"Uh... maiwan ko muna kayo," utas ni Geraldine na gatal ang noo sa lalaking nakaluhod sa harapan ko. Through a deep scrutiny, I could say she was trying to recall where and when she saw him.

"Come back and let me know when the police arrives. Thank you," si Diamond. 

"O-Okay..." Isang tango at lumisan siya kaanod ang batalyon na nakatanaw sa amin mula sa malayong distansya. Kasama nila si Yuki na parang lantang gulay, nagpapahid ng dugo sa mukha. Sa ayos at lagay niya ay hindi mo na iisiping magbabalak pa itong makatakas. 

As soon as the two of us were left alone in the room, silence permeated. The only thing I could hear was the man's complication in breathing, my soft gasps and sobs, and the slight sound of the music outside. 

"We will just report the bastard to the police and we can go home." 

Tanging tugon ko ay singhap habang wala sa sariling nakasulyap sa mga mata niyang nayayanig. The wrath his eyes was flaunting earlier gradually faded. It was replaced by a twinkle of melancholy. 

Ang kalambutan ng kaniyang titig ay nagbigay ng kapayapaan sa akin. Ngunit hindi sapat upang pumayapa ang pagkataong ginimbal ng pangyayari sa gabing ito. 

"I-I'm sorry I was late," sambit niya sa pagak na tinig. Pinagtambal ang huni ng pagsisisi at pasuwit ng pangungupinyo na nakadirekta para sa sarili. 

Mula sa mga palad na halos magsiduguan sa mga kurot ay inakyat ko ang tingin sa kaniya. Lubhang nanikip ang dibdib ko nang makita ang panunubig ng kaniyang mga mata. 

"I'm sorry... I..." Bumigat pang lalo ang kaniyang paghinga. "I am sorry I hesitated to follow the two of you here when he was forcing you to come i-inside." Mahigpit ang ginawa niyang paglunok. 

"I'm sorry I let him come near you. I shouldn't have done that."

I captured my lower lip and chewed it to hinder my tears from tumbling down but tasting blood from my lips didn't help at all. Kahit na pugtong-pugto na ang mga mata ay hindi pa rin ito pumepreno sa pagluha. 

"G-Gustong-gusto kitang bawiin noong una pa lang..." Gumaralgal ang tinig niyang basag na basag na. "Pero sa tuwing nagtatangka ako... naaalala ko na ikaw na nga pala ang mismong nagpaalis sa akin. Ano bang magagawa ko? Si Dayamanti ka, e. Alipin mo ako, e. Kahit na masasaktan ako sa gusto mo, gagawin ko pa rin."

"S-Sorry," balik ko ngunit tumunog buntong-hininga lang iyon dahil sa malala kong pag-iyak. 

"It's okay... It's okay..." alo niya. Hindi ko lang alam kung para sa akin ba iyon o para sa sarili... o para sa'ming dalawa. I hardened a bit when his both hands suddenly cupped my cheeks and its thumbs started drying my tears. "Dayamanti, kahit papuntahin mo 'ko sa kabilang panig ng mundo, tatalima ako. Isa lang naman ang hiling ko..."

Ang pag-alis niya ng kamay sa akin ay malakas na sampal ng pangungulila. Ngunit ang paglipat ng mga iyon sa mga kamay ko, pinaghihiwalay at tinitigil mula sa pananakit sa isa't-isa, marahang hinahaplos na animo'y mababasag kung malalapatan ng diin, ay siyang pag-usbong ng silakbo ng kagalakan. 

"Huwag mong hayaan na masaktan ka ulit. Iyon lang, Dayamanti. Iyon lang..."

At tuluyan nga akong nagulila nang bitiwan niya ako't umalis sa harapan ko. 

Nang mapag-isa ako sa silid ay nagpatuloy ako sa naging hobby ko sa gabing ito. Ang umiyak.

Sobrang bigat ng loob ko habang itinataas ang mga paa sa upuan at mahigpit na niyayakap ang mga tuhod. Inalo ko pa ang sarili na magiging ayos ang lahat sa pamamagitan ng pagtapik sa mga braso. 

Gusto ko rin iyon, Diamond. 

Gusto rin kitang bawiin.

"Kinakausap noong lalaki iyong mga pulis. Pinapunta n'ya ako rito at pinapatanong sa'yo kung okay lang ba na magreport ka? They need the details."

Art In His Breath (Japan Series #2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin