"Huwag kang magagalit sa ama mo, ha, Lising? Basagulero lang talaga iyan ngunit mapagmahal iyan lalo na sa ating dalawa. Hmm?" 

"Tatandaan mo laging walang mali sa pagsunod sa puso. Minsan mas mahalaga talagang sundin ang sarili nating kagustuhan lalo na kapag nasasaktan ka na,"

"Basta kapag nasasaktan ka na, tama na, ha? Ayos lang paminsan-minsan na sumuko,"

"Lagi mong tatandaan na nasa buwan lang ako, laging nakabantay sa iyo. Mahal kita, Lising ko."

Batid niyang mas mabuti kung nanatili ito sa kaniyang kinaroroonan, malapit sa pinto, para kung sakali'y mas madali siyang mahanap kung may darating mang tulong ngunit nalason na ng tinig ng kaniyang ina ang kaniyang isip sa kasalukuyan.

"'Na? Ina, nandito na 'ko. Kapit ka lang riyan, sandali lang. Bubuhatin ko lang 'to." buong lakas nitong sinubukang iaangat ang kumpol ng mga sunog na kahoy ngunit nang maiangat nga'y wala itong natangpuan sa ilalim. Napaluhod ito. "Ina..."

'Ano bang iniisip mo, Kalesi? Patay na ang nanay mo! Gumising ka! Kailangan mo nang lumabas dito! Kailangan mo pang punatahan si ama!' sigaw nito sa sarili. Ibinaling nito sa tingin sa daang pinanggalingan. Naghanda itong gumapang muli pabalik ngunit bumagsak sa kaniyang pang-upo nang mismong bumagsak ang isang pirasong kahoy na nagliliyab sa kaniyang harap. Sinubukan niya itong ikutan ngunit naging sunod-sunod ang pagbagsak ng partamento ng gusali.

"Ah..." Ngayon, wala na itong makita kundi usok at nagliliyab na apoy. Pula. Pula't gris na lamang ang nakikita nito sa paligid. Nagsisimula na rin itong umubo sa kawalan ng mahagip na hangin.

Wala na itong nagawa kundi humiga sa kaniyang likod at maghabol ng hininga, nakatingala sa kisameng wala na. Nanatili itong nakapikit ngunit nagawa pa rin nitong ngumiti sa kabila ng likidong dumaloy mula sa mata nito at tumulo sa sentido. 

'Ama... patawad. Patawarin niyo na ako, sige na. Kiandro... tulong...'

Nagpakawala ito ng hagikhik sa hindi ring malinaw na dahilan. Batid niyang malabo nang mahanap pa siya sa malalim na parte ng silid na ito. Dahil na rin sa sariling katangahan.

'Siguro'y ipapasa ko na lamang sa susunod kong buhay ang pagrerepresenta sa mga binibini at pagpapatuloy ng layunin ko sa Inang Bayan. Pero ayoko pa, malay mo may paraan pa para makatakas ako rito...'

"Ah!" bulyaw nito sa palaisipang siya rin mismo ang nagpapasok sa sarili niyang isip. "'Wag na nga! Mamamatay na lang ako rito. Bahala na."

***

"Hindi, hindi na kailangan ng panglahatang detenihin, sigurado akong nakalayo na ang salarin habang inililigtas natin si Kalesi." unti-unting bumabalik ang sensasyon ni Kalesi sa kaniyang tainga. Pinakiramdaman nito ang paligid. Mayroon pang dalawan tauhan sa loob ng silid, at wala silang malay sa pagkagising niya.

"Magtanong-tanong kayo sa paligid kung may napansin silang kakaiba. Ngunit sigurado akong sa gubat ang huling patutunguhan niya kung hindi siya mahahanap sa malapit,"

"Heneral, hindi naman sa pagmamarunong ngunit bakit hindi nalang natin kumprontahin ang mga rebelde? Hindi patas na kilos ang ginawa nila ngayon, kahit anong anggulo niyo tingnan,"

"Walang patas sa larong ito, guardia. Laban ito ng dangal at layunin. Saka hindi na rin natin iyon masisigurado. Bukod sa posibilidad na aksidente lamang ito, may isa pa tayong maaaring pagsuspetyahan maliban sa mga rebelde," 

"Anong pagsuspetyahan?" isang garalgal na boses ang lumabas sa bibig ng dalaga na pilit na bumabangon mula sa ikinahihigaan nitong kama gamit ang  parehas na braso nito. Kapwa nanglaki ang mata ng dalawang ginoo nang makitang bumangon ang dalaga mula sa pagkakahiga nito.

PrequelaWhere stories live. Discover now