"Ma, take some rest. I'm here, okay? Matulog na po muna kayo." I think that's the only way for her to refresh her mind. I kissed her forehead and then accompanied her to her room.

Gabi na at kahit ganoon ay mukhang walang balak na umalis si Jacob sa bahay. I joined him outside of the house. Nakaupo ito sa bench habang pinapapak iyong heart shaped cookies na galing sa ref.

He tapped the other side of the bench and I sat there. Pansin kong magulo na ang kanyang buhok tapos hindi man lang siya nag-abalang ayusin iyon.

"Nakapagpahinga na ba si Tita?" tumango ako. He drank the water beside him and yawned.

"Napagod ba kita, Jake?" I asked him. Natawa ito sa naging tanong ko.

"Kahit kailan naman, hindi mo ako napagod. Pagdating sa'yo, ewan, lagi akong may enerhiya. I can do anything for you," he answered. Napatitig ako sa kanya ng matagal.

Iyong anggulo ng kanyang mukha ay naka side view mula sa akin. Nakatingin siya sa labas habang ako naman ay sa kanya.

"Alam mo bang gusto kong magalit kay Alonzo? Sa ginawa niya sa'yo?" I didn't say a word. Nakinig lang ako sa kanya. "Alam mo bang gusto ko siyang gulpihin at ipamukha sa kanya ang iniwan niya? You're not worth leaving, Phoebe. Malaki ang sinayang niya."

Looking from his angle, I can see his sincerity and his protectiveness over me. Handang laging nasa side ko basta't malaman lang na nasaktan ako.

I've never seen him hurting someone before in front of me. Hangga't maaari ay wala siyang ginagawang kabulastugan hangga't nasa tabi niya ako.

But his tone now is way different. Matinding galit dahil lang sa nalamang balitang isiniwalat ko sa kanya.

"I know that you can't do that. Hindi ka marunong manakit, 'di ba?" Natawa siya ng bahagya.

"Ganoon na ba ako kabait sa'yo? But honestly, hindi naman talaga ako marunong manakit lalo na kapag mahal mo iyong isang tao. Natatakot akong manakit ng isang tao kapag ang taong iyon ay minsan nang nagpasaya sa'yo. I don't have any courage to see you crying just because I hurt the person you love."

Hearing that from him made me have a tiny smile on my face. Hindi niya iyon nakita dahil mabilisan niyang tinungga iyong tubig. He ate the last piece of cookies before giving me his attention.

"Pero minsan, alam mo bang ang sarap manakit ng mga taong nanakit din sa'yo? Kaso naalala kong, baka pati ako, madamay sa mga taong kamuhian mo. Ayokong mangyari iyon. Kaibigan kita, eh," he added. "Basta kapag kailangan mo ako, hindi naman ako tatakbo. I will be here for you, baby."

Ako naman ang nangunot ang noo. I was surprised by what I've heard.

"What? Did you just called me 'baby'?" tanong ko na nagpalaki sa kanyang mata.

"Ano? Hindi, ah. Phoebe sabi ko, hindi baby. Maglinis ka nga muna ng tenga mo. Kung ano-ano na ang naririnig mo."

"No. I clearly heard you, Jacob. You called me 'baby'!" I argued.

Ilang beses itong napailing, hindi tinatanggap ang naging paratang ko sa kanya. He clicked his tongue, making a sound before standing up. Iniiwasan niyang madinig ang katagang 'baby' mula sa akin.

He mentioned it earlier so why ignore while hearing it from me now? Bakit parang naiilang itong marinig sa akin?

"You heard it wrong. Alam mo, matulog ka na muna. Lumalalim na ang gabi. I need to go home then by tomorrow, I will be here to help you. Parating na rin iyong mga pinsan mo bukas kaya sige na, magpahinga ka na rin," he said. Hindi na ako nakapagreklamo kaagad dahil kaagad niya akong dinala sa kwarto.

Inayos niya ang higaan ko saka ako iniwan doon.

I felt alone again. Kahit papaano ay sa pamamagitan ng kanyang presensya, napagaan ng kaunti ang kalooban ko. Now that he left me, everything suddenly came back.

I woke up the next morning feeling the heaviness of my heart. Knowing that this day will bring some sadness to me again. Naroon din ang kaunting pagod kahit na wala pa man akong ginagawa.

My cousins arrived and they gave me a hug. Ramdam na ramdam ko rin ang kanilang pakikiramay sa amin at pagdadalamhati. My grandparents are with them. Ganoon din ang kanilang ibinigay sa akin.

Then my father's body inside the coffin arrived. Pinigilan kong huwag humagulhol sa tulong ng suporta sa akin nina lolo't lola. My cousins helped to set up everything.

Hinayaan ko ang sariling masanay sa pagpipigil ng iyak, huwag ko lang maipakita kay Mama na masyado akong mahina sa ngayon. I refused to look what he looked like from the inside. Nakuntento na lang sa pagtitingin ng kung ano.

Nilapitan ako ni Jha saka hinawakan sa balikat. He gave me a small smile and then decided to comfort me.

"Condolence, cous. Hayaan mo, dito kami matutulog hangga't sa maging okay ka." I like his idea. Gusto ko rin naming may kaunting ingay dito kahit papaano sa bahay.

My other cousins joined us. Mga malulungkot ang kanilang mga mukha habang sinasabi ang 'condolence'. They brought their bags and some other things. Naka-prepare na rin naman iyong guest room para sa kanila.

"Salamat sa inyo. You know that I can't always be the Phoebe you're all seeing. Mahal ko kayo," I assured them with a smile. They can't make a joke in front of me because they know what I'm feeling. Mas pinairal nila ang kanilang kaseryosohan sa ngayon.

"Always mind that we are all here for you. Pamilya mo kami kaya sana, huwag ka nang malungkot. You lost your father but that doesn't mean that you'll give up. Nandirito kami. Maraming nagmamahal sa'yo," Sam said seriously. I can sense that they really made a practice for this dialogue. Pero kahit ganoon naman, ramdam ko ang sinseridad.

"Syempre, lalo na iyong isang nagmamahal sa'yo. For sure, he did his part in your life. Kaya kung ako sa'yo, magpapakatatag ako kasi lahat ng nagmamahal sa'yo, nasa paligid mo lang," Chance assured me and tapped my shoulder.

They're the best cousins after all.

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now