I was tied to Alonzo but then, he cut the rope. Basta pangarap ang pinag-uusapan, walang laban ang puso. And he proved that to me. Maski ako kapag nasa ganoong sitwasyon ay iyon din ang gagawin.

No matter how hard I will fight, I know that his dreams will win. Tapos ang laban kaagad. Hindi pa naman nagsisimula ay alam kong talo na ako.

My phone vibrated again and it was from Jacob.

From: Jacob

Sorry, wrong send sseb. Sa'n ka? Uwi na 'ko sana kasi 'di naman ako nag-eenjoy dito.

Pinatay ko ang phone, walang balak na mag-reply sa kanya.

I wanted to be alone and then forget everything just for today. Getting drunk is not the choice because I know that I will screw up. Wala akong kasama at ayoko pang mamatay pauwi mamaya.

Naghintay akong gumabi bago nakaalis doon. I drove again and occupied myself with the possibilities of places that I will go. Sa huli ay naisipan kong dumiretso na lang sa isang lugar.

I went straightly to Galleria de Asuncion. Sinubok ko ang sariling makapunta roon at mukhang mas magiging tahimik ang utak ko rito.

Kahit na madilim ay alam ko kung gaano kaganda ang lugar na 'to. From the green sceneries and all. Napunta ako sa gym ng lugar at inabala ang sarili sa pagpapanood ng mga pailaw doon.

Christmas is near. Pagbaba ng sasakyan ay malamig na simoy ng hangin kaagad ang sumalubong sa akin. Naroon din ang usok na nagmumula sa isang barbecue stand.

Maraming tao at tingin ko'y may misang nagaganap dahil sa mga upuang nakahilera para sa mga tao. This Christmas might be the saddest for me. Sana naman huwag nang masundan pa kasi ngayon, parang matapang pa ako. Nakakaya ko pa ang sarili.

I brought myself here alone. Isang achievement dahil nasa gitna ako ng matinding kalungkutan ngayon.

How ironic because in front of me are the Christmas lights, twinkling like a star at night. Baliktad sa kung ano man ang napagdadaanan ko ngayon kasi madilim ang naging mundo ko. There is no light that shines. No light as the resemblance of joy and happiness which I can't feel right now.

Ramdam na ramdam ko ang mga tingin sa akin ng mga tao. I'm not a resident in here so they think, I am some stranger who's gatecrashing their event. I am standing and my eyes are on the lights. Hindi ko nabigyang pansin iyon dahil iisa lang naman ang nagiging laman ng isip ko.

Sana ang buhay ay puro na lang liwanag. Walang kadiliman, walang kalungkutan na nagpapabigat sa nararamdaman. I want to feel the happiness but how I can recover on that? Paano ko gagawing matatag ang sarili kung sa simpleng nangyari sa amin ni Alonzo ay sobrang naaapektuhan na ako?

I do not blame him about what happened to us. Pero kasi, naapektuhan naman ako. Biglaan na lang dumating iyong lungkot sa akin na hindi ko inasahan.

Though I have a hint already that he'll break-up with me, it still feels different lalo na kapag galing na mismo sa kanya. Mas masakit pala. Kahit na ilang buwan lang naman nagtagal, naapektuhan pa rin ako.

I stayed there for long. Pagkatapos din naman ng kaunting pagtitingin ko at pakikinig sa naging misa ay nagtungo na ako sa kotse at umuwi na lang sa bahay.

Sa gitna ng pagmamaneho ay naisipan kong buksan ulit ang phone at doon na nagsilabasan lahat ng mga naging tawag nila sa akin. Jacob and my cousins called me many times. Marami ang naging missed calls sa kanila at ganoon din kay Mama. And what caught me was the text message from Jacob.

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now