NA 23: Physical

1.9K 134 8
                                    

If ever na naguguluhan kayo sa flow ng story na like diba baby palang si Keesha nung umalis sila, di ba pwedeng bumalik for like vacation ganon? Okay anyways wag nyo pansinin kuda ko dine HAHAHAHA

Expect typos and wrong grammars.

Keesha's POV...

Di ako pinatahimik ng nalaman ko kagabi. Ganon na ba ko ka-ulyanin para di ko maalala na si Bleu at si Tabs ay iisa?

Hayst. Di dapat ako papadala sa emosyon ko, lalo ng dalawang linggo nalang ang natitira bago ang COTL. Wala ng panahon ang bawat isa samin para mag-saya. Lahat kami ay nagseseryoso na.

"Keesha focus!"sigaw ni Sir Lethist.

Kasalukuyan akong nasa VR at kinakalaban si Seah.

Madali nalang dapat sakin ito dahil sa hindi naman ganon kalakas si Seah pagdating sa pisikalang labanan. Hindi lang talaga ko pinapatahimik ng utak ko.

"Wife."

Matapos ko iyong marinig ay tumama sa tuhod ko ang sipa ni Seah dahilan para mapaatras ako.

"Stop!"sigaw ulet ni Sir.

Padabog akong lumabas ng VR sak lumapit kay Sir dahil sinensyasan nya kong lumapit.

Nahagip pa ng mata ko si Bleu na pangiti-ngit pa sa gilid. Agad na nagtama ang paningin namin kaya itinaas ko ang gitnang daliri ko sakanya.

"Keesha ano bang nangyayari sayo? I was expecting an easy and breezy fight. Pero ano toh? Kung kelan malapit ang COTL saka ka pumapalya! Naku---"

Di ko na pinatapos si Sir ng nilapitan ko si Bleu saka ko sya sinuntok sa kaliwang pisngi.

"Si Bleu ang gusto kong makalaban."seryosong sabi ko saka muling pumasok sa VR.

Saglit pa silang nag-usap at saka nagtanguan at sumunod na sa loob si Bleu.

"Wag na nating patagalin toh. FIGHT!"sigaw ni Sir pero walang gumalaw samin.

"I'll go easy with you wife."bulong ni Bleu sakin gamit ang hangin.

"Bring your best you as*hole!"pagalit na sigaw ko.

Kita ko pa ang bahagyang pag tagilid ng ulo nya at paghawak sa tenga nya.

"Medyo masakit yon ah."patawa tawang sabi nya pa.

"I don't care tss."

I hissed then I started to attack him. Naiiwasan nya ang mga tira ko. Tingin ko ay kabisado na nya ang galaw ko dahil paulit ulit na iyon.

Napangisi ako saka ko kinawit ang pareho nya paa kaya sya bumagsak sa sahig.

Agad akong naupo sa tiyan nya saka sya pinatamaan ng suntok sa magkabilang pisngi pati na den sa panga.

Nagulat ako ng gamitin nya ang pareho nyang kamay at ikinawit iyon sa leeg ko at saka nya ko inihiga.

Gumilid sya sakin at ginamit nya ang kaliwa nyang binto para di ako makatayo.

Night Academy [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora