I removed my gaze to him and put it back in front instead. Naabutan ko ng tingin ang mga batang nagtatakbuhan habang hila-hila ang malalaking net na naglalaman ng cherry blossoms.

Nangolekta na naman siguro ang mga ito sa riverside.

"Oi! (Hey!)" pang-aagaw ko ng pansin sa isang bata nang makita ang pagkalat ng mga bulaklak sa lupa. Butas iyong net niya!

Napatitig na lamang ako sa mahamog na langit nang hindi ako nito narinig at sumige pa sa pagkaripas ng takbo. Hindi bale na lang. Wawalisin ko na lang iyon bukas.

I shivered when the cold post-winter wind of Kyoto blew.

No matter how great my hate is for spring season, I will always choose it over the all-year-hell-season in Philippines.

Kaya nga umalis ako roon. Kaya nga tinalikuran ko.

Hindi lang kasi balat ko ang kayang pasuin nito. Pati na ang puso ko.

"Rhett doesn't deserve to know that he has a child with you. Magpakalayo ka at taguan mo ng anak. Bullshit siya! He's an asshole! Cheater!" Ellaixa tried to console me by badmouthing Diamond.

But it didn't help.

Pagkatapos ng tawag ay agad siyang dumiretso sa unit ko. Naglalagablab na puyos ang bitbit niya pagkarating. Mas matindi pa ang galit niya kaysa sa akin.

Hindi naman na kuwestiyon pa iyon. Because the pain is outweighing the anger I am feeling. Nangingibabaw ito. Nilulunod ako.

"K-Kakausapin ko s-si Diamond... I-I'm gonna tell him about o-our child."

Napabitaw si Ellai sa akin. Hindi niya ako makapaniwalang tinignan.

"What?" Her forehead formed deep creases. "Don't!"

"Hindi ko puwedeng basta-basta na lang itago sa kaniya ang bata, E-Ellai... He has the right to know-"

"Oh, sige. Sabihin nating nasabi mo na sa kaniya. Oh tapos? Papayag ka na hindi lang ikaw ang aasikasuhin niya? Na may iba pang babae? Na ang kapatid mo pa?"

That shut me up.

"Riem, you're not blind. You're not dumb. All of your senses are still completely fine. Kitang-kita naman natin ngayon kung sino ang mas pinili niya, kung na kanino siya ngayon," aniya sa pagak na tinig. "Habang umiiyak ka ngayon, iniisip ang pagtataksil na ginawa n'ya sa'yo at kung ano'ng gagawin mo sa anak ninyo, naroon siya kay Ate Dyana at tinatahan niya ang babae. So fuck it. Don't you ever say again that he has the right to know about the baby!"

Napatitig ako sa tiyan ko habang masalimuot na dinarama ang saksak ng mga salitang binibitiwan ng kaibigan.

I want to stitch her mouth so she'd stop hurting me but her way of hurting me makes sense. Lahat ng sinasabi niya ay may punto. Masakit pero totoo.

I buried my face onto her shoulder when she positioned in front of me and hugged me tightly. She tapped my back continuously as she wept with me.

"I-I'm sorry. I-I didn't mean to hurt you. I just don't think he deserves you and the b-baby. Sorry, R-Riem."

"N-Naiintindihan naman kita, E-Ellai. P-Pero kasi... n-nakita ko na ang sarili ko na kasama siya at ang magiging mga a-anak namin." I wailed harder. "I've a-already planned where we're gonna build our h-house... h-how many children I want with him... M-May naisip na rin nga akong pangalan ng mga bata, E-Ellai... D-Dalawa 'yung naisip ko... P-Pambabae at saka p-panlalaki. T-Tatanungin ko na lang siya kung o-okay lang sa kaniya 'yung mga naisip k-ko..."

"Shh..."

"Noong nakaraang linggo, iniisip ko, s-sino kaya ang mas kamukha ng anak namin? S-Siya ba? O a-ako?" I gasped. "P-Pero ngayon, ang naiisip ko... s-sa anak niya sa akin at kay Dyana... s-sino kaya ang magiging mas kamukha n-niya?"

Art In His Breath (Japan Series #2)Where stories live. Discover now