Chapter 31 : Fragments

57.4K 3K 943
                                    

31.

Fragments

Third Person’s POV

“Hijo ‘wag kang mag-alala, mahahanap rin natin—“

“Wag mag-alala?! Nakikita mo naman ‘to diba?!” Pangangatwiran ng hindi mapakaling si Ponzi sabay turo sa sasakyang nakataob sa putikan matapos bumangga sa isang puno. Umuusok pa ito. Nagkalat ang basag na salamin at iilang parte ng kotseng yuping-yupi na. Humalo na sa baha ang dugong naiwan ng mga lulan ng nabanggang sasakyan.

“Imposibleng makalayo sila, masyadong malakas ang ulan at maaring sugatan sila.” Paniniguro ng hepe kaya marahas na nasapo ni Ponzi ang ulo.

Lahat sila, basang-basa na ng ulan. Hindi na nila alintana ang napakalakas na ulang sinasamahan pa ng kulog at kidlat.

“Hijo pumasok ka muna sa loob ng kotse, makakasama sayo!” Giit ng hepe pero binaliwala lamang ito ng binata.

“Chief sa lakas ng ulan, hindi natin pwedeng suyurin ang kagubatan! Baka mas lalo lang gumulo ang lahat!” Biglang giit ng isa sa mga pulis na may dala-dalang mga flashlight at medicine kit. Hindi naman siya nag-iisa pagka’t sinang-ayunan rin siya ng mga kasamahan bagay na ikinainis ng hepe at ni Ponzi.

“Three teenagers are missing and they are with a cold blooded murderer! Hindi tayo titigil sa paghahanap and that’s an order!” Buong lakas na pagmamatigas ng hepe kaya walang nagawa ang kanyang mga nasasakupang pulis kundi pasukin ang napakadilim na kagubatan.

****

“Sisa! Zepp! Ecleo!” Buong lakas na sigaw ni Ponzi at pati narin ng kapulisan habang sinusuyod ang napakadilim at maputik na kagubatan. Dala ang kani-kanilang mga flashlight, patuloy silang naghahanap sa kabila ng napakalakas na ulan.

"Sisa! Sisa sumagot ka!" Namimilipit man sa sakit, hindi ito alintana ni Ponzi. Patuloy siyang naglalakad habang tinututok sa magkabilang direksyon ang liwanag ng flashlight.

Makaraan ang ilang oras na paghahanap ay umalingawngaw ang isang napakalakas na sigaw.

"May babae dito! Isa sa mga estudyanteng nawawala!"

Dali-daling nagtatakbo si Ponzi. Hindi nito alam saan pupunta pero patuloy lamang niyang sinusundan ang mga ilaw hanggang sa maaninag niya ang kumpulan ng iilang mga pulis.

"Padaanin niyo ako! Padaanin niyo ako!" Giit ni Ponzi habang pinagtutulak ang bawat pulis na humaharang sa kanya.

Natagpuan ni Ponzi ang sariling nakatayo sa harap ng isang duguang bangkay. Napakadilim at hindi halos magawang tingnan ni Ponzi ang mukha nito.

"Wala kaming makitang ID o kahit na ano sa wallet niya. Huli na tayo chief, hindi na'to humihinga." Sabi ng isa sa mga pulis kaya agad napatingin ang hepe kay Ponzi sabay tapik ng balikat nito.

The girl who cried murder tooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon