Chapter 25

3.3K 204 18
                                    

Jennifer

Nakikipagtitigan siya ngayon sa malamig at walang emosyong si Meadow. Ano na naman bang problema ng babaeng ito? Parang pasan palagi ang buong mundo.

"Sige na hija. Please." Mula kay Meadow ay napabaling siya kay Mrs. Melissa De Lavego pagkatapos nitong magsalita. Hinihiling nitong maging personal bodyguard ng anak nitong demonyo-este impakta. Sino pa nga ba kundi si Meadow. "After all the sufferings from my own son. Hindi ko maaatim kung pagdaanan din iyon ng anak ko. As a mother, I want to keep her safe."

She cleared her throat. Hindi pwede, gusto sana niyang sabihin ang mga katagang iyon pero ayaw niyang wasakin ang puso nito. Naiintindihan niya ito bilang isang ina.

"I have missions to do, Mrs. De Lavego, pero pwede akong mag-assign ng iba-"

"The point is, my wife doesnt want any agent other than you Miss Hans." Putol sa kanya ni Mr. Zed De Lavego. Nakatayo ito sa tabi ng kama ng asawa nito habang nakahawak sa kamay ng ginang. "Besides, misyon pa rin naman iyon. Isn't it, Miss Hans?"

Tinanggal niya ang kanyang sunglass. There will be no threat to her in here. Nakipagtitigan siya kay Mr. De Lavego.

"I have a friend. She's a pro. She's a tough one-"

"I hope you understand that my wife doesnt want any agent other than you, Miss Hans. I thought your mission is to save lives and-"

"It is pero wala ng banta pa sa buhay niyo, Mr. De Lavego. Marami pang taong naghihintay ng tulong kong kagaya niyo."

The thing is. Ayaw na niyang makasama pa si Meadow. This woman's too much for her.

"That's what I thought until this one came with a black rose."

May kinuha ito sa bulsa nito at ibinigay sa kanya. Inabot niya iyon. Isang picture na tinupi. Dahan dahan niya iyong binuksan at tumambad sa kanyang paningin ang larawan ni Meadow. May red X ito sa mukha at hindi lang iyon, mukhang ginamitan rin ito ng matulis na bagay para tusok tusokin ang larawan nito.

Nagsalubong ang mga kilay niya at halos mapunit niya ang larawan nito dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.

"I already wired the money to your bank account but I wanna get your service again, Miss Hans. Please, dont turn us down."

Just the thought that someone will hurt Meadow. It doesnt feel right for her. Mukhang papatay na siya sa pagkakataong ito. Ramdam niya ang pagkulo ng kanyang dugo sa taong nagbabanta sa buhay ni Meadow. It was hard to guess kung sino pero dahil may kasama itong bulaklak. It must be one of Meadow's suitors, kung may manliligaw ito at tinatakot lang ang dalaga. Pwede ring isa sa mga taga-hanga nitong nasawi rito at gustong maghiganti or secret admirer na na-obsessed rito at nasiraan na ng ulo.

"Well?" Basag ni Mr. De Lavego sa katahimikan. Naghihintay ito ng sagot mula sa kanya.

Sasagot na sana siya ng mag-ring ang kanyang cellphone. Kinuha niya iyon. It was Amber. Anong kailangan nito?

"Excuse me." Aniya at lumayo sa tatlo para sagutin ang tawag ng kaibigan niya. "Amber, bakit?"

"Tulongan mo ako, Jen!"

"Bakit? Anong nangyari sayo?"

"Iyong kliyente ko!"

"Ano? May nangyari ba? Umayos ka nga Amber!"

Napasigaw ito sa kabila out of frustration. Para naman saan? Nagugulohan siya rito.

"Si Blaire! May balak yata siyang gahasain ako."

"Ano?" Natawa siya sa sinabi nito. Napatili naman ito sa kabila. Halatang problemado sa kliyente nito. "Tindi naman ng karisma mo kung ganun."

"Hindi ako nagbibiro Jen! May balak talaga siya sa akin. Inaakit niya ako!"

Napailing siya rito. "Nagpapaakit ka naman. Ibigay mo na lang Amber. Wala ka naman ng dignidad, walang masasayang. Maganda ka naman kahit papaano, hindi na siya lugi."

"Bwisit ka!"

Pinatay na niya ang tawag nito saka siya bumalik sa dati niyang kinatatayuan kanina. Kung alam lang niyang hindi importante ang sasabihin ni Amber ay hindi niya ito sinagot kanina. Di sana tapos na ang usapan nila ni Mr. De Lavego ngayon.

"I will think about it, Mr. De Lavego."

"Please. I need you to protect my daughter."

And its like a lightning that struck her. Bumalik ang ala-ala niya ng sandaling iniwan siya ng mama niya sa kalye. Wala siyang proteksyon that time kahit kailangan niya.

This woman, Mrs. De Lavego, is a mom who have a big heart for her kids. And she's begging her to protect her only daughter na hindi kailanman ginawa ng mama niya sa kanya.

She admire the woman for it.

Napabuntong hininga siya. She wanted to see her mom and asked her a lot of things pero parang hindi na iyon mangyayari pa kahit kelan. Her mom turned her back to her so bakit niya ngayon aasahang makita ulit ito? Hindi siya maghahabol. Sinadya nito ang bagay na iyon. Mapapatawad niya ito pero hindi niya alam kung matatanggap pa niya sa buhay niya.

Napahawak siya sa kanyang batok ng wala sa oras. Right now, she's not an agent. She's lost inside for all those years na naghahanap siya ng sagot.

"I'll accept it." She doesnt have any choice. Napatingin siya kay Meadow na nakacross arms sa dibdib nito. She's still that cold.

"Great!" Mr. De Lavego exclaimed habang napangiti naman si Mrs. De Lavego.

"Thank you, Miss Hans." Magiliw na pasasalamat ng ginang sa kanya.

"No need to thank me, Mrs. De Lavego. It's my job. I have to go for now. I'll be back later. Gonna grab my stuffs. Pleasure doing business with you Mr. De Lavego."

Lumapit si Mr. Zed sa kanya at nakipagkamay.

"Likewise, Miss Hans. Well, shall we?"

Iginaya siya nito palabas. Naiwan si Meadow kasama ang Mommy nito.

"I cant thank you enough for what you did para sa pamilya ko, Miss Hans. Kahit sinasabi mo pang iyon ang trabaho mo. Dying as a part of your job isnt easy. You cant just give up your life for someones sake. Napakatapang mo para sa isang babae."

"I am not afraid of death, Mr. De Lavego. Lahat tayo mamamatay pero tama ka. Hindi madaling isakripisyo ang buhay pero para sa akin. Heto ang gustong gusto kong gawin, ang tumulong sa kapwa kahit kapalit pa ng buhay ko."

"I admire you for that hija. Sana kasing tapang mo at ganyan ang prinsipiyo ng lalaking mapapangasawa ng anak kong si Meadow."

Muntik na siyang matapilok sa hagdan habang pababa sila sa front door ng mansyon. Kung nagkataon, siguradong magiging katatawanan siyang magpagulong gulong hanggang sa sasakyan niyang nakahimpil sa harapan.

Darn.

Gusto niyang salungatin ang sinabi nito na wala ng ganung klase pang lalaki sa panahon ngayon pero wala siyang karapatan.

"Again, thank you." Wika ni Mr. Zed.

Tumango na lang siya rito bago naglakad sa kanyang sasakyan at nilisan ang lugar na iyon but not when she saw Meadow staring at her coldly through the glass window.

Witch!

Destined To Be Yours 2 (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن