''Pero totoo po, maganda ako?''

''Saan ka pa ba magmamana kung hindi sa amin ng papa mo? Ako ang ina mo kaya malamang maganda ka!'' Nag-okay sign pa siya kaya natawa akong muli.

''Ma, kailangan ko na pong umalis,'' I kissed her on her cheeks. ''Later na lang po ulit!"

"Hmm, galingan ang first day ha? Mag-iingat ka, I love you!"

"Opo Mama I love you, too. Aalis na po ako, bye bye!" Kumaway pa ako bago lumabas ng pinto. Sinundan lang ako ng tingin ni mama hanggang sa makalabas ako ng gate.

Nang makarating ako sa terminal ay sumakay na ako sa jeep at nagbayad. Siyempre iwas one two three tayo dito, 'no. Nang may maalala ay kinuha ko ang phone ko para i-chat ang kaibigan kong si Lina. Sinabi ko sa kaniya na baka ma-late ako kaya hintayin niya na lang ako pero nalungkot ako nang sabihin niyang hindi siya makakapasok ngayon because there's an emergency.

To: Lina

Okayy, ingat ka ha? Tommorow pasok ka na miss na kita:((

She replied.

From: Lina

Ako ba talaga ang miss o 'yong crush mo? Hmm...

Natawa naman ako sa reply niya, akala niya ba hindi ko siya miss? Oo, miss ko crush ko pero siyempre miss ko rin siya 'no! So, both.

Magrereply na ulit sana ako pero nag-chat siya ulit kaya hindi ko na itinuloy ang tina-type ko.

Papasok na yata ako bukas, nagkaproblem lang pero bukas papasok ako, miss na rin kita.

Hindi ko na siya nireply-an at itinago na ang cellphone ko. Malapit na rin kasi ang university kaya naghanda na akong bumaba. Nang makarating sa tabi ay pumara na ako at nagmadali nang pumasok, halos tumakbo pa nga ako dahil nakita kong kakaunti na lang ang mga estudyanteng nakikita kong dumadaan. Siguro nasa kaniya-kaniyang room na sila. Tumakbo ako nang tumakbo habang ang ulo ko ay nakababa na hanggang sa mapahinto na lang ako ng bigla akong tumama sa isang matigas na bagay.

''Aray!'' ingit ko habang hawak ang noo ko. Unti unti kong inangat ang tingin ko para makita ang nakabangga sa akin, nanlaki ang mga mata ko ng makitang tao pala ang nabangga ko. Lalaki pa.

Tumama ako sa dibdib niya! Oo, ganoon siya tangkad. Dibdib lang ako. Siguro kasing height siya ng crush ko.

Nang mapatingin ako sa mukha niya ay hindi ko makakailang--- AAA HE'S SO POGI.

Nang sasalubingin niya na sana ang tingin ko ay yumuko ako at nagkunwaring sa nasa ulo ko ang atensyon. ''Ouch, ang sakit,''

Narinig ko siyang tumawa dahil doon. Infairness, ang pogi ng tawa niya, ah.

Pero hindi siya si Aiden kaya, no thanks.

"Miss, are you okay?" tanong ng lalaki dahilan para para bumalik ako sa wisyo.

"Yes, I'm sorry pala, Kuya.'' Nag-bow pa ako pagkatapos sabihin iyon.

''K-kuya?''

''Sige po Kuya, late na po ako. Pasensya na po ulit.'' Tumakbo ka agad ako ng mabilis pagkatapos sabihin iyon. Nakakahiya!

Hala why it feels like I betrayed my Aiden. Siya yung gusto ko, one and only. Na pogian lang ako roon sa lalaki ng slight kasi ngayon ko lang siya nakita, hindi ko gusto 'yon ah! Transfer ata siya.

Hingal na hingal ako nang makarating na ako sa classroom, I saw a teacher standing in front of the class. When she saw me, she immediately smiled and let me introduce my self in the front since I'm late.

Nakayuko naman akong pumasok sa pinto at nahihiyang ngumiti sa harap ng mga kaklase kong nasa akin ang tingin ngayon.

"Hello guys, I'm Zariliana Lay Ross you can call me Zary or kung saan kayo comfortable. My favourite color is pink because it looks so soft.''

Sinenyasan ako ng professor na magpatuloy kaya ngumii ako bago muling magsalita.

''My hobby is kumain.'' The whole class suddenly laughed. It wasn't even funny, I'm stating facts here.

Hinayaan ko na lang sila bago magpatuloy. ''I do hope na maging close tayong lahat dito, I'm sure this school year will be memorable to us. Have a good day everyone!" I smiled cheerfuly bago umupo sa bakanteng upuan.

Sumunod na ang iba pang estudyante sa pag-iintroduce nila sa harapan, nakinig naman ako sa kanilang lahat hanggang sa matapos ito. Nag-umpisa ka agad sa lesson ang propesora kaya nakinig akong mabuti at nag take ng notes. Paminsan-minsan ay nagrerecite din ako kapag alam ko ang pinag-aaralan.

Nang mag-breaktime na pagkatapos ng ilang oras na klase ay inayos ko na ang gamit ko bago excited na lumabas ng classroom. Dumiretso ako sa cafeteria at naghanap ng bakanteng upuan bago umorder ng makakain ko.

I ordered bread and juice for me. 'Yon lang kas'ya sa badget ko, eh. Umupo ako sa table na pang two- seaters.

We're not rich, hindi rin naman kami mahirap, sakto lang pero nagtitipid kami ngayon kasi ipinangbayad sa tuition ko ang money na tinago ni Mama. May sobra naman akong pera sa binabaon ko pero mas gusto ko pa ring magtipid. Nagtatrabaho si papa ng maayos at ayokong maubos lang 'yon dahil sa akin. Saka busog na rin naman ako sa bili ko.

Nagpasalamat ako kay ate na nagtitinda at nang babalik na sana ako sa upuan ko ay may nakasalubong akong panget.

"Oy Lay, hindi mo ako hinintay. Parang walang pinagsamahan, oh!" saad niya habang may hawak na tray ng pagkain. He's my friend, Liam.

Liam Xiem Anderson. Isa ko pang bestfriend. He's a jolly person just like me, kaya siguro naging close kami.

"How many times do I need to tell you na h'wag mo ko tawagin sa second name?" I pouted. Ayoko lang na tinatawag ako sa second name pero si Liam napaka pasaway. Lay talaga ang tawag sakin lalo na pag mang-aasar siya, ayoko no'n kasi when i was bata pa inaasar ako ng mga kaibigan ko dahil doon.

"Bakit? Lay, maganda naman, ah." saad niya.

"Oo, kasi leybag."

Bumulalas siya ng tawa sa narinig, akala mo naman nakakatawa. Ang kulit talaga nito.

Nauna na siyang pumunta sa lamesa na ni-reserve ko at humila ng isang upuan gamit ang bakante niyang kamay. Ngumiti naman ako at lumapit sa upuan na hinila niya.

''Thank you---''

''Oh oh anong ginagawa mo?''

''Uupo?'' naguguluhan kong sabi.

''Bakit ka uupo diyaan? Akin 'yan, eh. Doon ka sa kabila!'' Tinuro niya ang kaharap na upuan. Pinalobo ko ang pisngi at nagdadabog na tumalikod para umupo sa harap niya. Grabe, hindi gentleman.

''Ayon nga bakit mo ako iniwan?'' tanong niya nang maka-upo na.

"E kasi naman hindi ko alam ang room mo, 'di ka rin nag-text sa akin," I replied.

"Bakit parang kasalanan ko pa? Iba talaga kapag gwapo," He confidently said.

"Ayos kasi, Liam!''

"Cute mo, hehe.'' Hindi ko na siya pinansin at kinagatan na lang ang sandwich ko. ''Na saan pala si Lina?''

"May problema lang daw pero bukas papasok na siya," sagot ko.

"Saan ba 'yong room mo? Ako kasi do'n ako sa A203."

"Oh, mag-kaharap lang pala tayo ng building e, B204 ako.'' Ang sarap ng sandwich!

"Naks naman, ba't hindi kita nakita? Sabagay ang liit mo kasi." Pagkasabi ay tumawa na siya dahilan para sumimangot ako. "Alam mo maximum height mo na yata 'yan kasi mag lelegal age ka na. Pero ayos lang 'yan, ang mahalaga nakakatayo ka kaya huwag ka na malungkot."

Salamat, ah. Laking tulong.

Before This Moment Is OverWhere stories live. Discover now