happened... I should prepared myself to this kind of scenario but no.... kahit anong paghahanda ang gawin ko alam kong mawawalan ng bisa lahat 'yon pag nakita kona lahat ng taong naiwan ko rito, especially him.

Nang makabawi sa lahat ng iniisip ko ay agad kong hinigit ang cellphone ko na nakapatong sa isang shelf sa clinic ko. Nang makita iyon ay agad kong dinial ang numero ng bestfriend ko. Yes, siya ang nag-iisang nakakaalam na umalis ako maliban sa mga magulang ko.

"Jaz! May kekwento ako sa'yo...." Panimula ko nang makitang nasagot niya na ang tawag. "You won 't believe what happened earlier. Andami kong kekwento, hindi ko alam anong mararamdaman ko para kong nasusuka, nahihilo na ewan." Chika ko pa, hindi kona napagsalita 'tong bestfriend ko. "Pumunta kasa condo ko ha, let's have dinner kekwentuhan din kita plus I have something to ask. Just to clarify...." Hindi ko na alam kung ano mararamdaman ko dahil kailangan kolang talaga ng mapaglalabasan ng emosyon, sa tingin ko kung hindi ko pa 'to mailalabas hindi kona alam kung ano pang magagawa ko.

"Doc, aalis na po kayo?" Si Carylle iyon na parang handa ng umalis, may lakad nga pala ito.

"Ah, yes, yes wait... I'll fix this up muna." Sabi ko at saka ngumiti. Binalikan ko naman kaagad ang bestfriend ko sa kabilang linya.

"Jaz, I'll wait for you later sa condo ha send ko nalang ulit yung address. I'll cook dinner! See ya'" Sambit ko at ibinaba na ang tawag. Nagmadali na akong ligpitin ang mga gamit ko para makaalis narin at makapagprepare.

My Only ExceptionWhere stories live. Discover now