"H-Hindi, ah!" pagtatanggi ko sa inanas niyang katotohanan.

Pinagtawanan niya ako bago idinerekta sa ibang paksa ang pinag-uusapan.

"So... he spent his night here, huh..." makahulugan ang buka ng kaniyang bibig. Kinagat-kagat pa niya ang pang-ibabang labi.

Bumulusok ang kahihiyan at pamumula sa bawat sistema ko nang mahimigan ang paparating na delubyong hatid ng bulgar niyang bunganga.

"May nangyari ba? Like... you know..." She formed a hole in her hand like she was grasping a pipe and inserted a finger in it then pull it out and did it again and again. "Tuhogan?"

Halos mabilaukan ako. "Ellai!"

"What?!" natatawa niyang balik. "Hindi ako naniniwalang walang nangyari! Inosente ka, Riem, pero iba ang naidudulot ng lalaking malakas ang sex appeal! 'Ge nga, 'ge nga! Sabihin mo sa akin ngayon din na walang nangyari!" hamon niya.

My face heated more.

"Look! Look at the mirror! Look at the mirror! Your face is so red it surpassed the redness of chili!"

"Manahimik ka nga..."

"So natry mo na ba ang cowgirl?" Seryosong bumalantok ang kilay niyang kuryoso. "Cowgirl's the best! I bet you haven't tried it! Go steer the sex, girl!"

"Dios ko ka, Ellaixa..." Napasapo ako sa aking noo. Sumasakit na ang ulo ko. "Hinaan mo ang boses mo."

"Pinaparinig ko nga, e!" pabulong ngunit marahas ang paraan ng pagkakawika noon.

My eyes enlarged to its extremity. Noong una ay nakadirekta iyon sa kaibigan. Pero nang pumasok sa bisyon ko ang lalaking nakaputing dress shirt, wala ni isang boton ang nakabutones kaya't litaw ang nagtitigasan at naggagandahang hulma sa sikumura, awtomatikong doon dumikit ang aking paningin.

Recalling how I ran my fingers through those abs last night, I wanted to die in incomparable mortification. Tumikhim ako at ibinaba na lang sa wooden tray na hawak niya ang tingin.

"Hi, Rhett!"

Umupo sa tabi ko ang lalaki at saka inilapag ang tray na may dalawang baso ng juice sa lamesita sa harapan. Tinanguan niya ang babaeng nasa single seater sofa na nasa gilid ko lang at saka sinuot ang kamay sa likuran ko, pinapalupot sa baywang.

Kitang-kita ko kung paano numipis ang espasyo ng paningin ng babae sa ginawang pag-aangkin ni Diamond.

"Mage-FC na 'ko towards you, ah! Boyfriend ka naman pala nitong friend ko!" aniya't napahagikgik.

Wala pa namang masamang kinikilos ang kaibigan ko pero hiyang-hiya na ako. Hindi ko alam kung bakit.

Diamond nodded his head and agreed.

"So... ang pinag-uusapan namin, Rhett, is sana ay mabigyan mo ng chance ang kaibigan ko na i-lead ang–"

I grabbed a glass of juice and rapidly handed it to her so she would stop talking. Kung hindi ko napigilan ang sarili ko ay naibuhos ko iyon sa kaniya. Minulagatan ko muling siya ng mata.

"Manahimik ka, ah!" I mouthed as I reached for the other glass. Napainom ako nang wala sa oras.

"What?" si Diamond na naguguluhan dahil sa naputol na sinasabi ng kaibigan. "Chance to what?"

Sisimsim pa lang ng inumin ang babae ay kaagad na itong bumulwak ng nakabibinging tawa.

"W-Wala lang 'yon!" I was the one who answered. Iniliko ko nang matulin ang usapan bago pa ako maunahan. "Wala kang juice? Nasaan ang juice mo?"

Art In His Breath (Japan Series #2)Where stories live. Discover now