Behind all These

323 33 9
                                    

(Megan POV)

Hindi ko inaasahan ang mga nangyari. Hindi ko inaasahan na tuluyang bibitaw si Josh sa akin. Ano ba ang dahilan at tuluyan syang nakipaghiwalay sa akin? Ang gusto ko lang naman magkalayo muna kami for the meantime dahil kailangan ko ng time para ayusin ang mga bagay2, para makapag isip kaya ako nakipag cool off. Akala ko mahal na mahal ako ni Josh at hindi nya ako kayang tuluyang iwan... na makapaghihintay sya.

Ano na ang gagawin ko mukhang galit na galit sya sa akin kung kailan I made up my mind na bumalik sa kanya ngayon pa sya mawawala. Kasalanan ko ang lahat kung mas naging matapang lang ako noon kung hindi lang sana ako naging duwag at iniwan sya bigla sa ere na hindi man lang sinasabi ang tuny dahilan hindi ito aabot sa ganito. Naiiyak ako sa kakaisip sa nangyari habang yakap yakap ang teddy bear na bigay nya sa akin. Ito ang first gift nya sa akin..

kringggggggg2xxxxx

Kinuha ko ang aking cellphone na nasa ibabaw ng mesa na nasa tabi lang ng aking bed.. Si Chris tumatawag..

"Megan may group meeting mamayang 5:00 para sa school project natin" paalala nya sa akin.. buti nalang tumawag sya kundi nakalimutan ko na.

"sige.. sa.. salamat sa pag remind" pinilit kong ayusin ang boses ko para hindi nya mahalata na umiiyak ako.

"Are you alright? You don't sound okay Megan" nagtataka nyang tanong

"Wala.. medyo masakit lang ang ulo ko" alibi ko.

"Sasabihin ko nalang na ereschedule ang meeting"

"Pe..pero.."

"Wala ng pero pero.. I know you are not okay and I don't know why pero kung kailangan mo ng kausap I am just here ok?" sabi nya sa akin... hindi ko alam kung magaling ba syang manghula o hindi lang talaga ako magaling umarte.

"Thanks Chris" pasalamat ko bago ko binaba ang tawag. Napahiga nalang ako ulit sa aking kama at nagbukot ng habol habang yakap yakap pa rin si Mr. Teddy.

Flashback*

Today is an exciting day kasi pumayag si papa na imbitahan ko si Josh na mag dinner sa bahay para naman makilala nya ang boyfriend ko. Ako nag prepare ng lahat ng pagkain because I want everything to be perfect. I hope they will get along together.

Magdidinner kami at 7:00 pm at ayaw na ayaw ni papa ay ang mga taong late kaya 4:30 pm pa lang tinitext ko na si Josh kasi naman hari ng late itong taong to.

Megan: Oiii ready ka na ba dyan?

Josh: 4:30 pa ah .. ang aga pa para mag ready na. Miss mo na ako? Sabihin mo lang pupunta ako ng maaga dyan para makita mo na ako agad.

Megan: Hay naku Josh.. -__- basta wag na wag kang malalate. Allergy si papa sa mga late kaya wag kang malate kahit 1 second.

Josh: Opo.. pag nalate ako bibigyan ko ang papa mo ng chocolate  para hindi sya ma turn off sa akin.

Megan: Ayaw nya ng chocolate.

Josh: Aw ang bitter naman.. wag kang mag alala hindi ako malalate para sayo : *

Tinupad nga ni Josh ang kanyang sinabi hindi sya late.. actually 30 minutes before 7:00 pm ay dumating na sya. Nag usap muna kami habang hinihintay namin si papa dumating.

After 10 minutes dumating na si papa at napatayo kaming dalawa.

"Good morning po este good evening po sir. Ako po pala si Josh. KInagagalak ko po kayong makilala" inabot ni Josh ang kanyang kamay para makipag handshake kay papa pero hindi agad nakipagkamay si papa sa kanya at tiningnan muna sya mula ulo hanggang paa bago sya nakipagkamay..

Cool Off !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon