Chapter 24 : A monster like me

64.8K 3.2K 2.1K
                                    

24.

A monster like me.

Third Person’s POV

“Seriously? You only got 3 points on a 100 itemed-open note exam?! Ano yun Kirk? Open-notes pero close eyes? Hahaha!” Pang-aasar ni Tammy kaya napakamot na lamang sa kanyang ulo si Kirk at inagaw ang notebook niya.

“Eh sa maling libro ang nadala ko eh, ayaw rin naman akong pakopyahin ng katabi kong hukluban.” Paghihimutok ni Kirk pero lalo lamang siyang pinagtawanan ni Tammy na panay sa paglamon ng hawak na bote ng stick-o.

Naiinis man, natawa na lamang si Kirk. Hindi niya maitago ang saya sa mukha niya lalo na ngayong tuluyan ng bumalik ang masayahing pag-uugali ni Tammy at tuluyan na silang naging magkaibigan nitong nakaraang mga linggo.

“Ugh, where’s Dustin? Saan ba yun pumunta at kelan ba ang balik nun?” Sunod-sunod na tanong ni Tama saka ibinaon ang kanyang mukha sa unan.

“Malay ko.” Sagot ni Kirk at pabiro na lamang na binato si Tammy ng nakalukot na papel, “Hoy sige na, turuan mo na ako sa calculus! Ayokong umulit sa klaseng ‘to!” Giit nito.

“Alam mo Kirk, ganito lang ‘yan. Make your professor hate you para naman no choice siya kundi papasahin ka kesa ba naman i-fail ka niya tas magkikita kayo ulit.” Taas-noong suhestyon ni Tammy sabay wagayway sa hawak na Stick-o.

“Aba problema ‘yan..” Napangisi si Kirk sabay hawak ng baba niya, “Sa pogi kong ‘to? kahit na gaano kasama ang ugali ko, hahanap-hanapin parin ng mga taong ‘yon ang pagmumukha ko. Fiction rules : handsome badboy always rules.” Pagmamalaki pa nito kaya napangiwi na lamang si Tammy.

“NASAAN ANG STICK-O KO?!!!” Bigla na lamang umalingawngaw ang napakalakas na sigaw ni Dustin bagay na tuluyang naging dahilan para matahimik ang dalawa.

“Patay…” Mahinang sambit ni Tammy at nagdahan-dahan na lamang sa pagnguya ng natitirang stick-o  nasa kanyang kamay.

*****

“Stick-o ko? Asan kayo?” Mangiyak-ngiyak na sambit ni Dustin habang sinusuyod ang bawat sulok ng kanyang kwarto.

“Nasa tiyan na ni Tammy.” Tumatawang sambit ni Kirk nang pumasok sa kwarto nito.

“Bwisit.” Napabuntong-hininga na lamang si Dustin at napangiwi.

“Nga pala saan ka galing? Buong araw kang wala ah?” Tanong ni Kirk kaya bigla na lamang sumeryoso ang mukha ni Dustin at para bang natatakot na itong sumagot. “Kirby?” Muling tanong ni Kirk.

Naupo na lamang si Dustin sa kanyang kama, “Sabi ni Ecleo nabaril daw si Ponzi kaya dumaan ako saglit dun para siguraduhing okay siya.”

“Pumunta ka sa crimson lake ng hindi nagpapasama o nagpapaalam?!” Pabulong na sigaw ni Kirk, “Kirby nag-iisip ka ba?! Paano kung biglang may makakita sayo? Paano—“

“Kuya maingat ako. Walang nakasunod sakin.” Giit ni Dustin kaya napabuntong-hininga na lamang si Kirk.

“Don’t tell your sister about this. She’s becoming better, baka mamaya bumalik na naman siya sa dati.” Giit ni Kirk kaya tumango-tango na lamang si Dustin.

The girl who cried murder tooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon