"Eto Hija." Hindi ko na napansin ang paglapit ni tita sa akin. Ipinatong niya ang platito ng cassava cake at isang baso ng Orange juice sa lamesang nasa harapan ko.

"Hala salamat po tita."

"No worries, feel at home.'' She gaved me a sweet smile. ''Uh, Zary pupunta muna ako sa kusina dahil binibake kasi ako ayos lang ba?" 

"Sure po, thank you po ulit!" Nginitian niya akong muli bago ituro ang pagkain, tumango naman ako at naglakad na siya papalayo.

Isang tinidor na cake palang ay sarap na sarap na ko, the best talaga ang mama ni Liam sa ganito. Inubos ko muna ang cake at juice at inayos ang pagkakalagay sa lamesa pagkatapos. Natapos na ako lahat lahat ay hindi pa rin nalabas si Liam kaya umakyat ako at dumiretso na sa kwarto niya para kumatok.

~Knock~

"Mom, wait lang five minutes!" Narinig ko ang inaantok na boses ni Liam, akala ko ba naliligo na siya?

"Hoy Liam malalate na tayo oh! Anong five minute? Hindi ka papala naliligo!" Sigaw ko mula sa pinto.

"Shit," rinig kong bulong ni Liam sa loob, kasunod no'n ay nakarinig na din ako ng ingay sa loob na para bang may nagmamadali.

"Ba't ka nandito oy, umupo ka nga lang doon!" Nakarinig na ako ng pagsara ng pinto ibig sabihin nasa banyo na siya, napanguso ako dahil maghihintay pa ulit ako ng ilang minuto dahil ngayon lang siya mag-uumpisang maligo. Bumaba na akong muli at naupo.

Chineck ko ang IG ko at nang walang makitang notifications ay naisipan ko na lang i-chat si AIden since nakita ko siyang online.

Aiden.

Hi Aiden, nasa school ka na?

Seened.

No reply.

Nandono na yata siya, bagal kasi netong panget na 'to maligo e kung 'di lang talaga nagtatampo kanina pa ako nasa school at inaabangang pumasok si Aiden.

After 10 years, char. Natapos na rin si Liam at ready na umalis.

"Kumain ka muna!" Sigaw ng mama niya mula sa kusina.

"Doon nalang po, Mom." He went on the kitchen and kiss his mom on the cheeks. Nang lumabas si Liam sa kusina ay kasama na niya si tita na nagpupunas ng kamay.

"Okay take care, baby. Bye Zary."

"Bye po, tita. Thank you po sa cake, ang sarap ninyo po talagang gumawa!"

''Siyempre, ako ba naman ang resulta,'' singit ni Liam. Kinurot naman niya ng Mommy niya sa tagiliran.

''Hindi mo naman sinabing pupunta a rito,'' walang emosyong sabi ni Liam nang makalabas na kamin ng bahay nila. ''Bakit ka nandito?''

Sasagutin ko na sana ang tanong niya nang biglang tumunog ang phone ko, nanlaki pa ang mata ko nang makitang si Aiden ang caller. Agad ko naman itong sinagot ng walang pagaalinlangan.

"H-hi" I answered. Stuttering.

"I'm not the one who called you, it's Riello."  Riello? Ah, Aiden's classmate. I can hear Aiden's irritated voice sa kabilang linya,iniimagine ko pa lang ang mukha niyang sinasamaan ng tingin ang kaklase niya ay natatawa na ako.

"Weh, magkakasundo kami niyan," I bite my lower lip. ''On the way na pala akong papuntang schoo-"

He ended the call.

Bas2s.

"Pumunta ka dito tapos puro 'yang si Aiden naman ang inaatupag mo," bulong ni liam sa tabi ko. O, shookt I forgot that I'm with Liam. Masama na ba akong kaibigan?

Before This Moment Is OverWhere stories live. Discover now