Chapter 1 : The fire she made

122K 4.5K 2.8K
                                    

1.

The fire you made

Sisa

"That bitch, no wonder sinubukan siyang patayin ng Crimson Ripper kagabi."

"Omg so totoo ngang may Crimson Ripper?!"

"Gaga! Sa dami ng students na namatay last year, hindi na ako magtataka pa!"

"Omg! Nakakatakot!"

As expected instant apple of the eye ako sa school both in a good and bad way but who cares? Isang attention lang naman ang gusto kong makuha, ang sa Crimson Ripper. Kung sila takot, pwes ako hindi. The Crimson Ripper is a good for nothing son of a bitch samantalang ako, I'm awesome. 

But seriously though, kanina pa ako iritang-irita kasi kanina pa nila ako pinagtitinginan. Pakshet to the nth power, nakakairita. Ang sarap nila batuhin ng mga libro, yung sa mukha talaga tas yung babakat talaga sa libro ang panget nilang fes. Ugh, that would be heaven.

Kahit dumaan ako sa gym, panay parin ang titig ng lahat sa akin, at dahil nga generous ako, hindi na ako nagdalawang-isip pa't umakyat na talaga ako sa stage.

Tinanggal ko ang bag mula sa mga balikat ko at inilaglag ito sa sahig. Sinuklay ko pa ang mahaba kong buhok gamit ang mga daliri ko saka naglapat ng pulang-pulang lipstick sa labi ko. Confident naman ako sa face powder at makapal na eyeliner sa mukha ko kaya di na ako nag-abalang manalamin pa.Tadtad na nga ng galos ang mukha at mga braso ko, ganda ko parin, ano pa kaya kung wala? Okay ang hangin ko na, sorry naman, maganda lang talaga.

As expected, nakatingin parin ang lahat sa akin and this time nakakunot na ang mga noo nila at takang-taka na sila sa ginagawa ko.

Napangiti na lamang ako at pumalakpak ng dalawang beses.

"Oy ano ba! Nandito na ako! Gustong-gusto niyo akong tingnan diba?! Oh heto andito na ako sa taas ng stage! Pakasawa kayo sa ganda ko!" Sigaw ko sabay angat ng dalawang kamay kong naka fuck-you sign.

I'm not a bad girl. I just dont have time for people's bullshit.

Kung gusto nila ng gaguhan, game ako. And losing isn't in my vocabulary.

"Baliw nga talaga."

"Siya yung Sisa na transferee last year diba?"

"Sisa nga siya. Walang breeding."


And as expected again, andami na naman nilang masasamang sinabi tungkol sakin. Wala eh, sanay na ako, kahit anong gawin ko, masama parin ang tingin nila sakin. 

"O sawa na kayong tingnan ako? Siguraduhin niyo lang na tapos na kayo kasi oras na bumaba ako sa stage nato at mapansin kong may nakatitig na naman sakin ng masama, I swear to God, I am going to rip your eyes out with my pinky finger and use it as an ice cube for my drink of victory!" Pagbabanta ko pero nagulat na lamang ako nang bigla na lamang may nag-flash na liwanag sa harap ko. 

Kung hindi ako nakasuot ng jeans, aakalain kong mimolestya na ako ng hayop na nasa baba. Kinukunan ako ng litrato eh.

The girl who cried murder tooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon