Effort

609 32 15
                                    

Gaya nga ng sabi nang libro dapat paunti unit na ibalik sa dati lahat. Hindi dapat pagbigla-bigla. Alam ko na 4 pm matatapos ang klase ni Megan ngayon kaya balak ko na sunduin siya. Dumaan muna ako sa flower shop para bumili ng bulaklak. Feeling ko tuloy bumalik ako sa panliligaw at panunuyo ulit. 

"Tapos na po ang customize flower nyo Sir." Sabi nang babae sa flower shop. Sana po ay maging masaya kung sino man ang tao na pagbibigyan nyo. Umalis ako nang naka ngiti at positibo ako na magugustuhan ni Megan ang 12 white roses na pinagawa ko ito ang bulaklak na pinaka paborito niya. Kahit may ari sila nang flower shop sana naman hindi siya maumay o mag sawa pag binigyan siya nito. Isa pa galing sa akin ang bulaklak kaya mas special ito. 

Masugid akong nag abang sa labas nag campus nila Megan at mga 4:15 pm lumabas na rin siya. Noong nakita ko ulit si Megan puno ako nang pananabik, isang buwan hindi kita nakita, naka usap at nakapiling. Napaka ganda niya talaga. Agad akong lumapit sa kanya. 

Megan...

Josh, anong ginagawa mo dito? (naka ngiti)

Wow, ang ngiting yan, na miss ko talaga yan... "Sinusundo kita, at gusto ko lang makita ka at makamusta. Ito nga pala flowers para sayo."

Oowww... White roses hindi kana sana nag abala pa. Masaya akong nakita ka dito Josh pero sorry hindi ako pwede ngayon. May tatapusin akong project na kailangan na namin this week.

Josh: Okay lang, ihahatid nalang kita kung saan man ang lakad mo. Alam mo naman delikado na ang panahon ngayon madami nang riding in tandem. 

Megan: Salamat pero may sasabay na ako sa mga kaklase ko para hindi na rin kita maabala.

Josh: Ikaw naman kailan ka naman naging abala sa'kin.

Biglang may bumusina na isang kotse sa harapan namin at may lalaking lumabas. Matangkad parang basketball player, matipuno at gwapo. Tall, dark and handsome sino naman kaya to. 

"Hi Megan akin na gamit mo, para mapasok ko na sa kotse."

Megan: Siya nga pala Josh, Siya si Chris ka klase ko at groupmate. Chris si Josh.

Chris: Nice to meet you pare! Megan nauna na napala yung ibang grupo natin para mahanda na nila ang gamit. Hinintay na kita para may makasabay ka. Ano alis na tayo?

Megan: Ahh sige... Tayo na! Josh salamat sa pagdalaw at sa flowers ha. Masaya akong makita ka. Baka may mga raket ka pa na pupuntahan mauna na ako. 

Umalis na si Megan mga 5 minutes ang nakaraan tuliro parin akong naka tayo kung saan man kami nag usap. Dapat ba akong magalit, dapat ba akong mag tanong ano bang dapat kung gawin. Naguguluhan ako, nagagalit at nasasaktan. Sino ba ang Chris na yun. Dapat ba akong mag selos? Nagiging paranoid lang ba ako. Baka kaibagan lang talaga sila. Pero bakit ako nag seselos? May dapat bang pag selosan?

Ano ba tong cool off? Ito na nga yun... Wala naba talaga kami? May bago naba? Dapat ba akong lumban ano ba ang pinaglalaban ko? Meron pa ba yung taong pinaglalaban ko? O hawak na siya nang iba?

Ano bang nagawa ko at kailagan kong maramdaman ang mga ito. Pina kilala niya nga ako sa Chris na yun. Pero hindi man lang niya sinabi na boyfriend niya ako.  Hindi lang ba ang spark ang nawala? Wala naba talaga?

Sa mga oras na ito, hindi ako makapagisip nang tama, inisip ko kung ano ang mali saan ako nag kulang at naghahanap ako nang sagot. Sagot na mapagbibigay nag linaw sa lahat sagot na pwede ikadurog o ika saya nang puso ko. Walang libro o advise ang makakawala nang nararamdaman ko siguro ang kailngan ko sa mga oras na ito ang isang taong makakausap at walang ibang gagawing kundi makinig. Kasi kung hindi sasabog na puso ko sa sakit.

Natapos ang araw ko na puno nang tanong. Tanong na hindi ko naman masagot. 

Cool Off !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon