No chances?

299 22 7
                                    

(Josh POV)

Nandito ako ngayon sa kwarto ko nakahiga at nakatingin lang sa kisame.. Tanghaling tapat na hindi pa rin ako bumabangon.. Ewan ko wala akong ganang tumayo o kumilos dahil sa mga nalaman ko kahapon. Hindi naman pala bf ni Megan si Chris kung alam ko lang eh di sana matagal na kaming bati ni Megan. Ano ba ang dapat kong gawin? Kakausapin ko ba sya? Ang tanong kakausapin naman kaya ako ni Megan baka labis ko syang nasaktan nung mga panahong gusto nya akong balikan. Ilang araw na rin akong naririnig mula kay Megan hindi na sya nagttxt ni hindi na sya nagpapakita... Ano ba ang gagawin ko??

Napatingin ako sa may maliit na table sa kwarto ko.. naalala ko tuloy ang libro ni Asad Iqbal kasi doon ko nilalagay minsan yung libro kung hindi ko sana tinapon yun baka may mabasa akong makakatulong sa akin.

Napabuntong hininga nalang ako at napatingin ulit sa kisame. Naalala ko tuloy ang sinabi sa akin ni Mich matagal na pala nya akong gusto hindi ko man lang alam ni hindi ko man lang napansin ganyan ba ako kamanhid?

*Flashback*

Hindi agad ako nakapagsalita pagkatapos aminin ni Mich ang kanyang nararamdaman sa akin. Nabigla ako sa aking narinig

"Mich I'm...." hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil sa biglang nagsalita ulit si Mich

"Alam ko namang hindi mo ako mahal.." medyo naiiyak nyang sabi pero pinipigilan nya at pilit syang ngumiti "wag kang mag alala hindi naman ako umaasa na mamahalin mo rin ako gusto ko lang malaman mo para wala ng sekreto.. . Magkaibigan tayo kaya dapat walang sekreto"

"Sorry mich at naging manhid ako.. at hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo" yun lang ang tangi kong nasagot sa kanya.

Ngumiti sya sabay sabi "Ok lang yun sige uuwi na ako baka hinahanap na ako sa amin" tumayo sya at tumalikod na sa akin pero bago pa man sya tuluyang umalis humarap sya sa akin at sinabi "sana maging masaya ka sa taong minamahal mo" pagkatapos nun tuluyan na syang umalis..

At naiwan akong mag isa.. tulala.. sa dami ng nangyari

*End of Flashback*

Kinuha ko ang aking cellphone para etxt si amanda .. gusto ko lang na may makausap ngayon at isa pa ang tagal nya ng hindi nagttxt sa akin.

Josh: Busy ka ba? Ang tagal mo ng hindi nagttxt.

Nakalipas ang 10 minutes wala pa rin syang reply bakit kaya? Noon naman wala pang 1 minute nagrereply agad yun..

Amanda: namiss mo ba ako? Pasensya ka na naging busy lang ako at may pinagdadaanan.

Josh: pareho pala tayo may pinagdadaanan rin..

Amanda: Ano naman ang pinagdadaanan mo?

Josh: Dahil sa mali kong akala nagawa kong ipagtabuyan ang taong importante sa akin.. gusto ko syang makita ulit pero wala na akong mukha pang maihaharap sa kanya.

Amanda: kung gusto mo syang makita eh di makipagkita sa kanya malay mo gusto ka rin nyang makita hinihintay ka lang nya.

Napa isip ako sa sinabi ni amanda.. hindi ko malalaman kung gusto pa ba akong makita ni Megan kung hindi ko susubukan

Josh: Tama ka nga Amanda siguro nga kailangan kong makipagkita sa kanya para magkaliwanagan kaming dalawa.

----------------------------------------------------------

Next day

Hawak2 ko ang phone ko ngayon nag iisip kong edadial ko ba ang number ni Megan o hindi.. Medyo matagal ko na rin syang hindi nakakausap kaya kinakabahan ako pero wala ng atrasan ito kaya tinawagan ko na si Megan..

Cool Off !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon