Chapter 7 : Shock value

85.6K 3.5K 1.8K
                                    

7.

Shock value

Sisa

"Well, well, well, kaya pala may nalanghap akong masamang hangin. Magsabit kaya ako ng bagua sa labas? Pangtaboy malas daw 'yun eh." Napangisi ako nang makita ko ang hayop na bagong chief of police. Sabado ng umaga, gusto kong magpakasaya ng konti kasi weekend pero heto't dumating ang bwisita. 

"Kasama ko sila kasi ngayon ka nila kakabitan ng ankle bracelet." Sabi pa ni Mrs. Grady na siyang huling pumasok dito sa bagong bahay ko. Emphasis sa 'ko' kasi medyo happy akong at 17 eh may sarili na akong super pretty na bahay. Malas lang kasi andito si Lotus pig este yung chief of pulis na nang tazer sakin at nagparusa sakin ng ganito. But oh well, atleast di ako sa jail nakulong, ayon kasi kay Ponzi, wala daw wifi dun. Saklap x 100.

Siyempre hindi si Lotus pig ang nagkabit ng ankle bracelet sakin, baka mamaya masipa ko pa siya ng wala sa oras eh.

Nang makabit na ng tuluyan ang kulay black na ankle bracelet ko ay pinatayo nila ako upang subukan ito. Pag-apak ko palang, biglang nag-color yellow ang maliit na ilaw nito. Infareness, cute. Hindi rin naman siya mabigat so parang cool accesory lang siya na umiilaw. ganun. Osummmm!

"You will wear that device for 3 months. Made-detect ng ankle bracelet na 'yan kung saan ka nagpupunta. Naka-program na yan kaya oras na subukan mo yang tanggalin, makukuryente ka--" Maotoridad na sambit ni Lotus pig pero di ko na siya pinatapos pa.

"Whoa! so i'm the new Pikachu? Aww, my new nickname should be Sisachu! Nag-evolve para manguryente ng bitches at bugbog-deserving peeps! Lotus pig, sample nga! Tanggalin mo please!" Sarkastiko kong sambit sa kanyang nakaupo lamang sa sofa at napakasama ng tingin sakin. Aw, I think my enemy hates me too, that's nice. The feeling is super mutual.

"Bawal kang lumabas ng bahay nato unless pupunta ka sa school. Oras na lumayo ka ng 5 meters mula sa gate ay magkukulay pula ang ilaw ng ankle bracelet mo at magsisilbi itong alarm. Darating ang mga pulis ko at tuluyan ka nilang aarestuhin. Same goes oras na nasa school ka, Ihahatid ka ni Mrs. Grady palagi kaya pansamantalang made-deactivate ang alarm pero oras na nasa eskwelahan ka na ulit, maga-activate na naman 'to. Try to leave the school without Mrs. Grady, tuluyan ka ng makukulong." Ma-otoridad na sambit ni Lotus pig. este chief.

I'm 17? I'm not going to jail!

"Hija nakikinig ka ba sa sinasabi ko?!" Biglang bulyaw ni Lotus pig na kanina pa pala may sinasabi.

"Pasensya na, naka-on kasi yung bullshit filter ng pandinig ko. Off ko ba?" Muli, sarkastiko kong sambit sabay ngisi.

"Sisa!" Suway sakin ni Mrs. Grady na mukhang naiirita na sa pambi-bitch talk ko kay Lotus Pig.

Hindi naman talaga ako bitch, badtrip lang talaga ako sa pulpol na pulis nato. Noong di pa kasi siya chief of police, naalala ko pa na siya ang una kong pinagtanungan tungkol kay Julia. Siya kasi ang naka-toka sa missing people center dito sa lugar nato noon and yes, he did nothing lalo na nang makita niya ang wrap sheet ni Julia. Everyone thinks na just because nakasuhan na noon si Julia eh forever na siyang bad girl... Bad things happen to bad girls too. I just hope na kung nasaan man ngayon si Julia, sana hindi siya nasasaktan o nahihirapan. 1 year na siyang nawawala, tanggap ko na ang posibilidad na maaring patay na siya pero ang gusto ko lang, malaman ang totoo at pagbayarin ang nang walangya sa bestfriend ko.

*****

Kaalis lang nila Mrs. Grady at iba pa kaya patalon na lamang akong nahiga sa sofa. Medyo boring kasi walang cable ang tv at provincial shows ang mga palabas pero oks narin. 

Mula nang lumipat ako dito kahapon ay hindi pa ako nakikita ang buong bahay kaya i took the chance to tour the whole house. Ang ganda ng interior ng buong bahay, malayong-malayo sa basement ng library na isang taon ko ding tinirhan. Pakiramdam ko tuloy nakauwi na ako sa totoo kong bahay. Hay.. Kamusta na kaya sina Mommy at Daddy? Galit parin kaya sila sa paglalayas ko? Parang di naman nila ako hinahanap eh, napagod na yata sila. 

The girl who cried murder tooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon