Kaiser caught their attention. Halos sabay silang lahat na nagtanong sa kanya kung ano bang maiaambag niya sa buhay ng magiging anak ni Jacob sakali.

"Iisa lang naman ang maiaambag ko. Kapag nagkaanak ako ng lalaki, tapos babae iyong anak ni Jake, malamang sa malamang, silang dalawa na kaagad ang pag-aasawahin ko. Hindi pa man napapanganak, mayroon nang isang taong para sa kanya." And they shouted on that idea. Si Kaiser ay mas malapad ang naging ngiti dahil tila napag-isipan niya ng maayos ang ideyang iyon.

Maski si Jacob ay hindi na napigilan pa ang sariling hindi mas lalong matawa dahil sa pagkakadinig niyon.

"Tangina. Hindi ko nga alam kung payag nga iyong gusto kong maging nanay. Hinay-hinay lang sa pangarap, baka hindi nga matupad, eh," sagot nito. Napakamot ito sa ulo dahil mukhang kahit hindi pa man nangyayari ay napahiya na siya.

Natahimik silang lahat. Napatakip sa bibig, napahimas sa baba saka hindi na nagkaroon ng ilang segundo na makapagsalita at ipaglaban ang bawat ideya.

They became silent for a minute. Samantala, si Jacob ay tinungga iyong isang baso ng iced tea saka napailing.

Maski nga ako ay walang ideya kung sino ba ang balak niyang pakasalan sa huli, kung sino ba ang ang nais niyang makasama sa buhay. Hindi ko naman alam na mas nauna pala iyong pagpaplano niya kaysa humanap ng girlfriend. Masyadong matalino itong kaibigan ko.

"Huwag kang mag-alala, magugustuhan ka rin niyon. Hindi ba, cous?" Sam asked me. Nagulantang ako sa kanyang pagtawag sa akin.

Anong connect ko doon sa tanong niya?

"Bakit?"

"Sumagot ka na lang ng oo. Suportahan mo nga itong torpe mong kaibigan. Masyadong duwag kasi," hirit niya pa saka tinanguan si Jake.

"Edi oo. Kung sino man 'yang gusto mo Jake, sure naman akong magugustuhan ka rin niya. Tiwala lang," I assured him. Napapailing ito saka tinungga ulit iyong iced tea.

Doon ko lang narinig ulit ang kanilang hagikhikan na walang katapusan. What's their problem? Bakit mukha naman yatang pinagkakatuwaan ako ng mga ito?

"Goods 'yan. Naks. Si Phoebe na nagsabi niyan, ah? Panigurado na 'yan!" Bryan said again. Napatawa na lang kaagad ang mga ito bago nagkasundo-sundo sa mga napagsabi kanina.

I joined their session. Naki-jam ako sa kanila dahil ayoko namang maging kill joy. Gusto kong maging masaya ngayon kahit papaano. Kasi syempre, wala namang dahilan para maging malungkot ako, bukod sa sitwasyon namin ngayon.

We only stopped when midnight came. Dumiretso silang lahat sa guest room habang naiwan kami ni Jacob na tinatanaw ang madilim na kalangitan sa labas.

We chose to be alone first. Nagpaalam daw siya kay Tita na dito na raw muna matutulog.

"Alam mo ba kung anong huling mensahe ni Tito sa akin bago siya nawala?" he asked me. Iyong mga mata niya ay wala sa akin.

Tahimik at halos wala nang tao rito sa bahay. Si Mama ay mukhang nagpahinga na rin.

Hindi ako nakasagot.

"Nag-aagaw buhay siya. Your mom called me. Akala niya kasi ay kasama mo ako kasi hindi ka niya ma-contact. Kaya pumunta ako sa hospital at naabutan siyang nag-aagaw buhay na."

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now