25 // Love Inconvenience

Magsimula sa umpisa
                                    

Patago at paulit-ulit kong inaayos ang buhok ko. Ayokong mag-ayos ng sarili sa harap niya, ano!

"Yo, don't clean!" suway ko nang kunin niya ang isa pang cloth para magpunas.

"Why?" he asked and innocently put down the cleaning cloth. "Ayaw mo? We can go home sooner."

"Uwi ka na. Rest."

"I'll only go home if you will." He shrugged with a playful smile on his lips.

"Bakit, nasa 'kin ba ang paa mo?" I pouted and averted my gaze to the ceiling. Sana pakiligin niya ako. Kekeke!

"No, not that."

"Oh, e ano—"

"Puso ko."

Kumindat pa siya, and that's when I lost it! I growled like a tiger cub and he only got more amused.

Hindi talaga ako sanay na ganito siya pero gustong-gusto ko. Nakakaiyak, pero deserve ko 'to! Char.

Hinipan ko ang humaharang na buhok sa mata ko. He stood behind me. And without warning, he drew my hair tie off. Napapataas pa ang balikat ko dahil sa kiliti, pero pinipilit kong hindi magmukhang affected.

"Wait. Do you know how to do that?" I asked, my cheeks flushing red!

"First time," he confessed.

Kinakagat ko ang labi ko para hindi lumaki ang ngiti ko. Hinahayaan ko naman siya kasi gusto ko rin naman. Ang hinhin ng galaw niya, parang sobra sa pag-iingat. Hngg~

He tried to scrape my hair to tie it in place, but he struggled because his grip was too loose. And every time a strand of hair escaped, he'd inaudibly cuss but quickly stop midway because I'd laugh at him.

"Look at me, please," he said. Hawak niya ang magkabila kong balikat para maharap niya ako sa kaniya.

"Uy, okay na," sabi ko kahit 'di naman talaga. Buti na lang guwapo 'to!

Natatawa talaga ako kasi seryoso talaga niyang tinitingnan ang buhok ko. May mga maiikli akong buhok na 'di kayang isama sa tali, kaya ikinawit na lang niya iyon sa tainga ko.

"There. Done," he said. Nakatingin pa rin siya sa ginawa niya sa buhok ko. Nang magkatinginan kami ay namula na naman siya at humakbang paatras.

"Thank you, Sir Archer," I emphasized the address while giving him a playful look. "Never in my life have I imagined a guy like you would do something like that for me."

Bumalik siya sa pagkakaupo at hindi na naman makatingin sa 'kin.

"Uwi na tayo?" he asked again instead. I let out a soft chuckle.

"Mamaya pa nga po ako. Ikaw, uwi ka na."

I was discarding all the excess stems in the trash bag, and he watched me like he wanted to take over.

"I worked all day," he said. Pinaglalaruan na naman ang gunting. Masugatan ka dyan, e.

"Not surprised. You are a work-machine or whatever. Alam ko na 'yan." Tinatali ko na ngayon ang hawak kong trash bag.

"So, we should go home and do something fun."

Kinilabutan ako bigla at saka naubo nang malakas. Wala akong kinakain, ha!

"Snooki, are you okay?" nag-aalala niyang tanong.

"I'm fine! I'm fine!" Napahawak ako sa lalamunan ko at sinubukang maglakad kahit ubo pa rin ako nang ubo. He caught my elbows to support my stance because I suddenly became wobbly.

Something That GlittersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon