Chapter 17 : Distracted

88.4K 3.4K 2.9K
                                    

17. 

Distracted

Sisa

"Sisa! Sisa sandali!" Naririnig kong sumisigaw si Ponzi pero di ko siya nililingon. Taas-noo lang ako sa paglalakad sa hallway kasi may invisible red carpet ako kasi nga awesome ako. Sisanity aside, ayoko muna talagang makausap si Ponzi ngayon, wala eh, ang awkward eh. Awesome ako pero hindi naman ako immuned sa awkward situations.

Di ako nagpapahalatang naririnig ko siya, rampa lang ako ng rampa sabay flaunt ng red hair ko. Pinagtitinginan ako ng lahat pero unlike noon, puro sila ngiti at cheer.

"Great party sisa! Next weekend sana meron na naman!" Sigaw ng nakasalubong kong jocks tas pinalakpakan pa ako.

"Wohoo! Party animal!" Cheer naman nung iba pa. Aba loko 'tong mga 'to, feeling close lang?

Great timing at nasa mismong tapat na ako ng girl's bathroom kaya dali-dali akong pumasok. For sure lalayuan na ako nung ungas na 'yon.

"Sisa!" Nakunot ang noo ko nang makita ko si Zepp sa loob at nananalamin, nagsusuklay na naman siya sa maikli niyang buhok. Pathetic naman, di siya gayo ko na kahit minsan lang magsuklay, ang super pretty parin.

"Sisa nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" Nagulat ako nang mapansing halos magsalubong na pala ang kilay niya at nakahawak na siya sa bewang niya.

"Sorry, got my bullshit filter on." Sabi ko na lamang at naupo sa sink.

"Earth to Sisa, hindi kaya ako invisible!" Narinig kong pasaring ni Zepp kaya lalong nakunot ang noo ko.

"Bakit? Sabi ko bang invisible ka?" Hindi naman sa nagpapaka-sarcastic ako, nalilito lang talaga ako sa pagsasabi ng babaeng to ngayon.

"Aish!" Napabuntong-hininga siya saka napakamot sa ulo niya. Di ko alam anong problema ng babaeng 'to. Baliw ata to. "Nakagawa ka ba ng assignment?" Dagdag pa niya.

"May assignment pala?" Napangiti na lamang ako saka kinuha ang videocam mula sa backpack ko.

"Jusko naman Sisa! Stop being so distracted nga! Ayan ka na naman eh!" Hindi ko na magets ang pinagsasabi ni Zepp kaya pumasok na lamang ako sa isa sa mga cubicle at pinanood ko na lamang ang video na kuha ko kagabi. Madami pa kasi akong hindi nakita kasi hindi ko pinanood ng buo ang recording. Baka sakaling may makuha akong clue dito tungkol sa identity ng crimson ripper o kung sa ano ba talaga ang nangyari kay Bea. Until now, hindi pa natatagpuan ang bangkay niya.

"Sisa?" 

Napangiwi na lamang ako nang muli akong tinawag ni Zepp.

"O? Ano na naman?" 

"Nagd-drugs ka ba? Kagabi kasi nag-alala talaga ako sayo. Anyare ba?" Bigla niyang tanong kaya napabuntong-hininga na lamang ako.

"Look zeppy, i'm not in the mood to talk shit so just shush okay?" Hanggang ngayon masakit parin ang ulo ko dahil sa hangover kaya hangga't sa maari pinilit ko ang sarili kong maging kalmado.

"Concerned lang naman ako. Basta Sisa 'wag mo ng uulitin yun kagabi ah? Kinabahan talaga ako, akala ko nakita kang high ni Sir Monterror. Naku Sisa, pagnagkataon siguradong expelled ka." Aniya kaya sa sobrang pagtataka ay lumabas na lamang ako ulit ng cubicle.

The girl who cried murder tooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon