Chapter 20 : The Mighty Cracked

72.6K 3.2K 980
                                    

20.

The Mighty Cracked

Sisa

Idinilat ko ang mga mata ko at natagpuan ko ang sarili kong nakahiga sa sarili kong kama. Hindi ko na maalala kung paano ako nakabalik dito. Nakakainis, ba't pa ako nagising? Hindi ba pwedeng matulog nalang ako at 'wag ng magising pa? Ayoko nitong nararamdaman ko. Masakit. Napakasakit. Pati huminga at mag-isip, masakit.

Pakiramdam ko, hindi na ako si Sisa. Pakiramdam ko, ako na ulit si Serenity.

Mas pinangunguhan na ako ngayon ng emosyon ko.

Nasasaktan na ulit ako.

Tough cookie? Sarili ko lang ang niloloko ko.

Sabi ko noon kaya kong tanggapin kung sakaling patay na si Julia. Sabi ko, handa akong tanggapin ang lahat ng mga matutuklasan ko kasi nga tough cookie ako pero hindi ko naman inakalang ganito pala kasama ang katotohanan. I can't accept the fact that Julia was held captive for more than two years and I found her too late. I let her down. I had every chance to save and find her but I failed and now my bestfriend's gone. I'm all alone again. 

Mas gusto ko pa yung pakiramdam na hindi pa siya natatagpuan kasi sa mga panahong 'yon, may pag-asa pang buhay siya at makakasama ko pa ulit siya. Ayoko sa nararamdaman ko ngayon. Ayoko sa katotohanang wala na ang taong tumanggap sakin sa kabila ng kundisyon ko. Ayokong mag-isa ulit.

*****

Naupo ako at lumingon sa vanity mirror na nasa gilid ko lamang. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Nakakaawa ako. Namamaga ang mga mata at gulong-gulo ang mga buhok. Mukha akong inatake ng daan-daang demonyo. 

Nanghihina man, pinilit ko ang sarili kong tumayo at doon ko lamang napansin ang kulay pulang markang natitira sa paa ko. Wala na ang ankle bracelet. May nagtanggal na nito.

Lumabas ako mula sa kwarto ko at nagtungo sa hagdan. Bababa na sana ako nang marinig ko ang boses ni Ponzi at parang may kausap siya. Nahihilo pa ako kaya hindi ko masyadong maintindihan at marinig ang sinasabi niya.

Nang makababa ako ng hagdan at makita niya ako ay dali-dali niyang ibinaba ang cellphone niya. Yung awa sa mukha niya, andun parin. Nakakainis.

"Okay ka na ba?" Nag-aalala niyang sambit.

"Oo naman." Taas-noo kong giit sabay ngiti pero hindi sumusunod ang mga mata ko kasi kusa na naman itong lumuluha. Dali-dali kong pinunasan ang luha ko, "Yung mata ko 'di pa but no worries, masasanay rin 'to." Biro ko na lamang saka tumalikod mula sa kanya.

Pinipilit kong magpakatatag pero kusa ng sumusuko ang puso at mga mata ko. Pinipilit kong maging okay pero ang hirap pala talaga lalong-lalo na't naalala ko ang hitsura ni Julia kagabi... Ang tuwa sa mga mata niya nang muli kaming magkita matapos ang dalawang taon.

"Sisa it's okay to crack." Sabi ni Ponzi saka hinawakan ang balikat ko.

Napapikit na lamang ako't huminga ng malalim. Pilit kong nilulunok ang hikbing gustong kumawala mula sakin. Ayokong lumingon kay Ponzi. Baka lalo lang akong umiyak. Panget siya. Nakakaiyak ang kapangitan niya. Oo nga 'yun yon. Naiiyak ako kais ang panget-panget niya.

The girl who cried murder tooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon