"Titignan ko-"

"No, wala siyang titignan dahil walang date na mangyayari."

Tinignan niya si Meadow ng masama pero malamig ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.

"Are we clear?" Monotone ang boses nito. Siraulo ba ang babaeng ito? Bakit ito ang nagsasabi sa kapatid nito? Wala itong karapatang magdesisyon para sa kanya.

"Ok Meadow. Thats enough." Suway rito ni Xedric. "Si Jennifer lang ang makakapagsabi kung may pag-asa ako sa kanya o wala."

So, seryoso nga ito kung sakali? Pero bakit siya pa? Andami namang ibang babaeng magkakagusto rito. Isa pa, did she ever mention na bakla siya?

Tinignan niya si Meadow. She's really damn sexy. Pwede na? Nope. Sobrang swerte pagdating sa katawan at kagandahan pero malas pagdating sa ugali. Pambihira naman, pwede na sanang package deal. Sumablay pa.

Tumikhim siya para mawala ang nakakailang na atmospera bago pa magkainitan ang dalawa. Ewan niya kung anong problema ni Meadow. First hindi sila close para makialam ito sa buhay niya. She's an agent and she's her client so wala siyang nakikitang point kung bakit nito pinanghihimasokan ngayon ang buhay niya.

"Magkape na lang tayo." Aniya at pasimpleng tinanggal ang kamay ni Meadow sa kanyang braso. Pero naupo ito sa kanyang tabi. Nagsisimula na siyang mailang rito.

Hindi na lang sana niya kinausap pa si Amber non at mukhang ang kamalasan nito sa kliyente nito ay napunta na rin sa kanya. Ayaw niyang ma-involve sa mga personal na buhay ng mga taong tinutulongan niya and with Xedric? It was complicated. Friends with Meadow? Heck, not even in her wild dreams. Masama ang tabas ng dila at paningin ng babaeng ito para maituring na kaibigan kahit papaano.

"Manang kape nga po, tatlo. Salamat." Tumalima naman ang matanda.

"So, kamusta naman ang anak mo?" Tanong niya tungkol kay Xendrick. Hindi pa kasi niya ito nakikita dahil kasama pala nito ang lolo at lola nito kahit sa pagtulog kapag dumadalaw ang mga ito. Saka para na rin mabaling ang topiko nila sa ibang bagay.

Awtomatiko namang napangiti si Xedric sa kanya. Well, he's handsome pero masyado itong pa-cute sa kanya.

"My son loves you. Lagi ka niyang kinukwento sa akin about nong nagsama kayo and he always asked me about you."

"Maybe he misses his Mom."

"And he sees that in you." Muntik na siyang mabulonan sa sarili niyang laway.

"And he's just a kid." Sabad naman ng mangkukulam sa tabi niya. "He doesnt know what he's talking about."

Is this real? Meadow's talking? Si lamig? At gusto niyang malipat ang usapan pero parang bumabalik sila sa iniiwasan niyang mangyari.

"But I know what I want." Patuloy ni Xedric ignoring his little sister. "I see something in you, gusto kitang makilala ng lubosan Jen if you'd let me."

Nagulat siya ng may humawak sa hita niya.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Xedric sa kanya.

Ngumiti siya rito ng alanganin.

"Oo, salamat. Titignan ko, Mr. De Lavego." Nagsitaasan ang mga balahibo niya ng maramdaman ang init ng kamay na nakapatong at nakapisil sa hita niya.

Tinignan niya si Meadow at patay malisya itong nakatitig ng malamig sa Kuya nito. What the heck is wrong with her?

"Masyado namang pormal ang Mr. De Lavego. Xedric nalang or Xed kahit anong gusto mo basta kung saan ka komportable."

Ngumiti ulit siya rito at dahan dahang tinanggal ang kamay ni Meadow sa hita niya. Nakakailang! Nakakahiya sa puri niya!

"Xed na lang." Aniya.

Dumating ang mga kape nila at nagmamadali siyang inubos iyon. Mas gusto na lang niyang malayo sa magkapatid na ito at magbantay sa labas magdamag.

"Tapos kana?" Takang tanong ni Xedric sa kanya. Tumango siya rito.

"Oo, excuse me. Magc-cr lang ako saglit." At nagmamadali siyang umalis doon pero nagpunta lang siya sa kabila para magpahangin at hindi mag-cr.

Namaywang siya at tinitigan ang liwanag ng buwan. What should she do? Ayaw niyang paasahin si Xedric. Kailangan na niyang matapos ang misyon niya para makalayo sa mga De Lavego.

Pagbaling niya ng pansin ay nagulat siya ng makitang nakatayo si Meadow sa harapan niya.

"Ano ba! Aatakihin ako sayo sa puso! Can't you-"

Her eyes widened when she felt a soft lips on her. Did Meadow just kissed her? Did she?!

"Goodnight." And just like that. Meadow's gone at siya? Naiwang nakatanga!





____
Bahala kayong mangisay diyan sa kilig 😂

Destined To Be Yours 2 (Completed)Where stories live. Discover now