"May I know when did he start to feel those symptoms?" I asked calmly without looking at his eyes directly. Sa bata ako nakatingin, siyempre 'yon ang pasyente eh!
"Three days ago, doc." He said with no emotions.
Doc... Pangarap ko lang dating sabihin mo sa'kin 'yan pero bakit ngayong sinabi mo hindi ako masaya? Bakit ang sakit?
Tumayo ako at lumapit sa bata, pero dahil nakaupo sa hita niya ang bata ay hindi ko mahawakan ng maayos. Paano ba naman, his scent is filling my nose. It is the same familiar manly scent, through the years he never changed his perfume... Maybe because i liked it so much before-- No... Cut it, Val. Hindi sa lahat ng bagay ikaw ang rason.
"Uhm, Ethan?" I talked to the kid. "Doctora is going to check you lang ha? Dada won't leave naman, this will only take minutes... Okay?" Malamyos kong wika sa bata.
The kid nodded then he proceed to me. Nagkasalubong na naman ang mga mata namin na nilihis ko naman agad. Hindi ko na kayang makipagtitigan sa ganiyang kalamig na mga mata. Nakakapanibago pero wala akong magagawa...
Binuhat ko si Ethan at pinaupo sa consult bed para doon siya icheck kahit na may hints na akong viral infection ito, i still need to check his breathing.
Nang macheck kona lahat ng dapat tignan ay kinausap kona sila.
"Based on what I've seen and your statements awhile ago, Ethan has a viral infection. It is easily determined because of his symptoms, so I have to give him antiviral medications." I said professionally and was brave enough to look at his eyes. I have to. This is the proper way of talking to someone in this field. Hindi excuse ang personal reasons.
Matapos ng mga sinabi ko ay binasa ko ang gamot na mga dapat bilhin at ang instructions sa pag-inom ng mga ito.
They are ready to leave when a woman very familiar to me entered the room.
"Ate?" I asked, confused.
Nagulat din siya pero agad ring nakabawi.
"Kaya naman pala kating kati si daddy na pabalikin kami rito sa Pampanga at ipacheck-up 'tong si Ethan... Andito pala ang kapatid kong magaling." Sarkastiko 'yon. Rinig at ramdam ko.
"What do you mean?" I asked.
"Nung sinabi kong may sakit si Ethan ipapacheck up ko na dapat siya sa Manila dahil doon kami nakatira, pero pinilit niya kami na dito nalang daw sa Clinic na'to magpacheck-up... Guess what? Ito pala ang pinagawa nilang clinic for you..." Tumingin siya sa kisame at sa bawat sulok ng kwartong 'to. "Infairness, halata namang Pediatrician ka." Dagdag pa niya sabay ngisi.
Hindi parin siya nagbabago, mababa parin ang tingin niya sa akin kahit na ito na ang narating ko.
Ngumiti lang ako at ipinakita ang resetang hawak ko.
"Excuse me Ma'am, here is the prescription for your uh..." Hindi ko alam kung kaano-ano niya itong batang ito.
"My son... Grabe naman Valerie, bakit naging pormal ka bigla?" Punong puno ng kayabangan ang wika niya. Nakakairita, pero nagulat ako sa unang sinabi niya.
"Your son?" Takang tanong ko... So ito yung batang dala dala niya bago ako umalis? Eh bakit Dada ang tawag kay....
"Yup." She said and carried her son. "Your nephew.... Or is there such word as step-nephew?" She chuckled in sarcasm.
"Ang laki na niya..." Tanging nasabi ko nalang.
"Dada, frieees!" The kid requested out of nowhere.
YOU ARE READING
My Only Exception
RomanceEver since I was young I never experienced to be a priority. I am a daughter of a rich business man.... and her mistress. I was raised learning and hating the fact that loving is like losing, when you love, you can never be a winner for the love its...
Prologue
Start from the beginning
