"Ha? Wala, ah." I lied. " Stop messing around and just mind your own business."

"Business? Wala pa akong business, eh. Sigurl after 8 or 10 years merom na, ikaw ba may business k—"

"Shut the fuck up." His pretty eyes looked straight at me, as if they're telling me how annoyed he is right now.

Nawala lang ang nakakatakot niyang tingin ng dumating na ang order namin, natawa naman ako ng mahina nang kumunot ang noo niya ng makita ang order ko.

"This is crazy, let's do the task then aalis na ako." Nawala naman ang ngiti ko sa narinig, grabe 'to si Aiden, atat lang? Wala pa ngang 5 minutes yung pagkain sa lamesa namin, eh.

"Ano ka ba Aiden, kumain ka nga muna. Hala tignan mo, oh! Ang cute ng fillet mo, sawsaw mo sa gravy!" Excited kong itinuro ang gravy sa kaniya.

Imbis na kumilos ay tinitigan niya lang ang gravy na parang ayon na ang pinaka hindi cute na sawsawan sa mundo. Ano bang akala niya? Mang tomas yung gravy?

"Wait lang Aiden, ah." Tumayo ako at akmang aalis ng magsalita siya.

"Where are you going?" tanong niya dahilan para matawa ako. Sus.

"Bakit miss mo agad ako?" nang-aasar na bawi ko.

"What? Did you hit your head or something?"

"Oo, kaya ayan tuloy baliw na sa 'yo, nagkulang ata laman ng isip ko at napalitan mo," humagikgik ako pagkatapos sabihin iyon.

"Insane."

"Kukuha lang ako ng gravy, gusto mo ba?"

"Ayoko."

"Edi don't." sagot ko na kinakunot ng noo niya. Natawa naman ako ng malakas kaya nagtinginan ang iilang taong dumaraan sa tabi ko.

Dumiretso na ako sa machine ng gravy at kumuha ng nilagyan ang isang lagayan ko. Mainit pa ito kaya siguradong masarap ito lalo na sa kanin. Nang makabalik ako sa lamesa namin ay dumiretso ako sa pagkain ko at ibinuhos ko ang hawak kong gravy sa kanin ko.

"What are you doing? Sawsawan pa ba ’yan o sabaw na?"

"Both." Pumalakpak pa ako matapos kong buhusan ng gravy ang kanin kong parang sinabawan na ngayon.

Mukang nawiwirduhan siya sa'kin kaya tinry kong buhusan ng gravy yung kanin sa plato niya.

"What the hell?!" gulat na sabi niya ng makitang binuhusan ko ng gravy ang plato niya. "Why did you do that?"

"Try it, wala namang mawawala," pamimilit ko.

"I knew it. You'll just ruin my day, can't you just do what you need to do at huwag akong pakialaman?"

"Aidenn, masarap nga 'yan, promise. Tikman mo kasi!" Pangbabalewala ko sa sinabi niya.

"Fuck, I shoudn't be here."

"Kailangan ng proof na kumain tayo ’di ba? Kain ka na!" Bigla kong pagsali sa excuse kung bakit nandito kami.

Parang nandidiri pa siya sa sa pagkain niyang sinabawan ng gravy, kunot noong kinuha niya ang spoon at kumuha ng sapat na rice na may gravy bago iyon isubo.

Noong isinubo niya na ang pagkain ay kinuhaan ko siya ng litrato at sinabing kailangan iyon. Pinagmasdan ko ang pagnguya niya pati na rin ang expresyon ng mukha niya habang kumakain.

Grabe pati pag nguya gwapo pa rin.

Nakita kong nagbago ang ekspresyon ng mukha niya kaya natuwa ako lalo na nung sumubo pa ulit siya ng isa.

"Oh kitams masarap 'di ba!" proud na sabi ko habang pumapalakpak.

"No, it's not." Tanggi niya bago uminom ng tubig. Sus, hindi raw pero sumubo ulit ng pagkain. Mga galawan ron nito ni Aiden, eh. Ganito ba mga mayayaman, hindi umaamin kung masarap kinakain.

"Ako na ang gagawa ng powerpoint na ipapasa kay Sir. Just please don't bother me. I hate annoying people." Ani niya. Tumango naman ako.

End of flashback.

Natawa ulit ako nung maalala ko 'yon but at the same time kinilig din naman. Kahit na planado nag nangyari ay masaya pa rin ako lalo na at nakasama kong kumain si Aiden.

Kala mo kung sinong pogi, pogi naman talaga.

Hays sana naman i-crushback niya na ko, promise magpapakabait ako pag gano'n.

Ako na maghuhugas ng plato araw araw kapag nagustuhan niya rin ako. Kahit malinis na plato, huhugasan ko.

Kinuha ko ang cellphone ko ng maalala siya. I have his number kaya madali ko lang siyang matetext kung gugustuhin ko.

Aiden<3

Hello my Aideeennn!

Nang hindi pa siya nagrereply ay pumunta muna ako sa instagram. Ang sabi niya kasi kanina ay nagawa at naipasa niya na ang task na pinagawa sa amin ni Sir kahapon, nang magreply naman ako ay hindi niya na pinansin at iniwan na lang na naka seen.

Habang hindi pa siya nagrereply ngayon ay ini-stalk ko muna siya para tignan kung may bago ba siyang post. Yes, updated ako sa mga posts ni Aiden 'no! Ngayon nga wala siyang post. I decided to take a look na lang sa old posts niya.

His last post is view of boracay. Maganda ang view na nakuhaan niya dahil sa may tabing dagat ito, simple rin ang caption niya.

Sunset.

Ang pangalawa naman sa post niya ay litrato ng mga ulap, ang ganda ng kulay ng langit doon dahil may pagka kulay pink siya at nakuhaan niya pa yung mga ibon na lumilipad. Ang ganda ng mga ulap, parang cotton candy na ginawa lang design sa langit.

Clouds & pink sky

At yung last at pinaka una niyang post ay buwan naman, madilim ang kalangitan doon at kitang kita sa litrato ang mga bituin na parang dyamante sa kinang na nagkalat sa paligid ng maganda moon. Napaka liwanag ng lahat ng nandoon na parang sa litrato man ay kitang kita na ang eksaktong itsura nito.

Laluna

Tatlo lang ang litratong laman ng account niya, puro pa view ng nature. Wala manlang mukha niya na naka post dito. Pero ayos lang dahil kung may bagay man kaming pinagkapareho ay ang hilig namin sa langit iyon.

Inaaral ko ang astronomy dahil sa interes ko rito, hindi ko lang alam kung si Aiden din. Pero sigurado akong mahilig siyang kumuha ng mga litrato ng kalangitan, parang photographer nga siya dahil cellphone lang ang gamit niya pero napaka linaw at ganda ng resulta nito.

Naalala ko bigla ang unang pagkikita namin, may kinalaman din kasi sa night sky ang unang pagtatagpo naming dalawa.

Before This Moment Is OverDonde viven las historias. Descúbrelo ahora