Ang kalahati sa akin ay hindi sapat maisip na alam ni Diamond ang kasunduang binuo ng loko-loko niyang pinsan. Looking back at our past interaction, he surely wouldn't want to see me again! 

"Hindi yata, e. Sabi kasi ni Dan sa akin pa-birthday gift niya raw iyong painting sa pinsan niya."

"Birthday gift?"

"Oo! Ang tanga, 'di ba? Bithday gift niya kay Rhett pero pakikilusin pa niya? Parang binigyan lang niya ng pera at inutusan na bumili ng regalo."

Napahaba ang nguso ko at napatango. 

"Hindi ko alam sa Dan na iyon! Matalino kaya 'yon! Nag-summa pa nga noong college! Kaso noong iwan siya noong babae niya, nagkanda-letse-letse na ang buhay. Buti nga at nakamove-on na ngayon. Tatanga-tanga nga lang," sambit niya at bumungisngis.

Hindi ako natawa. Sa halip, nakaramdam ng awa. 

"Hindi talaga alam ni Diamond ang tungkol dito? Paano mapapapayag ni Dan iyon?" tanong ko pa.

She placed her phone to a table near her and rested her chin on the pillow, letting go of her problem and revering the tranquility the spa room was offering us. 

"How would we know if you're not going to accept the client? Tanggapin mo para malaman mo?" Sumilay ang ngisi sa kaniya at inarko-arko ang mga kilay.

I removed my eyes at her and exhaled. Hinaplos ng tingin ko ang mga scented candles na nasa tapat. Ang kulay ay napakalamlam na tila gumitaw ang sunset sa silid. 

Kung pumayag na kaya ako? Sa oras kasi na malaman ni Diamond na ako ang artist na magpipinta sa kaniya, sigurado namang hindi iyon papayag at tatanggihan ang regalo ng pinsan niya. He'll back out and that's for sure. E 'di ang saya? Hindi man maipinta si Diamond, at least napapayag ako ni Ellaixa na um-oo. Ibig sabihin lang noon ay maipinta man ang kliyente o hindi, nasa kaniya ang boto ni Dan sa nominasyon sa magmamana ng kanilang kompanya.

"I'm accepting the client," anas ko na siyang ikinatulos ng kaibigan sa kinalalagyan. Namimilog ang mga mata niya, kasing-bilog ng hulma ng nakabukas niyang bibig. Hindi siya nakapagsalita sa kabiglaanan. Nakatitig lang siya sa akin, hindi makapaniwala na napapayag ako. "Pero ikaw na ang kumuha ng details, ah? I-schedule mo ang session next week. At... pakisabi na lang na hindi open ang nude painting... s-sa mga lalaki..."

Puwersahan akong tumikhim nang madama ang pag-iinit ng mga pisingi pababa sa batok. 

"Okay! Okay! Deal! And I promise you I'm gonna set you up on a better blind date than your supposed date after this stressful happening!"

There is no best way of doing things. That's what I keep in my mind. Decision-making is the hardest part of life. Because making decisions means molding the future using your very own hands. You will be the one who is going to construct your own fate. If you chose the right thing, keep it up. And if you chose the wrong one, learn. We cannot stop ourselves from commiting mistakes. Hence learning is a never-ending process. It is never finished.

The society has developed the mindset that if you failed at this certain thing, you're not good at it at all. But the truth is, you are failing because there's so much more ahead of you. Preeminent lessons and experiences are waiting for you, which will never wait for those who got into the crest without undergoing hardship. 

So what if I committed a mistake? So what if I selected the wrong choice? 

Kung mali ang hindi ko pagtanggi at hindi pagsubok na layuan si Diamond, ano naman? Ang mahalaga ay hindi ko tinakbuhan. Matututo naman ako sa huli. Magiging sulit naman ang aral na mapupulot ko sa huli. 

Art In His Breath (Japan Series #2)Where stories live. Discover now