"S-sasali ka samin?" nanlaki ang mata nila, mabilis naman akong tumango. "Sige! ano name mo sa facebook add ka namin sa group." lumapit siya sakin at nilabas ang phone niya.


Sinabi ko naman ito sa kaniya at dali-dali siyang nag friend request sakin. Tumalikod na ako nang wala na silang sinabi, ngumiti nalang sila saka nag ayos din nag gamit. 


"Mabait naman pala siya." rinig ko bago lumabas.


Sinulit ko ang buong vacant sa library pero hindi din pala ako matatahimik, nagulat nalang ako nang makita ko siyang mag-isang nakaupo, naka tapong pa ang bag niya sa isang upuan para walang maka-upo doon. 


"Huy, deshauna. Dahon ka ba?" mahina ang pag-kakasiko niya sakin. 


"Hindi." walang emosyong sagot ko. 


"Bakit kasi." inis na sabi niya. 


"E'di bakit?" wala na akong choice. 


Umayos siya nang upo saka humarap sakin. "Kasi feeling ko you're dahon-ly-one for me." 


Matagal pa kaming nagkatitigan dahil sa sinabi niya, pinilit ko naman itindihin ang sinabi niya nag sandaling maintindihan ko iyon at tumango nalang ako. 


"Dahon ka ba?" huminto muna ako sa pagbabasa. 


"Bakit?" excited ang mukha niya. 


"Pakalat-kalat ka kasi." 


Iyon lang ang huling nasabi ko dahil mukhang hindi siya natuwa, bumalik nalang siya sa pagbabasa niya. Minsan ay napapatingin ako sa kaniya at hindi niya naman nahahalata iyon dahil abala siya masyado. Sobrang seryoso nang mukha niya na tila iniintindi talaga ang nasa libro, hindi lang ako makapaniwala kapag ganito siya wala kasi sa mukha niya ang mag aral nang mabuti. Lalo na puro kalokohan ang alam niya sa buhay, nakakapanibago lang na libro din ang hawak niya. 


Pag-uwi ko sa condo ay agad kong napansin si Cobra sa pintuan na parang naghihintay sakin, kinuha ko naman siya at dinala sa kama. Doon siya nahiga habang nagbibihis ako. Pag balik ko sa kama ay para siyang sanggol na tulog. 


Tinanggal mo muna ang salalim ko bago humiga sa kama binuhat ko si Cobra at pinatong sa dibdib ko. Marahan kong dinadampi ang palad ko sa balahibo niya at mukhang nakikiliti naman siya sa ginagawa ko. 


Sa tuwing napapatitig ako sa kaniya na-aalala ko ang unang beses nang makita ko si Cobra, hindi ako makapaniwala na ilang beses niyang sinubukang iligtas ang buhay ko. Nangako ako sa dating nang mamay-ari sa kaniya na aalagaan ko siya nang mabuti, alam ko naman na namimiss niya din ang matanda na amo niya dati. 


Natuto akong tumanaw nang utang na loob sa taong iyon, kung hindi isya dumating nang mga oras na iyon hindi ko alam ang mangyayari sakin. Gusto kong bumawi sa kaniya pero sa paraan na hindi niya napapansin, iyon lang ang kaya kong isukli sa ginawa niya sakin noon. Binigyan niya ako nang tulong kahit hindi ako humingi at bibigyan ko siya nang tulong kahit hindi niya pa hiniling. 

Cover me, Detective (McMaster Series  #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon