Chapter 27

3.1K 179 12
                                    

Jennifer

"Sino?!" Inis niyang tanong sa gwardiya ng kunin niya ang itim na bulaklak para sana kay Meadow.

"Delivery man po-"

"At kinuha mo nalang ng ganun ganun? Aren't you aware of what's happening around here?"

Hindi nakaimik ang gwardiya sa kanya.

"Anong sinakyan ng naghatid? What way he went to? And about how long?"

"2 minutes na po. Isang blue na motor na may tatak na skyland delivery. Kaliwang daan po siya."

Binalingan niya si Xedric na amuse na nakatingin sa kanya. Halos magkasunod lang itong dumating at ang itim na rosas na pinadala ng delivery guy na sinasabi nitong gwardiya. She checked the flowers at minsan ay pwede rin iyong tamnan ng bomba, mapapahamak sila nito sa galaw ng gwardiya. He's being careless.

"Let me borrow your motor." Tukoy niya sa BMW nitong motor na siyang sinakyan nito sa pagbisita doon kasama si Xendrick. Isa pa tong hindi nag-iingat. Sinong matinong ama ang paaangkasin ng ganun na lang ang paslit na anak.

"Have it." Ibinato nito sa kanya ang susi at nasalo niya iyon. Nagmamadali siyang sumakay ng motor pagkatapon sa bulaklak at nagsuot ng helmet. Pinaandar niya iyon at mabilis na pinatakbo para habulin ang naghatid ng bulaklak. Kung nagdedeliver ito. Malamang maaabutan pa niya dahil hindi lang naman siguro ang itim na bulaklak ang ihahatid nito.

At tama nga siya dahil nakita niyang huminto ang isang motor na may tatak na skyland sa isang tabi para maghatid ulit ng bulaklak sa isang bahay. Huminto siya saglit upang manmanan ito. Ng makitang paalis na ay inunahan niya ito para hindi makahalata. Hindi mo kasi alam kung kasabwat din ito.

Tinitignan niya ito sa kanyang side mirror at ng medyo mapatapat sa isang parteng walang mga bahay ay pinabagal niya ang pagpapatakbo. Ng malapit na ito ay bigla siyang humarang dahilan na halos mawalan ito ng balanse dahil sa bilis din nitong pagpapatakbo. Agad siyang bumaba ng tuloyan na itong huminto at binunot agad niya ang kanyang baril.

She was stunned to see that he's young, parang 18 lang ito kung tutuosin.

"Huwag po. Maawa kayo wala akong ginawang masama." Itinaas pa nito ang dalawang kamay at kita ang takot sa mukha nito.

"Sinong bumili at nagpadala ng itim na bulaklak sa bahay ng mga De Lavego?" Did she ever mention she doesnt like to waste her time?

Natahimik ito sa kanya.

"Or should I make myself clear? Sinong nag-utos sayo na ipadala ang itim na bulaklak sa bahay ng mga De Lavego? Kid, you're in trouble if you dont speak, I've had enough so kung gusto mo pang mabuhay, talk!"

Napalunok ito batay sa adams apple nito. This kid knows something.

"Walang mabibiling itim na bulaklak kundi ginagawa iyon ng taong baluktot ang isip. And I know your shop wouldnt make that kind of flower para sa kliyente nila depende na lang kung special request. Sasabihin mo o hindi kana sisikatan pa ng araw bukas? Sagot!"

"N-nag t'trabaho lang po a-ako ng marangal para may pantustos sa pag-aaral." Nauutal na sagot nito.

"Then do it the right way, kid. Masama iyan."

"N-natakot lang po ako."

Ibinalik niya ang baril sa kanyang tagiliran.

"Dont be afraid. Isa akong agent. Whoever is this guy na nananakot sayo. I'll put an end into it at tutulongan kitang makapag-aral."

Inilibot nito ang paningin sa paligid na parang nagmamasid bago tumingin sa kanya.

"Paano po ako nakakasigurong mapagkakatiwalaan kita?"

"I was once like you. I strive to get what I want and where I am right now. You just have to. Kung hindi ka magtitiwala, hindi ka matutulongan, hindi ka makakaalis diyan sa sitwasyon mo at walang magbabago."

Napalunok ulit ito.

"Kailangan ko lang ng impormasyon sa taong iyon."

"Matangkad po siya, may hitsura, hindi kaputian-"

"So hindi mo kilala?" Umiling ito. "Pero ilang beses kana niyang inutosan para gawin ang bagay na iyon?"

"Ilang beses na rin po. Ang alam ko lang, iyong mga babaeng hindi niya makuha-kuha. Tinatakot niya."

"At ikaw ang tagahatid ng mga bulaklak na iyon?" Tumango naman ito.

"Minsan po, isang box pero hindi ko naman po alam kung anong laman. Kadalasan po itim na bulaklak."

"Damn, he's a psycho." Mahinang mura niya.

"Hindi ko po siya kilala personally pero basta na lang pong tumatawag kapag ganung may kailangang iutos. Ginagawa ko po ito para sa buhay namin ng nanay ko. Ang sabi niya kapag nagsumbong ako o pumalag. Papatayin niya ang nanay ko."

"Where's your Mom?"

"Nasa bahay po. May sakit."

"Ok, iiwan ko sayo ang number ko. Kapag tinawagan ka sa susunod. Itext mo agad ako."

Ibinigay nga niya ang number niya rito at kinuha rin niya ang number nito pati na rin ang pangalan nito.

"Basta mangako ka pong hindi kami mapapahamak ng nanay ko."

"You have my word." Bumunot siya ng pera at iniabot rito. "Take this."

"Hindi na po-"

"I insist. May sakit ang nanay mo diba? At sabi mo nag-aaral ka. I know sideline mo lang ang trabahong ito so keep it. It will help a bit."

Kinuha nito ang pera saka nagpasalamat sa kanya. Ng makaalis ito ay agad siyang sumakay sa hiniram niyang motor ni Xedric. Ilang minuto lang ay nakabalik agad siya sa mansyon ng mga De Lavego.

"Thanks." Pasasalamat niya kay Xedric ng makapasok siya sa mansyon at maibigay rito ang susi.

Kinindatan siya nito bago inakbayan. Feeling close ang lalaking ito. Ang bigat pa naman ng braso.

"So how is it?" Patay malisyang tanong nito.

"Mabigat ang kamay mo. Baka pwedeng pakitanggal?" Natatawa nitong tinanggal iyon.

May tumikhim sa kanila and when she looked at it. There's no other than the queen of ice. Si Meadow. Malamig ang tingin nito sa kanila at parang nababalot iyon ng itim na mahika.

"Morning sis!" Bati nito kay Meadow pero gaya ng dati ay wala itong emosyon. Sunday ngayon kaya wala itong pasok.

"Let's go and have a snack." Basta nalang kinuha ni Xedric ang kamay niya at hinatak siya sa may terasa. Whats wrong with this guy being clingy? Porket balo ito ay pwede ng maglandi?

Natigil siya ng maramdaman ang kamay na humawak sa kanyang braso. Tuloy pati si Xedric ay natigil.

"Let's talk." Wika nito sa malamig na boses.

Really? Talk as in conversation? Meadow's not good with it.

"Mauna kana Xedric." Baling niya sa lalaki.

"Ok, basta sabayan mo ako ha?" Kinindatan na naman siya nito at may nalalaman pang paghalik sa kanyang kamay bago umalis. May gusto ba ang lokong ito sa kanya o pinaglololoko lang talaga siya nito?

"You dont follow him around."

"Oh I dont. He came to me but says who?" Inis niyang tanong rito.

"Ako." Malamig na sagot nito. Kung mas may ilalamig pa ang mga mata nito ay ito na iyon. Kulang na lang manigas siya sa tingin nito. "We're in my territory. I got the full authority here." At basta na lang siya nitong iniwan doon. She's crazy!


Shit!

Destined To Be Yours 2 (Completed)Where stories live. Discover now