Hindi ko alam kung paano ba tatakbo ang buhay ko nang hindi na siya nakikita pa. I don't know if my life will still be the same.

Pinagbuksan ako ni Jacob ng pinto. He let me entered our house. Binalot na naman ng kadiliman ang paningin ko nang mapansin ang ilang mga gamit ni Papa na nasa sofa.

"Bakit nandito lahat 'to?" mahinahon kong tanong. Nadinig ko pa ang tunog ng pagkakasarado ng pinto bago ako nasagot ni Jacob.

"Dinala lang ni Tita siguro 'yan dito. Maybe she has a purpose on that? Hindi ko lang sure," sagot niya. Tumango ako saka inilihis ang paningin doon bago dumiretso sa kusina.

Sumunod ito ng mabilisan sa akin saka imbes na ako ang magluto ng makakain, siya na ang nagpresinta. I let him cook some food for us. Siguro ay nag-aalala lang din ito sa naging kondisyon ko kanina.

"Nga pala. Saan si Alonzo? Hindi niya ba alam na nasa hospital ka? Hindi ba nag-aalala iyon sa'yo?" he asked in the middle of cooking. Nahihimigan ko sa kanyang tono ang kaunting inis.

Napahigpit ang kapit ko sa upuan nang madinig ang kanyang pangalan. He has no any idea of what happened to us. Na bago ako makarating sa hospital ay nagkahiwalay kaming dalawa.

I cleared my throat. Pinigilan kong maging emosyonal na naman.

Masyadong masakit ang idinulot sa akin ng araw na ito. Hindi inisa-isa. Talagang itinaon pareho sa isang araw.

"We broke up earlier. He decided to leave me and go abroad for his studies," kaswal kong tugon na nakapagpatigil sa kanya. His brows furrowed. Naroon na rin ang kaunting inis sa kanyang mukha na biglang lumitaw lang.

Itinuloy niya ang kanyang pagluluto, tinapos at pinaghain ako bago ako hinarap at binato ng mga nagtatanong niyang mga tingin. His jaw clenched. Mas lalo lang nadepina ang kanyang panga sa ginawa niyang iyon.

"Hiniwalayan ka niya? Ano bang tingin niya sa'yo? Makakaistorbo ng tuluyan sa kanya?" I shook my head. Pinahiran ko ang munting luhang tumulo sa akin.

"No, Jake. I supported his decision. Wala naman kaming bigat ng loob sa isa't isa bago naghiwalay. Ayos na iyon sa akin," pampalubag loob ko sa kanya.

"Wala kayong bigat ng loob? Eh bakit napapaiyak ka sa kanya? Is that the consequence of having a future doctor boyfriend? Ganyan ba ang nadadala?" inis pa niyang natanong sa akin, napasubo ng matigas bago iniwas ang tingin.

I bit my lip and then slowly ate my food together with him. Handa ko namang kalimutan iyon.

"Hindi ka ba naglugaw?"

I rolled my eyes and wiped another tear. "Please don't say some jokes, Jake. Alam mo kung anong pinagdadaanan ko ngayon," suway ko.

"Tsk. Hindi. Kaya pala lately ang lamig na ng relasyon niyo. Ang gagong iyon, mukhang sinayang lang ang pinangsorpresa mo sa kanya, ah? Hindi ba niya nagustuhan ang sunflower na choice ko?"

I ignored what he said. Itinuloy ko ang kain saka hindi na nakinig sa kanyang mga pinagsasabi. Patuloy lang akong nababalutan ng lungkot sa ngayon.

When we finished eating, he decided to join me until my mother finally arrived. Jacob helped her to sit first and take some rest. Maski ako ay nararamdaman ang lahat ng kanyang pagod.

Kung mayroon mang mas nasasaktan sa amin ngayon, si Mama iyon. Kahit naman naghiwalay silang dalawa, alam kong malaki ang naging parte ni Papa sa buhay ni Mama. They're my parents.

Hinayaan kong mayakap lang si Mama upang kahit papaano ay maibsan naman ang kanyang lungkot. He held me tight. Napahinga ng malalim, indikasyon na tila pagod na sa lahat.

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now