Malalim akong napabuntong-hininga.

"Hindi ako sigurado sa parteng iyan..."

"Come on, I know you know she'll understand it. It's just your nervousness speaking." Dumako naman ngayon ang kamay niya sa kamay kong pinagkukukurot ang mga palad. He inserted it in between so mine would stop from pinching one another.

Halinhinang kiniskis ng hinlalaki niya ang aking mga palad. Nagdulot iyon sa akin ng mumunting kiliti. I bit my lip.

"P-Paano kung hindi payag sa atin ang Momm? Kung hindi niya tanggap? P-Paano kung sabihin niya na... ipaubaya na lang kita sa kapatid ko? Na makipaghiwalay ako sa'yo at ilakad si Dyana–"

The car's halt caused me to stop talking. Sumilip ako sa labas at nakitang nakahinto ang sasakyan sa kanto ng kalye kung saan naka-locate ang bahay. Ini-scan ng mga mata ko ang kabuuan ng lugar at nakitang walang masyadong tao.

Bumuga ulit ako sa hangin.

Hindi ko na itutuloy ang sinasabi. Halata namang sinadya ni Diamond ang biglaang preno ng sasakyan.

Magpapaalam na sana ako na bababa na at lalakarin na lang ang distansya patungo sa destinasyon nang biglang nagsalita ang kasama.

"Let's say that'd really happen." Pinaglakbay niya ang dila sa ibabang bahagi ng labi, diretso ang tingin sa akin. "What will you do?"

I registered a grim expression.

"Then, I guess I have no choice but to follow her. I'll break up with you and let my sister–"

Binawi niya ang kamay niyang nakahawak sa akin.

Hala. Nagalit, oh.

My lips gradually parted.

"Dayamanti Riem, are you serious–"

He was cut off by my chuckle.

I unlatched my safety belt and pressed my palms against my stomach to terminate the pain in there as I continued to laugh. Sumeryoso lang ako nang pag-ikutan niya ako ng mata at tinagilid ang katawan. Ayaw pakita at nayayamot.

Naku... Paano ko kaya ito paaamuhin?

Wala sa oras na nilawayan ko ang labi nang may pumasok na ideya sa isip ko.

I stood up a little then knelt on my seat, shifting my position to face the man sitting upon the driver's seat. Napabaling si Diamond sa akin nang kumapit ako sa headrest ng upuan niya at sa top dashboard sa kaniyang banda.

I took it as a cue to kiss him on the cheek when his chinito eyes dilated in shock with the diminutive distance between our faces. Sinundan ko iyon ng isa pang patak ng halik ngunit mas madiin.

Bumalik ako sa upuan at umayos nang unti-unting bumalantok ang kanto ng kaniyang labi. Palihim akong nangiti nang pilit niyang ikinubli iyon.

He probably doesn't want me to figure out that a kiss from me can tame his anger.

Poor Diamond. I have figured it out.

"Hindi, siyempre. Nagbibiro lang ako." My mouth formed a grin when I saw him stifle a smile over again. "Hindi ako suwail na anak. Pero kung ikaw ang dahilan ng pagsusuway ko, e 'di sige. Magpapakasuwail na 'ko. Alam ko naman na magiging worth it. Isa pa... kaka-balikan lang natin. I don't want to lose you again."

Walang kurap na sumeryoso ang ekspresyon niya.

"Likewise. I never want to lose you again."

My heart skipped a beat. Or maybe... more than just a single beat. I don't know, really.

Art In His Breath (Japan Series #2)Where stories live. Discover now