NA 22: Yats and Tabs

2.1K 141 13
                                    

Yow, wazzup guys. Magsisipag na ba ko?

Expect typos and wrong grammars

*****

Keesha's POV...

Two and a half week or almost one month of training and the COTL will begin.

Hawak ng Club A ang pangalan ng buong Night Academy. Kami ang pride ng eskwelahang ito.

Kasalukuyan kaming nandito sa VR(Virtual Room) kasama si Sir Lethist para sa magiging schedule namin sa buong dalawang linggo na practice.

"Monday is physical training, Tuesday is weapon training, Wednesday is magic training, Thursday is mind training, Friday is emotional training, Saturday is combat training and Sunday is rest day. Dyan iikot ang schedule nyo this week and next week. Again, get yourselves ready, you'll gonna have a hard day starting tomorrow. Goodbye Club A."yon na at lumabas na si Sir.

Niligpit ko na ang gamit ko saka nauna ng lumabas sakanila. Umuwi na ko mag-isa sa dorm, house, basta yung tinutuluyan ko!

Pabagsak akong nahiga sa kama at basta nalang hinubad ang sapatos ko. Saan napunta? Wala kong pake.

Di ko na namalayan na nakatulog na ko sa sobrang pagod.

.....

Naalimpungatan ako ng may ibulong sakin ang hangin.

Wait, this is new.

May parte sakin na natuwa dahil naka-diskubre na naman ko ng bago sa kapangyarihan ko. Pero may parte den sakin na kinakabahan.

Muli na namang bumulong at inikutan ako ng hangin hanggang sa napatayo ako at dinala ako ng hangin sa garden maze malapit lang den sa tinutuluyan ko.

Hinintay ko ulet na bulungan ako ng hangin ngunit bigla nalang iyong nawala. Niyakap ko ang sarili ko.

Di pa pala ko nagbibihis.

Babalik na sana ko sa kwarto namin ng mahagip ng mata ko ang silhouette ng isang lalaki na nakalutang sa gitna ng batis.

Patago akong lumapit doon. Nagulat pa ko ng malaman kong si Bleu iyon. Mag-isa at nakatulala.

Aalis na dapat ako ng bigla syang magsalita.

"Leaving without saying goodbye is rude nor watching me without permission is even more rude."seryosong wika nya.

Bigla nalang akong lumutang sa ere saka napalapit sa pwesto nya at doon nya ko inupo sa tabi nya.

"Can I tell you my problem?"seryosong tanong nya.

Ehh?

"Kung problema mo ang pag-uusapan. Wag ako ang sabihan mo, baka wala lang akong maitulong."deretsang sabi ko saka tumitig sa mukha nya.

"Okay lang, basta makinig ka lang."sabi nya saka huminga ng malalim bago magsalita. "I'm, I'm a victim of fixed marriage."

Nagulat ako sa sinabi nya pero di ko iyon pinahalata. Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko na di ko maintindihan.

"Seah, sya ang pakakasalan ko once na makapagtapos kami ng pag-aaral. Anak sya ng pinuno sa bayan ng Hatui. Hindi ko alam kung pano nangyari pero naging malapit kami ni Seah sa isa't isa. Kapatiran lang ang turingan namin noon, nag-plano pa kami na ipapatigil namin ang kasal pero nagulat nalang ako na umamin sya sakin na mahal na nya ko. Syempre di ako naniwala at di rin ako pumayag na totohanin namin dahil, dahil may mahal akong iba."saglit syang natahimik saka yumuko.

Night Academy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon