Hindi ko alam kung kailangan niya pang sabihing wala siyang kasintahan. Hindi naman kinakailangan at mas lalong ayokong marinig.

Nakita kong napailing ang kaniyang pinsan at si Kyle. Si Yhumie na may nahihiyang mukha kaming tinignan. Si Angella naman wala lang.

Iniabot ni Anne ang kaniyang kamay sabay pormal ding nagpakilala.

"Anne Jelyn Sebastian" nakangiti niyang sinabi.

Inalalayan siya ni Phillip na maupo sa kaniyang upuan sabay ngiti pa rin rito.

"Order na muna ako" pagpapaalam ko sa kanila.

"Sama nako!" bibong sabi ni Phillip at saka tumayo at bumaling kay Anne.

"Anong gusto mo, Anne, sagot ko" sabi niya habang derektang nakatingin kay Anne. Hindi makatingin si Anne kay Phillip kaya nakisabat na ako sa kanilang dalawa.

"Ako na, Phillip. Saka alam ko naman ang palagi niyang binibili" deretso kong sinabi rito.

"Hindi, ako na. Sabihin mo nalang sa akin kung ano ang gusto niya para iyon ang bibilhin ko. Libre ko na din kayo" mayabang niyang sinabi sa akin.

"Ayos!" rinig kong sinabi ni Kyle.

Ang ulupong, basta libre!

"Yan! Dyan ka magaling. Sa libre!" sigaw sa kaniya ni Angella.

Nauna na akong maglakad sa kaniya papuntang cashier para mag order kaya siya ay humabol sa akin.

Nakarating na ako sa pila ngunit siya ay may kausap pa na iba. Mga estudyanteng nakikipagkilala.

"Bro, ano yung palaging binibili ni Anne?" tanong niya ng makarating sa pila sa aking likuran.

"Iyon" turo ko sa afritada sa kanan.

Pakiramdam ko napakasama kong tao dahil sinabi ko ang kabaliktaran ng kaniyang tinanong. Ang pinaka ayaw na ulam ni Anne ay afritada.

Lahat yata alam ko pagdating sa kaniya. Ultimo shampoo na ginagamit niya alam ko na aking binase sa amoy nito.

"Hindi pala iyan. Akala ko menudo" pagtatama ko rito.

Bumili siya ng samu't-saring pagkain na sa tingin ko ay hindi namin kayang ubusin. Halos maubos na ang paninda sa dami ng kaniyang binili.

Katuwang namin si Kuyang waiter sa pagdala ng mga binili niyang pagkain.

Dala ko ang iba. Ang dala naman niya ay ang kay Anne na pagkain lamang. Ang iba ay nasa katulong na naming magdala.

"Woahhhhh!" usal ni Kyle matapos makita kung gaano karaming pagkain ang aming dala dala.

"Tuwang-tuwa nanaman ang isa dyan" sabi sa kaniya ni Angella sabay irap.

"Phil, napaka dami naman niyan" sabi ni Ced sa kaniya.

"Oo nga naman Phillip. Para ng may fiesta sa dami ng iyong binili. Inubusan mo na ang iba" si Yhumie.

Hindi sila pinansin ni Phillip at bumaling kay Anne.

"Para sa iyo, Anne" sabay lapag ng pagkain sa harap ni Anne.

"Salamat" nahihiyang sinabi ni Anne.

Iaabot ko na sana ang binili kong tubig kay Anne ngunit naunahan nanaman ako ni Phillip.

San iyon galing? Hindi ko siya nakitang bumili ng tubig kaya nauna na ako ngunit hindi parin umubra.

Padabog akong napaupo sa pagkainis kaya kumain na lang ako ng mga pagkain sa harapan at hindi sila pinansin lahat.

"Bro, hinay-hinay lang" sabi sa akin ni Phillip.

Kung ikaw kaya ang mag hinay-hinay ano?

Sa inis ko sa kaniya ay hindi ko sya pinansin at nagpatuloy sa pagkain.

"Phillip, pwede bang ibigay natin ang ibang pagkain sa ibang estudyante? Wala na kasi silang mapagpipilian na madami kasi binili mo na halos lahat" suhestiyon ni Anne.

Alam ko namang nagpapasikat lang si Phillip sa kaniya. Pwede ring hindi dahil marami pala silang pera.

"Bakit hindi?" sabi niya sabay kuha ng ilang pagkain at tinawag ang ilang mga nakapila.

Binigyan niya ang iba ng pagkain na sosobra. Maging si Yhumie at Anne ay nakisali na din sa pamimigay. Ako nama'y patuloy pa rin sa pagkain.

"Tubig?" abot sakin ni Yhumie ng tubig na akin namang tinaggap. Muka naman siyang matino hindi gaya ng isa nyang pinsan.

"Salamat" ayun na lamang ang sinabi ko at uminom sa binigay niyang tubig.

Pinanood niya akong uminom ng tubig at aking pinagtakahan.

Nung mapansin niya sigurong nakatingin din ako sa kaniya ay nag iwas na siya ng tingin at bumaling sa kaniyang pagkain.

Tapos na mamigay sila Anne at halos sakto na lamang para sa amin ang natira. Na syang dapat dahil baka masayang lang kung iiwanan.

Pinagmamasdan ko kung paanong kinukulit ni Phillip si Anne na subuan siya na inayawan naman ni Anne.

Konti pa tignanmo!

Ngunit mapilit ang binata kaya wala ng nagawa si Anne.

Sila Ceddie at iba namay wala ring nagawa sa kakulitan ng kaniyang pinsan.

Sa sobrang pagkainis ay padabog akong tumayo sa lamesa sabay dampot ng aking mga gamit.

Kakawalang gana.

Minabuti kong bumalik ng classroom na lamang at makinig sa music sa cellphone para mahimasmasan.

To be continued.....

*****************************************
2Tarts
Just a Friend

[AN: Short update muna kasi medyo busy pero babawi ako next time]

Just a Friend (On-Going)Where stories live. Discover now