Chapter 30

3.1K 204 24
                                    

Jennifer

"Ihahatid kita sa inyo. May gagawin lang ako saglit." Pauwi na sila ngayon para lang ihatid si Meadow pagkatapos ay aalis siya ulit para puntahan ang address na ibinigay sa kanya ng mga estudyante kanina.

"I'll come."

"Hindi pwede Meadow. Importante ito at saglit lang naman ako doon-"

"I insist." Ang tigas talaga ng bungo nito at alam niyang kung ayaw talaga nito ay hindi niya mapipilit. Sa susunod na lang siguro? Pero kelan pa kung andami niyang trabaho?

Wala siyang mapagpipilian kundi lumiko para tahakin ang daan papunta sa bahay ng mga Alonzo. Bahala na si Meadow, magtiyaga itong maghintay sa kanya at huwag lang magrereklamo dahil lakad niya ito.

Ilang minuto silang bumiyahe bago napadpad sa isang paupahang apartment.

"Dito ka lang." Aniya at saka bumaba para magtanong.

"Alam niyo po ba kung saan nakatira si Hex Alonzo dito?"

Nagsalubong ang mga kilay niya ng humalakhak ang mga ito. Seryoso, walang matinong mapagtanungan ngayon kundi dito lang sa tindahang may nag-iinoman. Mabibigyan kaya siya ng matinong sagot ng mga ito? Sana naman dahil ayaw niyang mag-aksaya ng oras.

"Bata, dayuhan ka rito no? Tumagay ka muna!" Sigaw ng isa sa mga ito. Bumunot siya ng pera at inilapag iyon sa lamesa.

"Limang libo kung sino man ang makakapagturo sa kung nasaan ang bahay ni Hex Alonzo."

Nagkatinginan ang mga ito at sa perang nasa harapan.

"Pre, pang-inom natin solve na sa dalawang linggo. Sabihin niyo na."

"Pero dayo ka bata, dapat tumagay ka."

Binunot niya ang kanyang baril pero natigilan siya ng makita niya si Hex na naglalakad palapit sa tindahan at mukhang bibili ito. Mabilis niyang ibinalik ang kanyang baril at kinuha ang kanyang pera.

"Teka bata, sasabihin namin. Amin na ang pera."

Ngumisi siya sa limang lasenggerong kalbo. "Andiyan na si Hex kaya salamat na lang."

Hindi pumalag ang lima siguro dahil nakita ng mga ito ang kanyang dalang baril. Ok naman palang kausap e. Ayaw lang sa pera.

"Hex." Aniya at natigilan ito ng mapansin siya. Ng mamukhaan siya nito ay nanlaki ang mga mata at mukhang aatras kaya binalaan niya ito.

"Subukan mong tumakbo. Hindi mo magugustohan ang gagawin ko sayo." Puno ng awtoridad ang boses niya rito. Mukhang natakot naman kaya ito natigilan. "Anong bibilhin mo?"

"Uhm. Ulam po namin ni Mama." Ulam? Bakit sa tindahan? Anong magandang ulam sa tindahan maliban sa noodles at mga de lata. "Bibili lang po ako saglit." Wika nito saka siya nilampasan.

Hinintay niya itong makabili habang nakapameywang siya at nakatitig sa isang puno.

"How dare you forget about me." Halos mapatalon siya ng sumulpot si Meadow sa harapan niya.

"Seryoso bakit ka ba nanggugulat? Saka I told you na doon ka lang." Saka wala ba itong pakialam sa suot nito? She's wearing her uniform. Nagbabalandra ito at alam namang may mga lasenggo. They don't know the people around here if they are nice or not.

Nag-cross arms ito. "You're just occupied."

Ang ganda talagang sumagot ng babaeng ito.

"Miss De Lavego?" Si Hex na parang natakot pagkakita sa propesora nito. Akala siguro nito ay nagpunta sila doon dahil absent ito kanina at ibabagsak na siya ni Meadow ganun ba?

Kita niyang biglang sumama ang timpla ni Meadow. Ano na naman ang problema nito?

She cleared her throat. "Tara na, Hex."

Ewan niya pero kinuha ni Meadow ang kanyang kamay kaya tinanggal niya iyon. Mamaya may makakita pa sa kanila pero kagaya ng dati. Makulit si Meadow kaya kinuha ulit ang kamay niya at pinagsalikop ang mga iyon.

Darn, what is she doing? Ganito ba talaga ka-clingy ang babaeng ito?

Binalingan niya ito ng pansin pero malamig ang tingin nitong deretso lang kay Hex na nauunang naglalakad sa kanila. Kulang na lang ay saksakin nito ang likuran ng dalaga. Bipolar ang De Lavego'ng ito.

Pumasok sila sa isang maliit na eskinita at nadaanan ang mga batang naglalaro. Sa may likuran pa pala ang bahay ng mga ito. Ang layo naman!

Pagkarating nila sa may apartment ay binitiwan rin ni Meadow ang kanyang kamay kaya siya nakahinga ng maluwag. Sumunod silang pumasok ni Meadow ng mabuksan iyon ni Hex at anyayahan silang maupo. Hindi kalakihan ang apartment at sapat lang sa dalawang tao. Dalawang maliliit na kwarto. Isang maliit na banyo at maliit na sala kasama na pati ang kitchen.

"Ma, may bisita po tayo." Dinig niyang wika ni Hex ng makapasok ito sa isang kwarto.

"Sino?" Tanong nito pero wala siyang narinig na sagot mula kay Hex.

Ilang sandali lang ay lumabas ang dalawa sa kwarto. Isang may katandaan ng ginang at tama siya, hindi nagbago ang mukha nito maliban sa tumanda lang at pumayat. Siguro dahil sa sakit nito. Inalalayan ito ni Hex hanggang sa makaupo ito sa kanilang harapan. Nanatili siyang tahimik habang pinagmamasdan ang taong nang-iwan sa kanya non.

"Sino sila at anong kailangan nila?" Tanong nito habang si Hex ay nakatingin lang sa kung saan. Parang hindi na nga siya nito naaalala. It's been what? Couple of years.

She doesnt know what to feel except she's longing. Iyong pagka-missed niya rito dati ay bumalik. She had waited somehow for this day.

May kinuha siyang kwintas sa kanyang bulsa at inilapag iyon sa may center table.

"Ilang taon na ang nakakaraan pero pilit akong bumabalik sa mga oras na kasama ko ang taong nagbigay sa akin niyan. Ang nangakong hindi ako pababayaan kahit na anong mangyari pero nagawa niya akong iwan sa kalye."

Dahan dahan nitong kinuha ang inilapag niyang kwintas. May pendant itong letter J at ng matitigan nito ay bigla na lang umiyak.

"Jennifer?"

"Yes, no other. Nagpunta ako rito dahil gusto kong malaman ang totoo kung bakit mo ako nagawang iwan ng basta basta na lang."

Umiling ito sa kanya. "Alam kong malaki ang kasalanan ko sayo. I choose my own happiness over you at nakarma ako dahil sa mga nagawa ko sayo. Hindi ako naging mabuting ina dahil iniwan kita. Nakilala ko ang ama ni Hex noon at ayaw niya sayo. Dahil mahal ko siya, nagpakatanga ako at inalis kita sa buhay ko pero sa maniwala ka o hindi. Hinanap kita ng ilang taon. Nalaman iyon ni Henry at nagalit siya. Pinagbubuhatan niya ako ng kamay. Hindi niya alam na buntis ako kay Hex noong sumama siya sa ibang babae. Ng lumaki si Hex, nagdesisyon akong hanapin ka ulit para humingi ng tawad kahit hindi mo na ako kaya pang tanggapin sa buhay mo. Hinanap ka namin pero hindi ka namin nakita." Nagpunas ito ng luha.

"At tatlong buwan na ngayon simula nong nalaman kong may cancer ako. Sabi ko, heto na ang karma ko sa lahat ng nagawa ko sayo. Wala akong karapatang tawagin kitang anak pagkatapos ng nagawa ko sayo pero patawad, kahit iyon na lang, Jennifer."

Hindi niya namalayang kahit siya ay lumuluha na pala. She's silently crying.

"Patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko sayo. Nagmahal lang ako't nabulag, nagpakatanga. Huli na ng matauhan ako. Nawala kana sakin."

Dahan dahan niyang pinunasan ang mga luhang dumaloy sa kanyang mga pisngi.

"Alam mo ba kung gaano kahirap mabuhay ng wala ka? A girl named Hyanth Winter Snow saved me. Kinupkop niya ako, apat kami at pare-parehong itinapon ng mga magulang. Binihisan, pinakain, pinag-aral at dahil magaling kami sa martial arts. Ginawa niya kaming bodyguards niya at tinuring na mga tunay na kapatid. I owe everything to her, lahat ng meron ako pero alam mo bang hindi ko nakakalimutang ikaw pa rin ang nagbigay ng buhay ko? I had damn missed you for the past years! And if you want my forgiveness then yes, I forgive you because above all the things you did to me I still love you!"

Tumalikod si Hex sa kanila dahil alam niyang kahit ito ay umiiyak na rin.

"I still love the woman who brought me in this world. The same woman who abandoned me." She looked straight into the womans eyes.



"I forgive you."

Destined To Be Yours 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon